KINONDENA ni Senador Grace Poe ang pagpaslang sa mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan sa Leyte at isang mayor kasama ang kanyang bodyguard sa Basilan na tila tumitindi habang papalapit ang halalan. Sa pahayag, hinikayat ni Poe ang pamahalaan na gumawa ng matapang na hakbang upang proteksyunan ang taumbayan at palakasin ang sistema ng hustisya para maparusahan ang mga kriminal. “Ang napakaraming insidente ng pagpatay, kasama na ang pagkitil sa isang mamamahayag sa Samar at sa alkalde at kanyang aide sa Basilan, ay muling naglalatag ng anino ng karahasan sa…
Read MoreCategory: METRO
STREET PARTIES DAPAT MAY PERMISO NG LGUs
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko lalo na ang mga nagpaplanong magsagawa ng street party ngayong Kapaskuhan na kailangan muna nilang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan. “Number one, makipag-ugnayan po muna sa LGU, okay. So huwag ninyong isipin na, “Okay, puwede ito, puwede,” hindi, hindi po. Makipag-ugnayan muna sa LGU because there will be some LGUs that will have requirements,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Para naman kay DOH Director Dr. Beverly Ho, maaaring magdaos ng street party ngayong Kapaskuhan lalo pa’t alam naman ng lahat…
Read MorePAGKAWALA NG TRABAHO DULOT NG CDOs NAKABABAHALA
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Sen. Grace Poe sa pagkalagas ng mga trabaho sa mga kumpanyang nasa sektor ng telecommunications at broadcast na nag-expire na ang prangkisa at ngayon ay binibigyan ng cease and desist orders (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC). “Walang may gustong mawalan ng trabaho lalo na sa panahon ngayon. Napakabigat na hamon sa isang kumpanyang sikaping makaraos habang hindi naman ito maaaring mag-operate,” saad ni Poe sa pagdinig ng Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan. Naobliga ang NTC na mag-isyu ng CDO sa mga kumpanyang…
Read MoreHamon sa gobyerno kasunod ng pagpatay kay Malabanan JOURNALISTS PROTEKTAHAN
MARIING kinondena ni ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran ang pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan sa Calbayog City, Samar kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na resolbahin ang karumal-dumal na krimen. Bukod dito, umapela ang mambabatas sa mga nasa kapangyarihan na proteksyunan ang mga miyembro ng ikaapat na estado dahil mahalaga ang kanilang papel sa lipunan. “I am shocked at how journalists are being silenced by bullets. Their courage stems from their desire to tell the truth. We must not allow violence to kill that flame,” ani…
Read MoreESTADO NG PAG-IISIP NG ‘KILLER’ TOTOY SUSURIIN
HINILING ng local Department of Social Welfare and Development at Municipal Health Office na isailalim sa neuro-psychiatric test ang 16-anyos na binatilyong nakapatay sa kanyang ina at malubhang ikinasugat ng kanyang ama matapos niyang hatawin ng martilyo sa bayan ng Anini-y sa Antique. Ayon kay Police Major John Paul Guay, hepe ng Anini-y Municipal Police Station, nasa kustodiya na ng DSWD ang binatilyo na itinuturing ngayon bilang ‘child in conflict with the law’ (CICL). Ito ay makaraang lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Anini-y Municipal Health Office na dumaranas ng…
Read MoreKinondena ng media groups, Malacañang VETERAN JOURNALIST INILIGPIT SA CALBAYOG
KINONDENA ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang pamamaril at pagpatay sa beteranong journalist na si Jesus “Jess” Malabanan malapit sa kanyang bahay sa Calbayog City sa Samar dakong alas-6:00 ng gabi noong Disyembre 8, 2021. Ang brutal na pagpatay sa biktima ay isinisi ng CEGP sa gobyerno partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kultura ng kawalan ng pananagutan sa mga gumagawa nito. Sinabi pa ng CEGP, kailangan mapanagot ang salarin, at ang rehimeng Duterte na may pananagutan sa pagpatay sa biktima dahil sa lumalalang kultura ng…
Read MoreLOCALIZED TRASLACION NG NAZARENO, IPATUTUPAD
POSIBLENG gawing localized ang traslacion ng Poong Itim na Nazareno ng Minor Basilica of the Black Nazarene, o mas kilala sa tawag na Quiapo Church, kasunod ng nauna nang napagkasunduan na suspendihing muli ang tradisyunal na traslacion na dapat sana ay idaraos sa Enero 9, 2022. Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, localized traslacion events ang ipapalit nila sa Traslacion 2022 upang maiwasan ang pagdagsa ng malaking bilang ng mga deboto sa Maynila sa araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno, ngayong nananatili pa rin ang banta…
Read MoreKABATAAN SA AGENDA NG PARTY-LIST
BAGAMAT may kanya-kanyang sektor na kinakatawan ang mga party-list sa Kamara, marapat pa rin itaguyod ang buhay at hanay ng kabataang pag-asa ng kinabukasan. Sa isang kalatas, nagpahayag ng pagpapatuloy ng suporta sa mga programang naglalayong protektahan, hubugin at kilalanin ang sektor ng kabataan, ang Buhay party-list na itinatag ng dating Manila Mayor Lito Atienza. Bukod sa edukasyon, higit na kailangan anilang suportahan ang mga programang nakatuon sa sining at kultura, ani Von Valdepeñas na kumakatawan ng nasabing party-list na itinaguyod ng dating alkalde at maybahay nitong si Beng. Kabilang…
Read MoreIniwan sa umaandar na sasakyan BANGKAY SA BACKSEAT
BATANGAS – Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa loob ng isang umaandar na nakaparadang kotse sa bayan ng Calaca sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Batay sa report ng Calaca Police, nadiskubre ng dalawang residenteng malapit sa lugar ang bangkay ng biktima sa backseat ng isang gray na Mitsubishi Mirage na iniwang umaandar sa gilid ng barangay road sa Barangay Cahil, bandang alas-5:30 ng umaga. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, may mga tama ng bala sa iba’tibang bahagi ng katawan ang biktima. Narekober sa crime scene…
Read More