NO. 6 MOST WANTED SA MALABON, ARESTADO

SWAK sa selda ang isang top 6 most wanted person sa Malabon City, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa Brgy. Dipintin sa bayan ng Maddela, lalawigan ng Quirino noong Sabado ng hapon. Kinilala ni Manila Police District Director, P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Christian Andres y Espiritu, 31, farmer, binata at residente ng Francisco St., Brgy. 590, Sta. Mesa, Manila. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, humingi ng tulong ang mga tauhan ng Malabon…

Read More

5% TAX DISCOUNT SA QC BUSINESSMEN – DEFENSOR

BIBIGYAN ng limang porsyentong discount ang mga negosyante sa Quezon City kapag naupo na bilang mayor ng lungsod si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, upang kunin muli ng mga ito ang kanilang mga empleyado na tinanggal sa trabaho matapos silang maapektuhan sa pandemya sa COVID-19. Ayon kay Defensor, aabot sa 74,750 enterprises na nag-o-operate sa Quezon City ang makikinabang sa 5% discount sa kanilang local business tax na kada taon nilang binabayaran. “The tax discount is just one of our highly aggressive strategies to swiftly revive all employment-generating economic activities in…

Read More

P1.6-B SHABU NASAMSAM SA LIVE-IN PARTNERS

CAVITE – Tinatayang P1.656 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang live-in partners sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang restaurant sa Dasmariñas City noong Sabado ng hapon. Kinilala ang mga arestadong sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa residente ng Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 noong Sabado ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA 4A, PDEA IIS, PDEA SES, PDEA NCR, AFP TF NOAH, NICA, PDEG-RONCR, BOC, RID-NCRPO, PDEG SOU4, Cavite PPO at Dasmariñas…

Read More

5 KALABOSO SA PAGBATAK NG SHABU

LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang, ang arestado matapos maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City nitong Sabado ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police, ang naarestong mga suspek na sina Melvin Cabuyao, 41, construction worker; Enrico San Juan alyas “Bunso”, 43; Jiolito Ursal, 54, foreman; Leonora Sioco alyas “Wewen”, 47, at Helen Domingo, 52-anyos. Ayon sa report ni SDEU investigator Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police chief, Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-1:15 ng madaling…

Read More

28 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA, CALOOCAN

UMABOT sa 21 ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City noong Oktubre 15, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU). Batay sa pinakahuling ulat ng CESU, 661 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 70 ang gumaling ngunit 72 naman ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 34,803 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,379 na ang gumaling at 763 ang namatay. Umakyat naman sa 1,519 ang COVID casualties sa Caloocan City noong Oktubre 15 mula sa 1,512 noong Oktubre…

Read More

NEGOSYANTE TODAS SA CALOOCAN AMBUSH

PATAY ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem suspects habang lulan ng kanyang sasakyan sa Caloocan City noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Glenn Cayao, residente ng Block 12, Lot 28, Kalayaan Village, Brgy. 12 ng lungsod. Ayon sa natanggap na report ni Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa 6th St., corner 7th Avenue, Brgy. 121 ng lungsod. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Fortuner (NBV-2562) habang…

Read More

2 TIMBOG SA P2M DRUG BUST

TIMBOG sa ikinasang buy-bust operation ang isang babaeng call center agent at kapitbahay niyang Angkas rider sa buy bust operation sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City. Kumpiskado din mula sa mga susek na sina Eliza Aurelio at Emmanuel Bartolome ang ang 300 gramong drogang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa merkado. Sa pagtutulungan ng mga operatiba ng SOU-4A, PNP DEG at Pasay City Police Station, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek bandang 11:45 Biyernes ng gabi sa harap ng Marbella 1 Tower. Kasong paglabag sa Republic Act…

Read More

6 MPD COPS INARESTO SA EXTORTION

NAHAHARAP sa kasong robbery extortion ang anim na miyembro ng Manila Police District makaraang sampahan ng reklamo ng isang SK chairman sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya. Dahil dito, agad iniutos ni P/Major General Vicente Danao Jr. ang malalimang imbestigasyon at kung positibo sa reklamo, inirekomenda nito na bukod sa kasong kriminal ay sampahan din ng kasong administratibo ang mga suspek na sina P/SSgt. Jeffrey Mejia, P/Cpl. Jigie Azores, P/Cpl. Kevin John Villanueva, P/Cpl. Johndee Toledo, Pat. Danny Rangaig, at Pat. Kenneth Cordova. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno…

Read More

WATER DELIVERY BOY HINOSTAGE NG PWD

tubig

HINOSTAGE ng 46-anyos na lalaking pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip ang isang  delivery boy  kamakalawa ng hapon sa Quezon City. Gamit ang dalawang kutsilyo, hinostage ng 46-anyos na suspek na kinilalang si Universe Santos ang 21-anyos na water delivery boy na si Gabriel Espinosa sa Alpha Village, Capitol Hills sa Barangay Old Balara. Bahagya namang nagtamo ng mabababaw na sugat ang biktimang bihag ng suspek sa loob ng mahigit isang oras. Paniwala ni Lt. Arnold Bantanos na tumayong lider ng mga rumespondeng pulis, mental disorder ang nagtulak sa suspek na…

Read More