PAGTATAYO NG CLASSROOMS HINDI NA EKSKLUSIBO SA DPWH

MULING nagpahayag ng pagkadismaya ni Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi magamit. “Nakakagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korapsyon sa mga infrastructure projects ng pamahalaan,” saad ni Gatchalian. “These findings affirm the direction we plan to take: the DPWH will no longer have the sole authority to build classrooms,” giit pa niya. Binigyang-diin ng senador na sa gitna ng lumalalang…

Read More

Atty. Rodriguez sa PhilHealth funds P60-B ‘BUDOL’ NG MARCOS ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINANATAN ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kautusan nito na ibalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang sobrang pondong nagkakahalaga ng ₱60 bilyon na naunang inilipat sa national treasury. Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, Setyembre 20, tinawag ni Rodriguez na isang “budol” ang hakbang ng Pangulo. “Dahil ramdam ang galit at hagupit ng Pilipino, isang budol na tugon ang muling ipinalabas ni Marcos. Paano niya ibabalik ang P60B ng PhilHealth gayong wala naman savings na pagkukunan,…

Read More

UNIFIED 911 HOTLINES, 94.42 PERCENT EFFICIENT

IPINAGMAMALAKI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 94.42 percent efficient na ang bagong Unified 911 emergency hotlines sa unang araw ng paglulunsad noong ika-11 ng Setyembre 2025. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, malaking hakbang ito tungo sa modernisasyon ng emergency response system sa Pilipinas. Sa inilabas na estadistika ng kagawaran, may kabuuang 60,323 emergency call ang naitalang tawag at nasa 57,786 ang matagumpay na nirespondehan, habang 3,537 ang tinukoy na test, abandoned, o prank calls. Sinasabing malaki ang agwat nito kung ikukumpara sa naging…

Read More

BLUE ALERT SA MAYNILA SA SEPT 21 RALLY, MASAMANG PANAHON

ITINAAS na ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert Status ang lungsod. Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ito ay bilang paghahanda sa paglapit ng Bagyong Nando, at epekto ng habagat. Bukod dito, pinaghahandaan din ng Manila LGU ang malawakang kilos protesta na inaasahang daragsa sa Luneta sa Linggo para kondenahin at labanan ang talamak na korupsyon sa gobyerno. Sa ngayon, nakaantabay na ang mga kawani ng Manila DRRMO alinsunod na rin sa utos nina Manila Mayor Isko Moreno at Director Arnel…

Read More

CHAVIT: MARCOS DAPAT NANG MAGBITIW

TAHASANG nanawagan si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na magbitiw na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maiwasan umano ang posibilidad ng kaguluhan gaya ng mga nagaganap ngayon sa Nepal at Indonesia kung saan sinugod ng mga nagpo-protesta ang tahanan ng mga politiko. Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan City, sinabi ni Singson na dapat unahin ang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Region 1, partikular sa Ilocos Norte, na mismong lalawigan ng Pangulo. Ayon sa kanya, imposibleng hindi alam ni Marcos ang…

Read More

BUDGET NG ARTS AT CULTURE SUPORTADO SA SENADO

TODO ang suporta ni Senador Win Gatchalian sa 2026 budget ng mga ahensiyang may kinalaman sa sining at kultura. Sa budget hearing na pinamunuan ni Senador Loren Legarda nitong Biyernes, Setyembre 19, iginiit ni Gatchalian na dapat lang bigyang pansin ang pagpapaunlad ng kultura at sining sa bansa. “Alam nating lahat na ikaw (Legarda) ang pinaka-mahilig sa arts and culture. Kaya noong ako pa ang chair ng basic education committee, ginawa nating special committee ang arts and culture para mas mabigyan ng focus,” ani Gatchalian. Kabilang sa mga nakatakdang pondohan…

Read More

WORD WAR! SANDRO VS. PULONG

TULUYANG sumiklab ang word war sa pagitan nina House Majority Leader Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Unang umatake si Pulong matapos akusahan si Sandro na siya umanong pumili kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Speaker Martin Romualdez. Aniya, “cover-up” lang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara. Hindi nagpahuli ang batang Marcos na tumugon na: “Naku, baka style niya yun noong anak siya ng Pangulo. I…

Read More

Sa pagsibak kay Romualdez HIDWAAN LUMALALIM SA MARCOS ADMIN

LUMALALIM ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng matinding galit ng taumbayan sa mga katiwalian sa gobyerno tulad ng flood control projects. Ganito ang basa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kasunod ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan pinalitan ni Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara. “The supposed deliberations on whether Speaker Romualdez will stay, take a leave, or resign altogether is…

Read More

Tuloy ang martsa kahit nagbitiw si Romualdez GALIT SA MGA MANDARAMBONG ILABAS SA LUNETA

HUWAG magpaloko sa pagpapalit ng liderato sa Kamara! Ito ang mariing panawagan ng Makabayan bloc na binubuo nina Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kasabay ng kanilang presscon kahapon. Giit nila, hindi sapat ang pagbibitiw ni dating Speaker Martin Romualdez para masabing tapos na ang isyu ng katiwalian sa flood control projects. Dapat umanong ibuhos ng taumbayan ang kanilang galit sa Martsa ng Galit sa Luneta sa Setyembre 21, kasabay ng anibersaryo ng Martial Law. “Hangga’t hindi nawawasak ang sistemang korap sa…

Read More