Uminit sa gitna ng flood control scandal ROMUALDEZ PATATALSIKIN

(BERNARD TAGUINOD) MULING umugong ang usapin ng kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasabay ng umiinit na anomalya sa flood control projects na kinasasangkutan ng ilang kontraktor at mambabatas. Noong Sabado ng gabi, kumalat ang balitang posibleng mapatalsik si House Speaker Martin Romualdez at ipalit umano sa kanya si Bacolod City Rep. Alfredo “Albee” Benitez. “May mga natatanong kung totoo na si Albee na ang Speaker,” pahayag ng isang kongresistang tumangging magpakilala matapos ilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang matinding pagtutol sa umano’y pagtatangkang ibunton ng ilang kongresista ang…

Read More

LEGARDA ITINURO SA IMBENTONG BRIBERY CASE

LUMUTANG ang political agenda sa kontrobersyal na bribery case laban sa isang district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos iugnay ng inirereklamo ang mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na nagmaniobra umano nito. Mariing itinanggi ni DPWH Batangas 1st District Engineer Abelardo Calalo ang paratang na nagtangka siyang magbigay ng P3.1 milyon kay Leviste, at iginiit na bahagi lamang ito ng isang “political agenda.” Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Calalo na gawa-gawa ang kaso laban sa kanya at binabaluktot lamang ang…

Read More

DPWH ENGINEER ALCANTARA SWAK SA ADMINISTRATIVE CASE

SWAK sa kasong administratibo si DPWH Engineer Henry Alcantara, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon. Si Eng. Alcantara ay dating District Engineer ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office na nasangkot sa maanomalyang mga proyekto sa Lalawigan ng Bulacan. Binigyang diin ni Dizon sa kanyang pitong pahinang desisyon, na napatunayang may pananagutan si Engineer Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino People; Grave Misconduct; Gross Neglect in the Performance of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best…

Read More

28 LUXURY VEHICLES NG DISCAYAS NASA KUSTODIYA NA NG ADUANA

NASA kustodiya na ng Bureau of Customs ang 28 luxury vehicles na inuugnay sa mag-asawang government contractor na sina Sarah at Curlee Discaya. Ayon sa ulat na Aduana, sinisimulan na nilang busisiin ang mga dokumento ng mga mamahaling sa sasakyan matapos na isurender ng pamilya Discaya ang umano’y 16 pang nalalabing sasakyan na target ng BOC. Ito ay matapos na ma-recover sa bisa ng search warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 18, ang naunang 12 sasakyan kasunod ng inspeksyon sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development…

Read More

Itinangging nasa Hanoi, Vietnam na MAG-ASAWANG DISCAYA NASA BANSA PA – BI

ITINANGGI ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Discaya. Ito ay makaraang may lumabas na ulat na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang sina Sarah at Pacifico Discaya. Ang mag-asawang Discaya ay iniuugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa at kabilang sa listahan ng mga nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO). Nauna rito, may mga ulat online na umano’y bumiyahe na ang pamilya Discaya patungong Hanoi, Vietnam. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, wala pa silang natatanggap na impormasyon kung nasa ibang bansa…

Read More

SYNDICATED ESTAFA CASE NILULUTO VS QUIBOLOY?

MISTULANG inihahanda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isa pang non-bailable case laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kaugnay ng umano’y maling paggamit ng donasyon ng mga miyembro ng kanyang simbahan. Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, iminungkahi ni Manila Rep. Joel Chua ang posibilidad na kasuhan si Quiboloy ng syndicated estafa. Ayon kay Chua, ginagamit umano ang nakokolektang donasyon, kabilang ang mula sa mga miyembro sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos, para pondohan ang…

Read More

Sa gitna ng mga kontrobersya ZALDY CO SUMIBAT PA-AMERIKA

KINUMPIRMA ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nasa United States of America (USA) na si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. Sa press conference kahapon, sinabi ni Atty. Princess Abante, spokesman ng Kamara na inalam nito sa Office of the Secretary General ng Kamara kung nasaan ang kontrobersyal na mambabatas. “He’s out of the country. I understand nasa United States siya for medical treatment with travel authority,” ani Abante subalit wala itong maibigay na kopya ng travel authority at kung kailan ito umalis. Bago ito, lumabas na…

Read More

MARCOS ADMIN NAGDA-DAMAGE CONTROL SA CORRUPT NEP – SOLON

INAKUSAHAN ng ilang mambabatas na nagsasagawa ng damage control ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos mabuko ang malawakang katiwalian sa 2026 National Expenditure Program (NEP). Ginawa nina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co ang pahayag matapos ipag-utos ni Marcos ang pagrepaso sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Nagsasagawa ng damage control ang Palasyo para sa palpak at kurap na NEP na kanilang isinumite sa Kongreso. Kuwari ay rerepasuhin ang kurap na DPWH budget,” ani Tinio na isa…

Read More

‘Ngipin’ laban sa ghost projects SUBPOENA POWER SA INDEPENDENT COMMISSION TINIYAK NI PBBM

IPAGKAKALOOB ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang subpoena power sa independent commission na tatayo upang imbestigahan ang anomalya sa mga flood control project. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nais ng Pangulo na magkaroon ng sapat na kapangyarihan ang komisyon upang magampanan ang mandato nito. Aniya, isinasapinal na ang executive order para sa pagbuo ng naturang komisyon. Ipinahayag din ni Castro na may posibilidad na makalabas ng bansa ang ilang indibidwal na iniuugnay sa ghost flood control projects dahil wala pang kasong naisampa…

Read More