NALAMBAT ng mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6) ang district level most wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City noong Martes. Kinilala ni P/Lt. Col. Alexy Sonido ang suspek na si Alfredo Reyes III, 29-anyos, residente ng Kasunduan Extn., Brgy. Commonwealth, Quezon City. Si Reyes ay inaresto dakong alas-6:00 ng hapon noong Oktubre 12, 2021 sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Primo G. Sio. Jr., ng Branch 96, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Quezon City ngunit walang inirekomendang piyansa.…
Read MoreCategory: METRO
2,309 SUGAROL NALAMBAT SA QC
UMABOT sa 2,309 katao ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa anti-illegal gambling operations sa nabanggit na lungsod simula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Antonio Yarra, bukod sa mga dinakip sa kampanya kontra illegal gambling, kumpiskado rin sa operasyon ang P953,189.25 bet money. Aniya, 223 sa 2,309 na inaresto kaugnay ng ilegal na pasugal, ay pasok sa illegal number games gaya ng EZ2, loteng at bookies. Pag-amin ni Yarra, higit na mataas ang bilang ng arestadong mga sugarol at may…
Read MoreCURFEW HOURS SA NCR MAS PINAIKLI
BABAWASAN pa ang oras ng ipinatutupad na curfew sa Metro Manila. Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, napagkasunduan ng Metro mayors na pairalin mula ngayong araw ang 12-midnight hanggang 4:00 AM na unified curfew. Layon umano nito na mas marami pang negosyo ang magbukas ngayong patuloy ang pagbaba ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR). Kahapon nagtapos ang 10 P.M. hanggang 4 A.M. na curfew sa Metro Manila. (CHRISTIAN DALE) 494
Read More3 HOLDAPER TUGIS SA PAGPATAY SA STORE OWNER
PAKAY ngayon ng follow-up operation ng Manila Police District ang tatlong kalalakihan na nanloob at tumangay ng mahigit P100,000 cash at mobile phone sa 52-anyos na store owner na kanila ring binaril at napatay sa Singalong, Malate, Lunes ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, alas-5:40 ng madaling araw nang looban ng mga salarin ang tindahan ng biktimang si Rodrigo Nuneza Arizo sa 2224 – B, Singalong St., Malate. Salaysay ni Elona Mae Yanggo, 25, stay-in tindera ng biktima, dumating sa tindahan ang tatlong armadong lalaki sakay ng dalawang motorsiklo…
Read MoreAKTOR KINASUHAN TAPOS PAKAWALAN
KUMAMBYO ang Eastern Police District (EPD) sa ginawa nitong pagpapakawala sa artistang si Jake Cuenca na una nang dinakip matapos takbuhan ang police service car na nabangga ng sasakyang kanyang minamaneho noong nakaraang Linggo ng gabi sa Mandaluyong City. Nauwi lang sa regular filing ng kasong Disobedience at Reckless Imprudence Resulting in Damage to Properties na isinampa ng pulisya sa piskalya dahil lagpas na sa 12-hour prescribed period ang pagsasampa ng asunto laban sa aktor. Ayon sa pulisya, Linggo ng gabi nang mabangga ni Cuenca ang sasakyan ng mga pulis…
Read MoreHabang nanghuhuli ng mga truck SUSPENDIDONG TRAFFIC ENFORCER ARESTADO
INARESTO ng mga awtoridad ang isang suspendidong traffic enforcer matapos maaktuhang gumaganap pa rin bilang duty enforcer habang nakasuot ng uniporme, sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong suspek na si Macario Algusar Jr., 46, suspended PSTMO personnel at residente ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon. Ayon sa imbestigasyon nina P/SSgt. Diego Ngippol at P/SSgt. Mardelio Osting, nakarating sa kaalaman nina Edwin Vizmanos at Lolito Gimoro, kapwa nasa hustong gulang, at mga miyembro ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO)…
Read More2 ARESTADO SA P340K SHABU SA QC
ARESTADO ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Quezon City. Ang mga arestado ay kinilalang sina Manuel Fernandez y Santelices, 42, at Randy Abellon y Flores, 32, factory worker, itinuturing na top drug personality. Ang dalawang drug suspect ay nadakma ng mga operatiba ng Police Station 2 ng Quezon City Police District bandang alas-3:45 ng madaling araw nitong Martes sa kanto ng G. Araneta Ave. at Del Monte Ave., Brgy. Masambong, Quezon City. Nakumpiska sa mga suspek ang 10 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang 50 grams ang timbang at P340,000…
Read MorePULIS NA NAKAPATAY NG BINATANG MAY AUTISM, SINIBAK
INAYUNAN ni Philippine National Police chief, Police General Guillermo Eleazar ang pagsibak sa serbisyo sa pulis sa Valenzuela City, na suspek sa pagpatay sa binatang may autism spectrum disorder, noong Mayo. Iniutos ni Eleazar ang pagtanggal sa serbisyo kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo dahil sa grave misconduct at less grave irregularity in the performance of duty, makaraan ang rebyung isinagawa ng Office of the Chief PNP at ng Discipline, Law and Order Division- Directorate for Personnel and Records Management (DLOD-DPRM). Magugunitang namatay ang 18-anyos na si Erwin Arnigo…
Read MoreNCR POSIBLENG IBABA SA ALERT LEVEL 3
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3 stage ang bagong coronavirus response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay kasunod ng ulat na ang reproduction rate ng virus sa Kalakhang Maynila ay bumaba sa 0.6 percent, habang ang positivity rate naman ay 13%. Ani Sec. Roque, sa kamakailan…
Read More