MGA GUMALING SA TB SA NAVOTAS, MAY AYUDANG P3K

PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P3,000 livelihood assistance ang 191 pasyenteng gumaling sa tuberculosis (TB) matapos ang anim hanggang walong buwang gamutan, habang 116 pa ang ipinoproseso na ang cash aid. “TB is deadly, but it can be cured. We want to encourage Navoteños who contracted TB to get themselves treated early and avoid spreading the disease to their family members and community,” ani Mayor Toby Tiangco. Sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-05, naglaan ang Navotas ng P3,000,000 kada taon para sa TB Control Program ng lungsod.…

Read More

Sa tulong ng medical and nursing students PAGBABAKUNA SA PINAS BIBILIS

NANINIWALA si House Speaker Lord Allan Velasco na mas mapadadali na ang pagbabakuna ngayong pinayagan na ang pag-deploy sa medical at nursing students bilang volunteer vaccinators. “This development provides a major boost to the government’s critical public health mission of inoculating 90 percent of the population against the deadly coronavirus,” ani Velasco. Unang umapela ang mambabatas sa lider ng Kamara noong May 2021 na gamitin na ang underboard medical at nursing students para mas marami ang mababakunahan. Hindi lingid sa lahat na limitado ang mga tauhan ng Department of Health…

Read More

SUNDALO, 2 PA HULI SA GUN BUY-BUST OPS

ISANG Philippine Army corporal at dalawang sibilyan ang nadakip ng mga awtoridad sa pagbebenta ng baril kasunod ng isinagawang gun buy-bust operation sa Zamboanga City. Kinilala ang mga arestado na sina Corporal Alkhaizer Balboa, 36; Rodolfo LLenado, Jr., 37, at Remar Hadjiri, 43-anyos. Ayon sa ulat, naglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa mula sa Joint Task Force Zamboanga at local police, kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa La Terazza Hotel, Gov. Camins Avenue. Sa nasabing operasyon ay nadakip ang tatlong…

Read More

NCR ALERT LEVEL 2 HANGGANG NOV. 30

MANANATILI sa Alert Level 2 ang National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021. Bukod sa NCR, Alert Level 2 rin sa Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del…

Read More

BAGONG POSITIBO SA COVID-19 SA NAVOTAS, NASAWI

BINAWIAN ng buhay ang isang bagong nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas noong Nobyembre 13. Hindi na naidagdag sa 25 active cases ang nasabing pasyente habang walang naitalang nakarekober sa pandemya sa lungsod sa nasabing araw. Pumalo na sa 17,600 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17,032 na ang gumaling, habang umakyat sa 543 ang COVID death toll. Wala namang iniulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Malabon City, habang anim ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa. Sa…

Read More

Sangkot sa illegal recruitment PEKENG BI LIAISON OFFICER, TIMBOG

IKINATUWA ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto kamakailan sa isang lalaking nagpapakilalang liaison officer ng ahensya, sa Pasig City. Ayon sa pahayag ni Morente, nagpasalamat siya sa Pasig City Police sa pagkakadakip sa fake officer sa Brgy. San Joaquin, Pasig City. Ayon sa news reports, inalok ng suspek na hindi pinangalanan ni Morente, ang isang babae na magbayad ng mahigit sa P300,000 bilang placement fee para makapagtrabaho sa Africa. Ngunit hindi umano nagpakita sa airport ang suspek sa araw ng flight ng biktima makaraang nagbigay ng…

Read More

“BACK TO BASIC” ANG PNP – GEN. DE LEON

PAGPAPATRULYA, pag-iimbestiga, agarang pagresponde at tunay na pagseserbisyo sa taumbayan ang magiging pokus ng bawat pulis sa mga darating na araw. Ayon sa bagong talagang PNP Director for Operations chief na si PBGen. Valeriano de Leon, “back to basic muna ang lahat ng mga tauhan natin kasi tila nawawala na sa kanilang pang-araw-araw na gawain ang mga ito”. “Napapansin kasi natin na puro public relations o PR na lang ang ginagawa ng ilang mga tauhan natin sa halip na gawin ang mandato nila na ‘To protect and to serve’,” ani…

Read More

PAG-IINGAT SA ILALIM NG ALERT LEVEL 2, DOBLEHIN

PINAALALAHANAN ni ACT-CIS Nominee Edvic Yap ang publiko na lalong mag-ingat sa COVID-19 ngayong nasa Alert Level 2 na ang halos lahat ng lugar sa bansa. “Napansin ko na nagiging relax ang lahat pag lumabas ng bahay na parang wala nang COVID,” ayon kay Yap. Dagdag pa niya, “wala na ang social distancing at paggamit ng alcohol o paghugas ng kamay pag nasa labas ang mga tao.” “Hindi porke’t nabakunahan na tayo ay hindi na tayo tatablan ng COVID, mali po yun,” aniya pa. “Ang bakuna kasi ay proteksiyon natin…

Read More

PAGBABAKUNA, PARTE NG ‘RESPONSIBLE TOURISM’

DAPAT ipatupad ng local government units (LGUs) ang “responsible tourism” para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at protektahan ang mga tourist destination sa bansa. Himok ito ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) habang dumarami ang mga lokalidad na nagbubukas ng pinto sa mga turista. “Nagtitiwala kami na alam ng LGUs ang importansya ng responsible tourism para sa sustainable development ng ating industriya at sa kaligtasan ng mga biyahero at turista,” sabi ni TURISMO Partylist nominee Wanda Tulfo-Teo. Sinabi rin ng dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) na ang pagiging…

Read More