MAY kasabihang “ang alak ay ilagay sa tiyan, huwag sa ulo” ngunit hindi ito nangyari sa isang grupo ng kalalakihan na nagrambol at nang magresponde ang mga tauhan ng MPD ay sinapak ang isa sa mga ito at binaril ang isa pang awtoridad ngunit masuwerteng hindi pumutok kaya gumanti ng putok ang pulis na nagresulta sa pagkakasugat ng isa sa mga suspek sa Tondo, Manila noong Linggo ng gabi. Tinamaan ng bala sa hita ang isang Vicente Ubias y Palacpac makaraang barilin ni P/Cpl. Marvin Floyd Aguilar, nakatalaga sa MPD-Raxabago…
Read MoreCategory: METRO
Mga tanod walang kamalay-malay sa holdapan MGA KAWATAN SA CALOOCAN NAKATAKAS
ISANG patay na security guard at kahong may lamang mga bao ng niyog ang iniwan ng mga kawatang nangholdap sa isang delivery company sa Caloocan City. Bago mag-12:00 ng madaling araw nitong Lunes, nahagip ng closed circuit television (CCTV) camera ng Barangay 135, na may dumating na dalawang motorsiklo sa binabantayang kumpanya ng hindi pa pinangalanang biktima, kung saan isa ang sakay ng unang motorsiklo at dalawa naman ang lulan ng ikalawa. Kasunod nito, may dumating na isa pang lalaking naglalakad at lumapit din sa mga naunang dumating na motorsiklo…
Read MoreCOVID nandyan pa 2 PATAY SA PANDEMYA SA VALENZUELA
DALAWA ang patay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19, batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit. Mula sa 830 noong Disyembre 9, umangat sa 832 ang COVID death toll ng lungsod noong Disyembre 11. Bukod dito, pumanhik din sa 39 ang active cases noong Disyembre 11 mula sa 37 noong Disyembre 9. Pumalo na sa 35,857 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,986 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon sa City Health Department, isa ang nadagdag na confirmed case noong Disyembre 12 mula…
Read MorePagbaba sa Alert Level 1 wala pang katiyakan NAUNSYAMI SA OMICRON
HINDI pa handa ang gobyerno na paluwagin ang quarantine restrictions dahil sa “inconclusive findings” sa uri ng bagong Omicron variant ng coronavirus. Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi pa makagawa ng desisyon ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil hinihintay pa nito ang “final conclusive data” ukol sa Omicron variant mula sa World Health Organization (WHO). “Metro Manila and other provinces and cities in the country are under Alert Level 2, which will end on Dec. 15, but this…
Read MoreAMBASSADOR LAGDAMEO BAGONG IMO PREXY
TALIWAS sa masaklap na kapalaran ni dating presidential spokesperson at ngayo’y senatorial aspirant Harry Roque na nangamote sa halalan para sa International Law Commission, nasungkit ng bansang Pilipinas sa unang pagkakataon ang pinakamataas na pwesto sa International Maritime Organization (IMO), isang specialized agency sa ilalim ng pangangasiwa ng United Nations. Sa ika-32 pandaigdigang assembly ng IMO nitong nakaraang Disyembre 6, nahalal bilang pangulo si Ambassador Antonio Lagdameo. Ito ang unang pagkakataong nahalal bilang Pangulo ng IMO na kinabibilangan ng 174 bansa, ang isang kinatawan mula sa Pilipinas. Mandato ng IMO…
Read MoreIkinasa ng ACT CIS AYUDA SA ILANG JOBLESS QC RESIDENTS
HIGIT 100 residente ng Brgy. Central sa Quezon City ang nabigyan ng ayuda ng ACT CIS bilang tulong sa mga nawalan ng trabaho o di kaya’y nag-uumpisang muli dahil sa pandemya ng COVID-19. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “priority po namin na tulungang makapag-umpisa muli ang mga kababayan natin na nawalan ng kita dahil sa COVID”. “Ibili po ng pagkain o pamasahe sa paghahanap ng trabaho ninyo itong ayuda namin,” paalala ni Yap. Dalawang libong piso bawat tao o miyembro ng pamilya ang nabigyan ng cash assistance. Kasama…
Read MoreP340K SHABU NASABAT SA TULAK
NADAKIP ang umano’y notoryus na drug pusher ng Brgy. San Dionisio, Parañaque City noong Biyernes ng gabi sa buy-bust operation makaraang bentahan ng tinatayang 50 gramo ng umano’y shabu na may presyong P340,000, ang isang pulis na nagpanggap na buyer. Ayon sa ulat, bandang alas-6:15 ng gabi, nagkasa ang mga operatiba ng NCRPO RID-RDEU, RSOG ng buy-bust operation sa #6764 Ilang-ilang Street, Tramo Uno, Barangay San Dionisio, Parañaque City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Raul Requiez. Walang pag-aalinlangan umanong nakipagtransaksyon ang suspek sa isang buyer na isa palang…
Read More2 HOLDAPER NA INDIANS, TIKLO SA OFF-DUTY COP
SWAK sa hoyo ang dalawang Indian national nang mabulaga ng isang off-duty na parak habang hinoholdap ang isang kababayan sa Valenzuela City. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Manjot Singh Buttar at Jagdeep Singh, kapwa nasa hustong gulang. Ayon sa impormasyong nakalap, pumunta ang biktimang hindi na isiniwalat ang pangalan, sa RMB Junkshop sa La Mesa, Ugong, Valenzuela City para maningil ng pautang noong umaga ng Disyembre 9, nang tutukan ito ng baril at holdapin ng mga suspek. Tiyempong napadaan ang off-duty na pulis ng Quezon City at nabulaga…
Read MoreNCR MINIMAL RISK NA SA COVID
BUNSOD ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, maging ang National Capital Region (NCR) ay inilagay na rin sa ‘minimal risk’ ng Department of Health (DOH). Nangangahulugan ang ‘minimal risk’ na mas mababa sa 1 ang ‘average daily attack rate (ADAR)’. Ayon sa DOH, nasa 0.87 kada 100,000 indibidwal na lamang ang ADAR sa Metro Manila. Ito ang magandang ibinalita ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang makatanggap ng ulat na nasa -62% na rin ang two-week growth rate (TWGR) sa rehiyon. Habang sa healthcare system, nasa 21.11% ang bed…
Read More