PAGTAAS NG SUICIDE CASES NAKAAALARMA – SOLON

bigti

KUNG ang pagbabasehan ay ang dami ng mga nagpatiwakal nitong nakaraang taon, posibleng malagay sa alanganin ang maraming Pilipino lalo pa’t malaki ang itinaas ng bilang ng mga Pilipinong dumaranas ng mental disorder, base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Giit ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, hindi dapat ipagwalang-bahala ng Department of Health (DOH) ang datos mula sa PSA, kasabay ng panawagang paglaanan ng panahon at sapat na pondo ang aniya’y estadong pinagdadaanan ng maraming Pilipinong lubos na nasadlak sa dusang dulot ng pandemya. Aniya, lumobo…

Read More

WANTED SA PAGPATAY SA KADUGO ARESTADO

ARESTADO ang 54-anyos na top 1 most wanted person sa kasong parricide ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City. Kinilala ni P/BGen. Matthew Baccay, EPD director, ang naaresto na si Alfonso Sto. Domingo y Senadan, nakatira sa Katarungan St., Brgy. Caniogan sa lungsod. Dakong alas-1:00 ng hapon noong Oktubre 21 nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant Section ang suspek sa Brgy. Del Rosario Minalabac, Camarines Sur. Dala ng mga tauhan ng EPD-Special Operation Unit at District Intelligence Unit (DIU) ang warrant of arrest na isyu ni Judge Nicanor…

Read More

4 BARANGAY SA NAVOTAS COVID FREE NA

APAT na barangay na sa Navotas ang wala nang active COVID cases, habang 76 ang active cases sa lungsod hanggang 11:59 pm noong Oktubre 23, 2021. Ang mga barangay na zero COVID na sa nasabing petsa ay ang Bagumbayan North, Bagumbayan South, Navotas West, at Tanza 2. Anim ang nagpositibo sa virus sa fishing capital sa nasabing araw habang 12 naman ang gumaling. Pumalo na sa 17,544 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 16,928 na ang gumaling at hindi nadagdagan ang 540 casualties. Samantala,…

Read More

Kapag on-duty at naka-uniporme BI OFFICERS BAWAL MAG-TIKTOK

MAHIGPIT na nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga opisyales na nakatalaga sa international airports, na bawal silang mag-post ng videos na sumasayaw o kumakanta (Tiktok) habang naka-duty at unipormado. Sa memorandum na inisyu sa lahat ng port personnel ni Immigration Port Operations chief, Atty. Carlos Capulong, nakasaad na maaari silang maharap sa administrative cases for insubordination and misconduct. Ayon kay Capulong, ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente sa kanya na imbestigahan ang mga ulat na may BI employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang…

Read More

PULIS PATAY SA GUN BUY-BUST OPS NG PNP BICOL

PATAY ang isang pulis na hinihinalang sangkot sa gunrunning activities, nang makipagbarilan sa inilunsad na entrapment operation sa Placer, Masbate noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP-Police Regional Office 5 chief, P/Brig. General Jonnel C. Etomo, nauwi sa palitan ng putok ang entrapment operation na ikinasa ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), at mga kawani ng PNP-PRO5 laban sa pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril. Ayon sa impormasyon mula sa PNP-IMEG, sa pamumuno ni P/BGen. Flynn Dongbo, kinilala ang…

Read More

PNP-PRO5 ABALA SA PREPARASYON SA HOLIDAY SEASON

NAGLATAG ang PNP Bicol, sa pamumuno ni Police Brigadier General Jonnel C. Estomo, ng mga paghahanda para sa paparating na ang holiday season upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan at katahimikan ng rehiyon. Bahagi ng paghahanda ng PNP Bicol ang maximum deployment ng pulisya sa mga lugar na inaasahang madalas puntahan at dagsain ng mga tao. Paiigtingin din ang police visibility at mobile patrol upang ganap na masubaybayan ang mga kaganapan sa bawat komunidad sa Bicol. Pag-iibayuhin din ang paglalatag ng checkpoint at chokepoint na naglalayong siguruhin na mabantayan…

Read More

Sa kondisyong full capacity kada biyahe TRANSPORT GROUPS: WALANG DAGDAG-PASAHE

traffic

WALA pang ginagawang pagbawi ang transport group na Pasang Masda sa petisyong dagdag-pasaheng inihain sa hangaring maibsan ang epektado ng lingguhang taas-presyo sa krudo. Paglilinaw ni Pasang Masda president Obet Martin, babawiin lamang nila ang inihaing petisyon para sa P3 dagdag-pasahe sa mga pampasaherong dyip kung pahihintulutan ng pamahalaang ibalik sa full capacity ang kanilang operasyon, kasabay ng cash subsidies na ipinangako ng Department of Transportation (DOTr) sa isang pulong sa Kamara nitong nakaraang linggo. “Nire-request na naming gawing 100% ang aming capacity para naman po kumita ang mga jeepney…

Read More

Nadiskaril sa red tape 700 COVID-19 TESTING MACHINES ‘DI GINAMIT

ISINISI sa bureaucratic red tape ang pagkakatengga ng may 700 COVID-19 GeneXpert machines na donasyon ng Geneva-based na Global Fund to Fight AIDS, Tuberculosis at Malaria, at may kakayahang mag-detect ng COVID-19 virus. Nanghihinayang si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil kung nagamit aniya ang mga makinang ito ay malalaman ang resulta ng COVID-19 test sa loob lamang ng 45 minuto. “The automated GeneXpert units, once brought into play, can easily triple to almost 1,000 the country’s COVID-19 testing laboratories and improve in a big way public access to screening…

Read More

NCR ALERT LEVEL BABABA PA

ncr

MAAARI umanong mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, sa ngayon ay nakikitaan umano nila ang rehiyon ng ‘downward trend’ o pagbaba ng mga kaso ng sakit, na nasa average na 1,500 hanggang 1,600 nitong mga nakalipas na araw, mula sa dating mahigit 10,000 noong panahon ng surge. “Kung siguro kapag bumaba pa ‘yan ng less than 1,000, baka pwede (ibaba…

Read More