OPISYAL nang inirefer ng House Plenary sa House Committee on Justice ang apat na impeachment complaints laban kay Sara Duterte. Ang hakbang ay nangangahulugang maaari nang umusad muli ang impeachment process matapos ang isang taong ban. Ang unang reklamo ay inihain ng Makabayan Coalition at inendorso nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Jane Elago, at Kabataan Rep. Renee Louise Co. Ang ikalawa ay mula sa mga progressive at civil society groups na inendorso nina ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perci Cendaña. Ang ikatlo…
Read MoreCategory: METRO
LTFRB NAGLABAS NG SCO LABAN SA BUS OPERATOR SA AKSIDENTE SA QUEZON
NAGLABAS ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng isang pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa Gumaca, Quezon na nagresulta sa pagkasugat ng hindi bababa sa 25 pasahero. Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas mahigpit na hakbang upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada. Sa ilalim ng pangangasiwa ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, pinatawag ng LTFRB ang operator upang magpaliwanag sa insidente. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II,…
Read MorePBBM: NATION FIRST, PERSONAL AGENDAS LATER
HINDI dapat maging hadlang ang political differences upang magtrabaho para sa bayan. Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang social media post kaugnay ng kanyang pagbisita sa Naga City, kung saan kasama niya si Mayor Leni Robredo. Ayon sa Pangulo, serbisyo muna bago pulitika, at ang layunin ng kanyang pagbisita ay inspeksyunin ang Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Inilunsad noong Pebrero 18, 2026 ang operasyon na tatagal hanggang Hulyo 31, 2026. Saklaw nito ang paglilinis ng 29 ilog at sapa at…
Read MorePROJECT HILAMOS UMARANGKADA SA QC
ISINAGAWA ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGEN Randy Glenn Silvio, katuwang si Joy Belmonte, ang Project HILAMOS sa Barangay Sikatuna (Lot 141, Maginhawa St.) at 76 Maginhawa St., Barangay Teachers Village East, Quezon City. Tampok sa inisyatiba ang muling pagpipinta sa mga pader na may vandalism upang gawing makukulay na lokal na obra ang mga napabayaang lugar. Layunin nitong isulong ang kalinisan at kaayusan, palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at buhayin ang pagmamalaki sa mga pamayanan. Nakiisa ang mga opisyal ng Barangay Teachers Village…
Read MoreANTI-DYNASTY LAW DAPAT MAGSIMULA SA LOCAL – COMELEC
DAPAT magsimula muna sa local ang pagpapatupad ng anti-political dynasty law, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, sa local government posts muna bago ang posibleng ban sa national positions habang suportado niya ang naturang panukalang hakbang. Mas makabubuti aniya kung ipatutupad ng bansa ang ganitong batas upang mas maraming tao ang makatakbo sa halalan. Ayon kay Garcia, kalimitang sinasabi na ang makapagpapaurong sa pagbabago ng ating bansa ay kapag tutok ang kapangyarihan sa lokal. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros, ang chair Senate Panel on…
Read MoreERWIN TULFO: OFWs BIGYAN NG INTEREST-FREE LOAN PARA SA PRE-DEPARTURE REQUIREMENTS
NAGHAIN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo ng panukalang batas na magbibigay ng interest-free loan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa ilalim ng Senate Bill No. 1696 o ang “OFW Pre-Employment Loan Assistance Act,” ang mga OFW na may valid contract ay pwedeng humiram ng hanggang P100,000. Prayoridad dito ang mga “first-time” OFW na sasailalim din sa libreng financial literacy seminar bago lumipad pa-ibang bansa. “Bilyon-bilyong dolyar ang ambag ng mga OFW sa ating ekonomiya, pero madalas mag-isa lang silang nagkakandakuba sa hirap para…
Read MoreTF KASANAG HUMIHIRIT NG MAHIGPIT NA PANANAGUTAN SA DPWH PROJECTS
MULING nanawagan ng mahigpit na pananagutan ang Task Force Kasanag (TFK) kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang flood control at iba pang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa press conference na pinangunahan ni Dr. John Chiong, inilatag ng grupo ang update sa mga reklamong inihain nito noong 2022 at iginiit ang pangangailangan ng transparency, wastong oversight at masusing pagsusuri sa paggamit ng pondo ng publiko. Ayon kay Dr. Chiong, naghain sila ng Ethics Complaint laban kay House Committee on Public Works Chairperson at Surigao del Sur…
Read MoreMOTORCADE KASADO SA UNANG ANIBERSARYO NG ‘STATE KIDNAPPING’ KAY DIGONG
MAGDARAOS ng motorcade sa Marso 11, 2026 ang koalisyon ng PANA at KAMPILAN bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Villamor Air Base at ang kasunod na pagdadala sa kanya sa The Hague. Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na balikan ang naturang pangyayari at ipahayag ang kanilang paninindigan sa mga isyung may kinalaman dito, kabilang ang usapin ng soberanya at proseso ng hustisya. Sinabi ng koalisyon na magsisilbi rin ang motorcade bilang plataporma upang ilahad ang kanilang panawagan laban sa katiwalian…
Read MorePANINIKTIK NG MONGOLIAN SA MGA KAMPONG MILITAR, SINISILIP NG PNP
BINIBERIPIKA ngayon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Immigration (BI) ang umano’y espionage activities ng isang Mongolian national na naaresto sa Zambales at sinasabing may koneksyon sa People’s Liberation Army ng China. Sa pulong-balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sa ngayon, apat pa lamang na paglabag sa Immigration Law ang kumpirmado laban sa 30-anyos na dayuhan na nag-enroll bilang aviation student sa bansa. Inaresto ang suspek ng BI matapos umanong hindi tumugma ang kanyang mga aktibidad sa idineklara nitong layunin sa visa.…
Read More