P1.3-M NG MAGLOLA NATANGAY NG HOLDAPER

LAGUNA – Tinatayang umabot sa P1.3 milyong cash ang natangay ng mga holdaper sa maglola na sakay ng kanilang motorsiklo habang pauwi sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, San Pablo City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Lina Arrogancia Garcia at Princess Queenie, isang menor de edad. Batay sa report ng San Pablo City police, tinatahak ng maglola ang barangay road na magkaangkas sa motorsiklo ngunit pagsapit sa lugar nang sumemplang dahil sa nakaharang na lubid sa kalsada. Bunsod nito, nahulog mula sa motorsiklo ang…

Read More

SNATCHER NATUNTON SA MAKATI JAIL

BAGAMA’T nakakulong sa Makati Police station, isinilbi pa rin ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Manila Police District sa isang 20-anyos na binata sa kasong robbery snatching sa Sta. Ana, Manila. Kinilala ang suspek na si Jonathan Badilla, tambay, ng Dagonoy St., Sta. Ana, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Station 6, bandang 4:30 ng hapon noong Huwebes nang isilbi sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Judge Liwliwa Hidalgo-Buco ng Regional Trial Court Branch 34 ng Manila, na may…

Read More

SARI-SARI STORE OWNER TIKLO SA FAKE VAX CARD

ARESTADO ang isang may-ari ng sari-sari store nang mabuking ang pamemeke at pagbebenta ng COVID-19 vaccination card sa isinagawang operasyon ng Caloocan City Police, ayon sa utos ni Mayor Oscar Malapitan. Nasakote dakong alas-11:40 am noong Nobyembre 7 sa entrapment operation si Benjamin Marilao, 52, nakatira sa Phase 7, Package 2, Bagong Silang, Caloocan City, nahaharap sa kasong falsification of public documents. Ayon sa pulisya, dinamba si Marilao matapos mameke at magbenta sa halagang P500 ng fake vaccination card sa isang pulis na nagpanggap na bibili. Ayon kay Malapitan, hindi niya…

Read More

3 PATAY KADA ARAW SA COVID SA CALOOCAN

BAGAMA’T bumaba na sa 240 ang active cases ng COVID-19 sa Caloocan City, halos tatlo pa rin kada araw ang namamatay sa lungsod dahil sa pandemya. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, 1,586 ang total COVID deaths sa lungsod noong Nobyembre 12 mula sa 1,558 noong noong Nobyembre 1, o karagdagang 28 casualties sa loob ng 11 araw para sa average na 2.5 patay kada 24 oras. Pumalo na sa 61,283 ang confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 59,457 na ang gumaling. Samantala, isang COVID patient…

Read More

PWEDE NANG MAG-ZUMBA

PINAYAGAN din ng IATF ang rekomendasyon na buksan ang group activities ng mga fitness studio, gyms, at iba pang venues para sa non-contact exercise at sports sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2. “Zumba time na naman po,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. In-adopt din ng IATF ang panukalang guidelines ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa pagsagawa ng limited face-to-face training at assessment program. “As such, TESDA is allowed to conduct training and assessment from 50 percent to 100 percent venue capacity,…

Read More

Hirit ng mga taga-Caloocan DRESS CODE IBASURA

KAYSA pagmulan pa ng kalituhan, abala at kahihiyan sa bahagi ng maniniket na pulis at titiketan, ilang residente sa Caloocan City ang humiling na ibasura na ang Caloocan City Dress Code in Public Places kasunod ng kontrobersya sa pagtiket ng isang pulis sa isang babae dahil sa pagsusuot ng maikling shorts. Ayon sa mga residente, “panggulo” lamang ang ordinansang ipinasa noong 2007. “Wala naman pong winter sa Pilipinas, at kapag summer napakainit.  Kaya po kami nagso-short at sando, e ‘yun po ang praktikal na gawin.  Hindi naman po kami action…

Read More

VALENZUELA, KULELAT SA PAGSUGPO SA COVID

KULELAT ang Valenzuela City sa pagsugpo sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area kung ang datos ng OCTA Research Service ang pagbabatayan. Ayon sa OCTA, ang Caloocan City ay may average daily attack rate (ADAR) na 1.28; Malabon City, 1.51, at Navotas City, 0.37, habang ang ADAR ng Valenzuela ay 2.38.  Ang ADAR ang average na bilang ng tao na nahahawaan ng COVID-19 kada araw sa bawat 100,000 katao. Bunsod nito, naiwan sa kategoryang “low risk” sa COVID-19 ang Valenzuela, habang ang Caloocan, Malabon at Navotas ay nasa…

Read More

DATING PULIS TIMBOG SA PAWNSHOP ROBBERY

NAARESTO na ng Quezon City Police District ang suspek sa magkasunod na pawnshop robbery sa lungsod ng Quezon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Antonio C. Yarra, ang suspek na si ex-Patrolman Dennis Marucut, nakatalaga sa Police Regional Office 3 bago ito natanggal sa serbisyo noong isang taon matapos mag-Absent Without Official Leave (AWOL). Ayon sa ulat, pasado alas-9:05 ng umaga (November 9) nang unang holdapin ng suspek ang Palawan Express branch sa No. 162 Roosevelt Ave. corner Del Monte, Brgy. Del Monte, Q.C. kung saan mahigit…

Read More

LGEN. CENTINO, HINIRANG NA AFP CHIEF OF STAFF

KINUMPIRMA ng Malakanyang na inaprubahan at nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatalaga kay LGen. Andres Centino bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) epektibo ngayong araw, Nobyembre 12, 2021. “We are confident that Gen. Centino will continue the initiatives of his predecessors to bring lasting peace and development in the country while securing the State and upgrading our defense capability,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Hangad naman ng Malakanyang ang tagumpay ni Gen. Centino sa bago nitong gampanin bilang AFP Chief. Samantala,…

Read More