TIMBOG sa pinagsanib na operasyon ng Makati City Police at Northern Police District (NPD) sa Barangay Bel-air sa lungsod ng Makati ang dalawa katao kabilang ang isang Tsinong pinaniniwalaang lider ng isang gun running syndicate. Dakong alas-4:10 ng hapon noong Sabado sa isang parking area ng Salcedo Village, inilunsad ng mga operatiba ng NPD Special Operations Unit at mga elemento ng Poblacion Sub-Station ng Makati PNP, ang buy-bust operation. Kinilala ni NPD Director Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang arestadong mga suspek na sina Huang Sia alyas Jason Lee, isang Chinese…
Read MoreCategory: METRO
PUBLIKO BINALAAN VS PEKENG RT-PCR TEST RESULTS
NANAWAGAN si Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa publiko na huwag maging biktima ng modus ng ilang grupo na nagbebenta ng pekeng swab test o COVID-19 result. Sinasabing may logo pa ng Philippine Red Cross ang mga pinekeng resulta ng RT-PCR Test para magmukhang authenticated o tunay. Sa Quezon City, tatlong suspek ang naaresto sa pamemeke ng swab test result kung saan ay kailangang magbayad ang mga biktima ng halos P16,000 para sa pinekeng resulta na gagamitin lamang para makauwi sa kanilang lalawigan. Ayon kay P/Gen.…
Read More2 KUBRADOR NG LOTENG, TIKLO
ARESTADO ang tatlong babaeng kubrador umano ng Lotteng sa Navotas City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga dinakip na sina Sheryl Ann Guinto, 30; Sabina Ricafrente, 63, at Anna Sapalo, 30, pawang mga residente ng lungsod. Ito ay makaraang may magnguso sa mga parak ukol sa talamak na operasyon ng “Lotteng” sa Area 1, Brgy North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan. Alas-8:25 ng gabi noong Oktubre 21 ay sumalakay ang mga parak at nadakip ang suspek at nakumpiska ang listahan ng taya, dalawang lotteng stub, isang ballpen at P940 tayang…
Read More2 PATAY SA COVID SA VALENZUELA
DALAWA ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Oktubre 22, 2021 habang 395 ang active cases matapos na 37 ang nagpositibo sa virus habang 55 naman ang gumaling. Pumalo na sa 35,125 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,915 na ang gumaling at 815 ang namatay. Wala namang iniulat na binawian ng buhay sa Navotas habang 94 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 21 matapos na lima ang magkasakit at 25 naman ang gumaling. Sumampa na sa 17,534 ang nasapul ng pandemya…
Read MoreBIKECINATION NG DOLE INILUNSAD SA VALENZUELA
INILUNSAD ng Department of Labor and Employment ang Bikecination program nito sa Valenzuela City noong Biyernes, Oktubre 22. Limampu’t anim na bagong bisikleta ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng programa na kabilang sa mga nawalan ng hanapbuhay at out-of-school youth. Kasamang ipinamigay ng mga bisikleta ang helmet, kapote, water bottle, thermal bag, at Android mobile phone na may P5,000 load sa electronic payment application. Layon ng Bikecination na bawasan ang unemployment sa pamamagitan ng pamimigay ng oportunidad pangkabuhayan sa mga manggagawa sa formal at informal sector na nawalan ng trabaho…
Read More2ND PHASE NG PEDIA VACCINATION UMARANGKADA
NAGSIMULA na nitong Sabado ang 2nd phase ng bakunahan para sa 12-17 age group na may ‘comorbidities’ sa buong Metro Manila. Sinabi ng Department of Health (DOH), isinasagawa ang Phase II ng Pediatric A3 COVID-19 vaccination sa mga piling pagamutan pa lamang sa Metro Manila dahil sa magiging payugto-yugto ang pagpapatupad nito. Namili ang DOH, National Vaccine Operations Center (NVOC), at mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ng mga pagamutan o vaccination sites na may kapasidad nang agarang pagresponde sakaling magkaroon ng ‘adverse reactions’ o ‘side effects’ sa bakuna ang…
Read MorePEDIATRIC VACCINATION SA NAVOTAS, LARGA NA
SINIMULAN na sa Navotas City ang pediatric vaccination para sa mga may comorbidities nitong Biyernes, Oktubre 22. Kaugnay nito, patuloy sa panghihikayat si Mayor Toby Tiangco sa lahat ng mga magulang na may mga anak na 12-17 ang edad na may comorbidity na irehistro na sila sa https://tinyurl.com/NavoBakuna-minors. Sa kasalukuyan ay tanging Pfizer at Moderna vaccines lamang ang pinapayagan para sa mga kabilang sa nasabing pangkat. Dahil naman sa magandang balita na magsisimula na ang bakunahan ng 12 hanggang 17 taon gulang, ay posible na ang limited face-to-face classes kaya naman…
Read MoreTULAK TIMBOG SA BOGA AT DROGA SA MONTALBAN
ARESTADO sa anti-drug operation ang isang lalaki na nakumpiskahan ng kalibre. 38 baril, bala at 0.42 gramo ng hinihinalang droga kagabi sa Sitio Saba, Brgy. San Jose, Montalban (Rodriguez), Rizal. Sa ulat kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo, hepe ng Montalban police, kinilala ang nadakip na si Datu Abraham Kamaong y Gandawali, alyas “Abra”, kilalang tulak umano ng shabu sa nasabing lugar. Alas-8:20 kagabi nang ikasa ng grupo ni P/Lt. Fernan Romulo, deputy chief of police at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, ang buy-bust operation laban sa suspek. Nahaharap sa…
Read MorePASTRY SHOP LIMAS SA MGA KAWATAN
WALANG pinalagpas na pagkakataon ang dalawang kawatang nanlimas ng humigit kumulang P0.1-milyong kita ng sikat na Red Ribbon Bakeshop sa Barangay Tatalon, Quezon City. Sa ulat ng Galas Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang pangho-holdap sa Red Ribbon Bakeshop sa panulukan ng Araneta at Quezon Avenue bandang alas-3:20 ng hapon ng dalawang salaring armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril. Sa imbestigasyon ni PSMS Edel Cañaveral, sinabi umano ni Stephanie Anne Viva na tumatayong kinatawan ng Red Ribbon, dalawang holdaper ang biglang pumasok sa…
Read More