NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City ang P9 milyong halaga ng produktong agrikultural na ilegal na ipinasok sa bansa. Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Raniel Ramiro, isang joint team mula sa Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana ang nanguna sa operasyon sa isang bodegang pag-aari ng Morehouse Marketing sa Barangay Ugong noong Oktubre 8. Nadiskubre ng pangkat ang 8,000 sako ng sari-saring produktong agrikultural na kinabibilangan ng pulang sibuyas, luya, at munggo nang inspeksyunin ang bodega…
Read MoreCategory: METRO
KANONG PEDOPHILE TIMBOG SA BI
ARESTADO sa mga operatiba mula sa Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang isang 48-anyos na Amerikano na wanted sa New York dahil sa sex-related crime sa menor de edad. Ayon sa report ni BI FSU Chief Rendel Sy, si Francisco Loreno ay inaresto noong Huwebes ng umaga sa isang hotel sa Ortigas, Mandaluyong City, sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente. Inihayag ng BI, ang order ay inilabas matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa nasabing kaso ni Loreno. “He is an undesirable…
Read MoreLAND TAX HIKE SA QC IBABASURA NI DEFENSOR
DAHIL dagdag na pasanin sa mga residente sa Quezon City, tuluyang ibabasura ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang dagdag na land o real estate tax kapag siya ang nanalong mayor ng lungsod sa susunod na eleksyon. “Our people are already struggling from the COVID-19 pandemic, with many workers finding it hard to support their families’ daily needs. We should not add to their financial burden,” ani Defensor. Sa ngayon ay ipinagpaliban lamang ni Mayor Joy Belmonte ang implementasyon ng dagdag na buwis sa mga lupain sa lungsod hanggang Disyembre 2022 sa…
Read MorePosible na sa Oktubre 16 SINEHAN SUNOD NA BUBUKSAN
KAABANG-ABANG ang muling pagbubukas ng mga sinehan simula Oktubre 16 makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panukalang ibaba sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR). Sa kabilang dako, inaasahan na may ilang kolehiyo ang magbubukas para simulan ang limited face-to-face classes sa panahon ng alert level na paiiralin hanggang Oktubre 31. Sa ilalim ng Alert Level 3, pinayagan ng pamahalaan ang 30% indoor venue capacity para sa fully vaccinated na tao at 50% outdoor venue capacity para naman sa limited in-person classes sa…
Read MoreALERT LEVEL 3 SA NCR HANGGANG OCT. 31
ITINAAS na sa 30% ang indoor religious activities kasunod ng paglalagay sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3 na magsisimula sa Oktubre 16. Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagluluwag sa quarantine restriction sa Kalakhang Maynila mula sa nasabing petsa hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan. Paglilinaw ni IATF at Presidential spokesperson Harry Roque, mga fully vaccinated lamang ang maaaring papasukin sa simbahan. 50% naman ang pahihintulutan sa labas ng simbahan kahit ano pa ang vaccination status. Magugunitang, 10% lamang ang pinahintulutang capacity sa…
Read MoreMAG-AMA NA-TRAP SA SUNOG, 1 PATAY
NAMATAY ang isang lalaki habang inoobserbahan sa pagamutan ang anak nitong babae makaraang ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Manila, Miyerkoles ng gabi. Bineberipika pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mag-ama. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-6:44 ng gabi nang magsimula ang sunog sa ika-2 palapag ng bahay sa Block 15-A, Baseco Compound, Port Area, Manila, na sakop ng Brgy. 649, Zone 68, sa District 5, na pagmamay-ari umano ng isang Mastora Guimat, at inuupahan ng…
Read MoreTOTOY PATAY SA RIOT SA TONDO
HINDI na naisalba ng mga manggagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 14-anyos na binatilyo habang nasa malubhang kalagayan naman ang isa pang sangkot umano riot sa Tondo, Manila, Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang nasawi na si John Mark Molina, alyas Dennis, isang out of school youth. Inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan si Jomar De Jesus, 17-anyos, kapwa taga-Sta. Cruz, Manila. Sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng MPD- PS 2, madaling araw nitong Huwebes nang magpang-abot ang dalawang grupo ng kabataan na nauwi…
Read MoreMMDA PABOR SA PAGBABA NG ALERT LEVEL SA NCR
PABOR si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ibaba ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ayon kay Abalos sa isang panayam. “Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag na pahayag nito. Gayunman, sinabi ni Abalos na ipinauubaya na niya at ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila sa Department of Health (DoH) ang pagdedesisyon sa bagay na ito. “Of course we leave that to…
Read More3 PATAY SA COVID-19 SA 3 CAMANAVA CITIES
NAGKAROON ng tig-iisang namatay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela, ayon sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, isa ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 12 habang 30 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,951 ang positive cases sa siyudad, 233 dito ang active cases. Umabot naman sa 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 20,084 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 634 ang COVID death toll. Isa ring pasyente…
Read More