NANAWAGAN ang isang abogado na buwagin na lang ang Senado at itira si Senadora Risa Hontiveros kasunod ng isyu ng umano’y budget insertion sa Senado. Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Jesus Falcis, na maaari namang buwagin ang Senado, bukod kay Hontiveros, dahil pareho lang ang tungkulin nito sa Kamara. “Abolish pork barrel or abolish Senate? Charot! Open bicam proceedings muna para walang secret budget insertions,” wika ni Falcis sa kanyang post. “Pero pwede din abolish Senate – except for Senator Risa Hontiveros, karamihan diyan redundant lang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ROBIN GUSTO NG MARAHAS NA LIPUNAN – SOLON
“MUKHANG ang gusto ni Sen. (Robin) Padilla ay isang lipunang marahas at walang malasakit”. Ganito ang basa ng dating human rights lawyer at Kinatawan ng Akbayan party-list na si Rep. Chel Diokno sa panukala ni Padilla na ibaba sa 10-anyos ang pananagutin sa batas mula sa kasalukuyang 18-anyos. Partikular sa mga kasong hindi puwedeng panagutin ang mga batang kriminal ay heinous crimes tulad ng parricide, murder, infanticide, robbery with homicide o rape, at drug-related offenses. Ayon sa mambabatas, hindi totoo na basta-basta pinapalaya ang mga batang nagkasala dahil sa Juvenile…
Read MoreKAMARA TAHIMIK SA GASTOS SA SONA 2025
Matapos bakbakan ng netizen noong nakaraang taon sa ginastos sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mistulang tikom ang bibig ng liderato ng Kamara sa gagastusin ngayong 2025 SONA. Kahapon ay isinagawa ang final walkthrough bilang bahagi ng preparasyon sa ikaapat na SONA ni Marcos sa July 28 at mula bukas, Miyerkoles ay magpapatupad na ng mahigpit na seguridad sa Batasan Pambansa. Sa press conference kahapon ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante, sinabi nito na wala siyang idea kung magkano ang…
Read MorePAGPAPALIBAN SA 2025 BSKE PINABI-VETO KAY MARCOS
MULING hinikayat ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-veto ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)sa Disyembre 2025 at itinutulak ang halalan sa Nobyembre 2026. Para kay Macalintal, ang pagpapaliban sa 2025 BSKE ay pagsikil sa karapatan ng mga Pilipino na bumoto. Bukod pa sa pagiging unconstitutional nito dahil sa unang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang 2022 BSKE Postponement Law (RA 11935). Sa ilalim kasi ng panukalang niratipikahan ng Kongreso, ang mga barangay official…
Read MoreILANG SANGKOT SA E-SABONG KINAKAUSAP NG DOJ
KINUMPIRMA ni Justice Secretary Crispin Remulla na may ilang tao na sangkot sa e-sabong ang kinakausap na nila. Umaasa ang kalihim na malaki ang maitutulong ng mga ito sa imbestigasyon sa pagkawala ng ilang mga sangkot sa naturang sugal. Naniniwala naman si Remulla na kung may sapat na batayan at matibay ang salaysay ng mga ito ay posibleng makatulong sa paglutas ng kaso. Gayunman aniya, patuloy pa rin sila sa pagkalap ng mga impormasyon kay Julie Patidongan o alyas “Totoy” na kabilang din sa pinagbabatayan nila ng mga impormasyon. Mabigat…
Read MoreCAGAYAN MULING NIYANIG NG 5.8 EARTHQUAKE
INAASAHAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na lilikha ng mahihinang mga pagyanig o aftershocks ang magnitude 5.8 earthquake na tumama sa bayan ng Cagayan nitong Linggo ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang pagyanig sa bayan ng Calayan bandang alas-1:45 ng hapon nitong Linggo. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig bunsod ng paggalaw ng earth’s crust, may sampung kilometro ang lalim. Naramdaman ang lindol hanggang sa Claveria Cagayan, Penablanca sa Cagayan at Basco, Batanes. Noong Sabado ng umaga ay nagkaroon din ng 5.3 quake sa dagat sakop ng…
Read MoreMAULAN HANGGANG MARTES – PAGASA
NAGBABALA ang state weather bureau na kahit wala na sa Pilipinas ang Severe Tropical Storm ng Crising (International Name Wipha) ay posibleng makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan hanggang Lunes o Martes na magdudulot pa rin ng pagbaha at posibleng landslides. Ayon sa datos ng Office of Civil Defense, mahigit 120 pamilya o nasa 370,289 indibidwal ang naapektuhan ni Crising at 6,720 pamilya o 22,623 katao ang nananatili pa rin sa 349 evacuation centers, habang 5,287 pamilya o 20,759 katao ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers. Sa datos…
Read MoreTAUMBAYAN LALONG MAGNGINGITNGIT KUNG HINDI MATUGUNAN GUTOM, KAHIRAPAN
LALONG magpupuyos sa galit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang taumbayan kapag hindi nito natugunan ang lumalalang kahirapan at kagutuman sa bansa dahil mas pinapaboran nito ang mayayaman kaysa mga ordinaryong manggagawa. Ginawa ng Gabriela sa pamamagitan ni Clarice Palce, secretary general ng grupo, ang pahayag kasunod resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan nakapagtala ng pinakamataas na disapproval rating si Marcos. “Numbers don’t lie: 66% disapprove of how Marcos Jr. handles inflation and 48% reject his wage record—the highest disapproval on record,” ani Palce. Base aniya sa…
Read MorePAGBUHAY SA CHA-CHA IDADAAN SA CON-ASS
IDADAAN sa Constituent Assembly (CON-ASS) ang pag-amyenda sa 1987 Constitution upang hindi umano magastusan ang gobyerno. Ito ang nabatid kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., na may akda sa Resolution of Both Houses (RBH) NO. 1 na naglalayong amyendahan ang mga economic provision at isama sa Konstitusyon ang West Philippine Sea (WPS). “Im not advocating ConCon (Constitutional Convention) dahil sobrang mahal po,” ani Garbin kaya nais nito na idaan sa Con-Ass ang pag-amyenda sa Saligang Batas. Sa ilalim ng Con-Ass, magsasanib ang Senado at Kamara para amyendahan ang…
Read More