SINIMULAN na ng Quezon City government ang online booking para sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 na may comorbidities sa hangaring bigyang proteksyon laban sa COVID-19.Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang panukalang mag-inoculate ng mga bata gamit ang mga bakuna na nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration (FDA). “W e have seen in the past months how the virus has been affecting our kids as well. It’s high…
Read MoreCategory: METRO
MANAGER SWAK SA ESTAFA SA DINOKTOR NA BENTA
TAYABAS CITY – Nahaharap sa kasong estafa ang branch manager ng isang tindahan ng mga motorsiklo matapos doktorin umano nito ang mga resibo at itakbo ang benta ng tindahan. Kinilala ang suspek na si Ma. Christina Caagbay Santos, 28, branch manager ng Mariel Machineries, Inc. sa Tayabas City. Batay sa report ng Tayabas City Police, nadiskubre ng auditor ng dealer ng motorsiklo, na binago ng suspek ang mga resibo ng 45 units ng motorsiklo na kanilang nabenta mula noong Agosto 17, 2021. Naibenta ang mga motorsiklo sa pamamagitan ng cash…
Read More62-ANYOS NINAKAWAN, PINATAY SA CABUYAO
LAGUNA – Nadiskubreng duguan at walang buhay ang isang 62-anyos na lola na hinihinalang pinatay matapos pagnakawan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Cabuyao. Kinilala ang biktimang si Primitiva Emboltorio, natagpuang nakahandusay sa kanyang tahanan at tindahan sa Brgy. Mamatid dakong alas-5:00 noong Miyerkoles ng hapon. Hinihinalang pinalo ito ng matigas na bagay sa ulo na agad nitong ikinamatay. Nakakalat ang mga gamit ng biktima sa kanyang kuwarto at hinalungkat ang mga cabinet. Lumalabas sa imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang P5,000 cash ng biktima…
Read More2 TULAK NASUKOL NG PNP BICOL
TIMBOG sa magkahiwalay na anti-narcotics operation ng PNP-PRO5 na pinamumunuan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang dalawang notorious drug personality sa Camarines Norte at Albay, ayon sa ulat ng Bicol PNP. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, nadakip sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Purok-1, Barangay VI, Daet, Camarines Norte ang 50-anyos na si Rodolfo Velez Obnamia Jr. na kabilang sa Database on Illegal Drugs ng PNP. Si Obnamia ay arestado sa aktong nagbebenta ng droga at nakuhanan ng selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money…
Read MoreTumambay o maglaro TSIKITING BAWAL PA RIN SA LABAS
BAWAL pa ring lumabas ng kanilang bahay ang mga kabataan, tumambay at maglaro sa kalye lalo na kung hindi bakunado laban sa COVID-19. Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque. Ang dahilan, ani Sec. Roque ay hindi pa bakunado ang mga kabataang ito kaya susceptible o madaling kapitan ng sakit. Sa virtual briefing ni Sec. Roque ay sinabi naman ni MMDA chair Benhur Abalos Jr. na pinagbabawal din ang mga kabataan na lumabas ng bahay at maglaro sa kalye lalo na kung walang face mask. “Ngayon kung hindi…
Read MoreNAKITULOG NA OBRERO MINARTILYO, SINAKSAK
BINIGYAN ng 50-50 tsansang mabuhay ang isang 33-anyos na karpintero na pinukpok ng martilyo at sinaksak ng kabarangay sa Malabon City. Nakaratay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Wilfredo Tumampil, ng C4 Road, Brgy. Tañong, ng lungsod, habang tinutugis ng mga pulis ang suspek na si John Paul Santos, nasa hustong gulang, ng Rizal Avenue ng nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, inabutan ng suspek sa kanyang bahay ang natutulog na biktima dakong alas-11:00 ng umaga noong Oktubre 21. Sa hindi nabatid na dahilan, kumuha umano ng martilyo ang…
Read MoreCall center agent sa Pasig timbog naman sa ‘damo’ 7 ARESTADO SA DRUG OPS SA METRO
ARESTADO ang pito katao sa ikinasang drugs buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila. Sa Marikina City, dinakip ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng 11 gramo ng umano’y shabu sa anti-drug operation. Kinilala ng mga awtoridad ang mga nadakip na sina Alfie Laguna, 40; Jeare Cambosa, Alberto Laguna III, 33, at Ruby Rose Ruelos y Gabucay, 44, pawang nakatira sa Phase-1, sa lungsod. Dakong alas-3:35 ng hapon noong Oktubre 19 nang isagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek ng Station Drug…
Read More3 TIKLO SA FAKE RT-PCR TEST RESULTS SA QC
ARESTADO sa mga operatiba ng Cubao Police Station (PS-7) ang tatlong suspek na gumagawa umano ng fake swab test results, kahapon sa Cubao, Quezon City. Kinilala ni P/Lt. Col. Elizabeth Jasmin, commander ng PS-7, ang mga suspek na sina Bonifacio Bautista, Jr., 50, residente ng Cambridge, Brgy. E. Rodriguez, Quezon City; Guilma Cadilo, 45, residente ng NTE Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal, at Alberto Bautista, 22, residente ng Brgy. Quianan, San Juaquin, Iloilo. Ayon sa ulat, noong Oktubre 18, 2021, ang complainants na kinilalang sina Junalie Sambayan at Julius Anfone ay nag-booked…
Read MorePAGDALAW SA PUNTOD GAWIN NANG MAAGA
INABISUHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na agahan ang pagbisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao. Sa pamamagitan ng Executive Order No. 33, inanunsiyo ni Moreno na mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, ang lahat ng pampubliko at pribadong memorial parks, cemeteries at columbaries sa lungsod ay isasara. Sa nasabing petsa ay paglilibing at cremation lamang ng mga nasawi na hindi dahil sa COVID 19 ang papayagan. Samantala, pinuri ng alkalde si administrator Yayay…
Read More