MAYNILA HANDA NA SA LIMITED FACE-TO-FACE

NAKAHANDA na ang Lungsod ng Maynila para sa limitadong face-to-face classes. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ininspeksyon umano nito ang paghahanda sa limitadong face-to-face classes sa ilang paaralan sa lungsod. Kasama ng alkalde sina City Engineer Armand Andres at Division of City Schools Supt. Dr. Magdalena Lim na nag-inspeksiyon sa Aurora Quezon Elementary School. “Sa mga nanay at tatay ng mga Batang Maynila, naggagayak na ang inyong Division of City Schools thru Dr. Magdalena Lim at ang inyong pamahalaang lungsod,” ayon kay Moreno. “Naglalagay na tayo ng acrylic barriers…

Read More

OPLAN KALULUWA LARGA SA MALABON

kandila

SA bisa ng Executive Order No. 21-10-06-030, pansamantalang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Lungsod ng Malabon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2021. Mananatili naman itong bukas hanggang Oktubre 28, 2021 para sa mga nais bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Papayagan lamang ang pagbisita sa sementeryo mula ika-6 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga at mula ika-2 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi. Hanggang tatlong tao lamang sa isang pamilya ang pwedeng pumasok sa sementeryo sa limited public visitations. Bawal isama kapag 17-taon…

Read More

Kinasuhan sa ‘overpriced’ food packs PANDARAMBONG VS. QC MAYOR BELMONTE

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) SINAMPAHAN ng kasong pandarambong at korapsyon si Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa Office of the Ombudsman noong Biyernes bunsod ng maanomalya umanong pagbili ng ‘food packs’ na nagkakahalaga ng P108 milyon. Bukod kay Belmonte, sabit din sa kaso na isinampa ni John Jamili Chiong, founder and national commander of the anti-corruption group Task Force Kasanag, sina Ruby G. Manangu, officer-in-charge, Accounting department ng Quezon City government, Angelica Solis, representative of LXS Trading, at iba pang opisyal at empleyado na direktang may kinalaman at partisipasyon…

Read More

NCRPO, GAME NA SA 2O22 ELECTION

KUNG pagbabatayan ang mga nakalatag na plano kaugnay ng nalalapit na halalan, handang-handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyakin ang kaayusan sa Metro Manila. Giit ni NCRPO director Major General Vicente Danao, may inilatag na silang peace and order plan para sa 17 lokalidad sa rehiyong kanyang nasasakupan. Kabilang sa kanyang ibinabang direktiba ay ang pagpapalawig ng intelligence driven at target hardening laban sa mga posibleng maghasik ng karahasan tulad ng mga komunistang terorista at maging mga tinawag niyang organized crime groups. “We cannot be complacent.…

Read More

HEALTH CENTER SA BASECO GAGAWING GENERAL HOSPITAL

MAY 100,000 residente ng Baseco Compound sa Port Area, Manila ang makikinabang sa sandaling maging fully operational bilang general hospital ang President Corazon C. Aquino Health Center. Nitong Lunes, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang ground breaking ng itatayong ospital na pinaglaanan ng P110 milyon pondo. Ito rin ang ikawalong ospital na magkakaloob ng libreng serbisyo sa Maynila. Tatawagin itong President Corazon C. Aquino General Hospital bilang pag-alala at paggalang sa dating pangulo at kay dating Manila Mayor Alfredo Lim. (RENE CRISOSTOMO) 542

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, SUMADSAD

BAGAMA’T isang pasyente ang namatay, bumaba na sa 134 ang active COVID-19 cases sa Navotas City hanggang 11:59 pm noong Oktubre 16 matapos na lima ang nagpositibo sa virus at 28 naman ang gumaling. Kaugnay nito, dahil ibinaba na ang Metro Manila sa Alert Level 3, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod at pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang-bisa sa liquor ban sa lungsod. Gayunpaman, iginiit ng punong lungsod na bawal pa rin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar batay sa Municipal Ordinance 2002-06, kabilang ang…

Read More

LAND TAX INCREASE SA QC, ‘DI FAKE NEWS – DEFENSOR

defensor

PINANINDIGAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang kanyang babala na tataas ang buwis sa mga residential, commercial o industrial lot sa Quezon City simula sa Enero 2023. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos tawagin umano ng Quezon City government sa pamamagitan ng kanilang legal officer na si Orlando Casimiro, na fake news ang pending na land tax increase. “There is no fake news. I am not a purveyor of falsehood. It is the current leadership of Quezon City that purveys fake news and even uses the media to spread it,” ayon…

Read More

BIYAHERO MULA NORTH AMERICA PINALULUWAGAN

airplane

WELCOME kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pag-alis sa mandatory quarantine mula “green” countries. Subalit, umaasa si Concepcion na pagbibigyan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) ang lesser restrictions para sa mga byahero mula North America kabilang na ang United States, Canada, at Mexico. Aniya, ang pag-lift sa mandatory quarantine ay makababawas sa gastusin ng mga byahero at makatutulong na muling buhayin ang sektor ng turismo. Gayunman, hindi naman ito sapat para tulungan ang airlines at tourism enterprises na makabawi lalo pa’t hindi…

Read More

PAGLABAS NG MINORS LIMITADO PA RIN

MAGLALABAS ng paglilinaw ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw hinggil sa paglabas ng mga kabataan sa ilalim ng Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila. Ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, “Local governments only have a say in the interzonal and intrazonal travel of children,” na ang tinutukoy ay ang IATF resolution. Matatandaang pinagbawalan ng pamahalaan ang mga kabataan na lumabas ng kanilang bahay dahil sa paniniwala ng mga eksperto na maaari silang maging  “superspreaders.” Pinayagan naman ng pamahalaan ang limited in-person classes at sinimulan na rin…

Read More