PAMPANGA MAYOR BINITBIT SA EXTORTION

SUMALANG na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) kahapon ang alkalde ng San Simon, Pampanga na umano’y nasakote sa extortion na halagang P80 milyon. Kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), dumating sa DOJ pasado alas-5 ng hapon si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. para sumailalim sa inquest proceedings. Ito’y matapos maaresto ng NBI ang alkalde at ang umano’y mga kasabwat nito sa isang restaurant sa Clark, Angeles, Pampanga nitong Martes, Agosto 5, 2025 matapos silang maaktuhang tumatanggap ng suhol. Batay sa reklamo, humingi umano…

Read More

MARCOS HUHUBARAN NG ‘WERPA’ SA PAGTATAKDA NG TARIPA SA IMPORTED RICE

ISINUSULONG nina Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros ang joint Senate resolution na magmamandato na alisin sa Pangulo ang kapangyarihang magtakda ng taripa sa imported rice. Nakapaloob din sa Joint Resolution No 2 na ibalik sa 35 percent ang ibinabang 15 percent na tariff rates sa inaangkat na bigas. Ang pagbaba sa taripa ay nakapaloob sa Executive Order No. 62 ng nilagdaan na Executive Department noong June 2024. Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang umaksyon at huwag nang patayin nang paunti-unti ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa kanilang…

Read More

PAGKALIKOT NG ‘SMALL COMMITTEE’ SA 2025 BUDGET PINAHIHIMAY

KUNG seryoso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na imbestigahan ang kalokohan sa flood control projects ay dapat simulan ito sa small committee sa 2025 national budget. Pahayag ito ni Navotas Rep. Toby Tiangco kasabay ng hamon sa bagong chairman ng House committee on appropriations na si Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing na isapubliko ang mga amendment na ginawa ng small committee sa pambansang pondo ngayong taon kung talagang seryoso ito sa transparency at accountability. “Now, to show good faith, ipalabas nila kay Cong. Zaldy Co, who was the chairman…

Read More

2025 BUDGET NA ‘DINOKTOR’ SA BICAM IDINETALYE

HINIMAY ng dating chairman ng House committee on appropriations na si Davao City Rep. Isidro Ungab ang mga iregularidad na ginawa aniya sa 2025 national budget sa Bicameral Conference committee na isang paglabag sa Saligang Batas. Sa kanyang privilege speech noong Lunes ng hapon, tila ipinaliwanag ng mambabatas sa mga baguhang miyembro ng Kamara na ang 2025 national budget ay binubuo ng Programmed New Appropriations (PNA) na nagkakahalaga ng P4.247 trillion at Automatic Appropriations na P2.105 trillion kaya may kabuuang P6.352 trillion ang total expenditure Program ngayong taon. Kasama aniya…

Read More

Publiko pinalilipat sa ibang ospital ER NG PGH APAW NA SA PASYENTE

HINIMOK ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ayon sa PGH, lumagpas na sila sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Dahil dito, hindi muna sila tatanggap ng pasyente sa ER maliban na lamang sa mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson /coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang pagtanggap ng mga…

Read More

KAMARA ‘DI PA SINUSUKUAN IMPEACHMENT VS VP SARA

“HINDI pa pwedeng tanggapin talo, dahil mayroon pang remedyo!” Ito ang pahayag ni ML party-list Rep. Leila de Lima sa ambush interview kahapon matapos sabihin ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte na talo na ang mga nagsusulong ng impeachment laban sa kapatid na si Vice Pres. Sara Duterte. Ang pahayag ni Mayor Baste ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case na isinampa laban sa kanyang kapatid dahil sa one-year bar rule kaya dapat na itong tanggapin ng mga nagsusulong sa nasabing kaso. Subalit ayon…

Read More

FOI BILL MULING ISINULONG SA KAMARA

BILANG mahalagang panlaban sa katiwalian, hindi lamang sa executive kundi maging sa legislative at judiciary department, muling isinulong ng Liberal Party (LP) congressmen ang Freedom of Information (FOI) bill. Katuwang ang Mamamayang Liberal (ML) party-list, pormal na inihain ng mga mambabatas ng LP na sina Caloocan City Rep. Edgar Erice, Dinagat Island Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao, Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi, Albay Rep. Cielo Krisel Lagman at Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr., ang House Bill (HB) 2897 o “People’s Freedom of Information Act of 2025”. Ayon sa grupo, mahalaga ang…

Read More

MARCOS TATABLAHIN MGA KAALYADO

TILA binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kaalyado na handa niyang tablahin ang mga ito kung kabilang sila sa mga nagpapahirap sa tao. Ayon sa Pangulo, kailangang may managot sa pagdurusa at paghihirap ng mga Pilipino kahit pa ang mga ito ay kaalyado niya. “Yung dinadaanan na hirap na dinadanas ng ating mga kababayan, they have to be told who is responsible, and somebody has to answer for their suffering,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang video clip na kinuha mula sa paparating na episode 3…

Read More

FLOOD CONTROL PROJECTS SA LAGUNA LAKE WALANG SILBI

SA kabila na napakarami ng flood control projects ang ipinatupad sa Laguna Lake, mistulang wala itong silbi dahil binabaha pa rin ang mga komunidad sa paligid ng lawa kapag panahon ng tag-ulan. Dahil dito, inatasan ni Biñan Laguna Rep. Walfredo “Arman” Dimaguila Jr., ang House committee on ecology na rebyuhin ang lahat ng flood control projects sa paligid ng Laguna Lake at alamin kung kailangan ang isang master plan para maibsan ang pagbaha. “Numerous flood control projects have been implement in and around the Laguna Lake region over the years…

Read More