TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong suporta nito sa law enforcement at counterintelligence operations kasunod ng pagkakaaresto sa isang hinihinalang Mongolian spy na lisensyadong jet fighter pilot. Ayon sa AFP, ipinauubaya nila sa Bureau of Immigration at iba pang lead agencies ang detalye ng imbestigasyon at legal proceedings. “The AFP continues to closely coordinate with intelligence and security partners to monitor and address potential threats,” ayon sa pahayag ng AFP. Inatasan din ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng yunit nito na paigtingin ang intelligence…
Read MoreCategory: METRO
MBCA AMEJARA SEARCH ITINIGIL NA
INIHINTO na ang joint search and rescue operations para sa lumubog na MBCA Amejara na naiulat na nawawala sa karagatan ng Davao Gulf noong Enero 19, 2026. Ayon sa Philippine Coast Guard Coast Guard District Southeastern Mindanao, ginamit ang lahat ng available surface, aerial at coastal monitoring assets kabilang ang drift path analysis batay sa lagay ng panahon at oceanographic assessments. Isang survivor ang nailigtas sa isinagawang operasyon. Natapos ang aktibong search noong Pebrero 18, 2026 matapos ang masusing operational assessment. Nakipagtulungan sa operasyon ang Office of Civil Defense, Naval…
Read MoreCOMELEC MAY RESO NA SA SOCE NI MARCOLETA
NATAPOS na ng Commission on Elections ang imbestigasyon sa umano’y hindi pagdedeklara ni Sen. Rodante Marcoleta ng ilang donor sa kanyang statement of contributions and expenditures (SOCE) noong 2025 elections. Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Political Finance and Affairs Department (PFAD), ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Marcoleta na ang mga donasyon ay natanggap bago siya opisyal na maideklarang kandidato, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Penera vs. Comelec. Nauna nang naglabas ng show cause order ang Comelec noong Nobyembre 2025 upang ipaliwanag…
Read MoreNatunton sa ginamit na cash app sa ransom DINUKOT NA NEGOSYANTE NA-RESCUE SA QC
LIGTAS nang nakauwi sa pamilya ang isang Filipino businessman na dinukot at hiningan ng P50 milyong ransom. Kinumpirma ito ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (AKG). “Ikinagagalak naming iulat na ang biktima ay ligtas na at kaisa ng kanyang pamilya,” pahayag ni AKG chief Police Brigadier General Glicerio Cansilao. Tatlong suspek ang naaresto, habang tinutugis pa ang iba kabilang ang itinuturong utak sa krimen. Ayon sa ulat, huling nakita ang biktima sa Mandaluyong noong Pebrero 12 at hindi na nakauwi. Sa pag-backtrack ng CCTV at intelligence operations, natukoy ang umano’y…
Read More4 DAYUHAN INARESTO SA PAGLABAG SA IMMIGRATION LAW
APAT na dayuhan ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay na operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga lumalabag sa batas sa imigrasyon. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, isang South African national ang naaresto noong Pebrero 12 sa Camp Fort Magsaysay sa Nueva Ecija dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanyang working visa. Kinilala ang dayuhan na si Faaiz Ameer Garnie, 32, nahuling nagtatrabaho sa kumpanyang hindi niya petitioning employer—isang paglabag sa mga tuntunin ng kanyang 9G working…
Read MoreCAYETANO: KORTE SA BANSA HINDI POWERLESS, DAPAT IGALANG
NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi “powerless” at may mahalagang papel ang mga korte at hukuman sa bansa, kaya nararapat lamang aniyang igalang ang mga ito. Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng mga ulat na posibleng maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng mga alegasyon ng extrajudicial killings (EJK) noong nakaraang administrasyon, kung saan itinuturing umano silang conspirators ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Cayetano na dapat kilalanin at igalang…
Read MoreRULING NG SC SA ISYU NG PAKIKIPAGTULUNGAN SA ICC HIHINTAYIN NG DOJ
IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema ang paglalabas ng ruling kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng administrasyon sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Paglilinaw ito ng DOJ matapos ilabas ng ICC ang mga pangalan ng umano’y co-perpetrators ng dating pangulo sa kontrobersyal na war on drugs. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sakaling maglabas ng arrest warrant laban sa mga nabanggit na indibidwal, hihintayin muna ng kagawaran ang magiging pasya ng Korte Suprema bago ito aksyunan. Nilinaw ni…
Read More‘MENTAL HEALTH OFFICER ACT’ ISINULONG SA SENADO
ISANG Mental Health Officer (MHO) sa bawat lungsod at munisipalidad. Ito ang laman ng Senate Bill No. 1760 o “Mental Health Officer Act” na inihain ni millennial senator at pinakabatang miyembro ng 20th Congress na si Camille Villar. “Hindi na natin maaaring balewalain ang tahimik na pagdurusa ng milyun-milyong Pilipino. Ang mental health ay isang pangunahing karapatan,” pahayag ni Villar. Ayon sa senador, hindi sapat ang awareness campaign. Kailangan aniya ng konkretong aksyon na nakatuon mismo sa komunidad. Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang lahat ng local government units (LGUs)…
Read MoreDA-DOT HAWAK-KAMAY PARA PASIGLAHIN FARM TOURISM
PINALAKAS ng Department of Agriculture (DA) at Department of Tourism (DOT) ang alyansa para gawing mas buhay at mas kita ang turismo sa kanayunan. Pormal na nilagdaan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang memorandum of agreement noong Pebrero 16, na mag-uugnay sa agrikultura at travel industry upang itulak ang Pilipinas bilang pangunahing food at gastronomy destination sa Asya. Nakaangkla ang kasunduan sa mga umiiral na batas tulad ng Tourism Act of 2009, Farm Tourism Development Act of 2016 at Agriculture and Fisheries…
Read More