BAGAMA’T nauwi sa draw ang kanyang laban kay Mario Barrios, panalo pa rin sa puso ng sambayanang Pilipino si Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao, ayon sa liderato ng Kamara. “Victory isn’t always measured by the belt—but by the courage to keep fighting,” ani dating House Speaker Martin Romualdez. Sa edad na 46, muling tumuntong sa lonang parisukat si Pacquiao kahapon, Sabado sa Amerika, kung saan hinarap nito ang 30-anyos na American fighter. Sa kabila ng kanyang edad, naitabla ng dating 8 division champion na si Pacquiao ang laban…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Kapag hindi umaksyon kontra fake news SOCIAL MEDIA PLATFORMS MAHAHARAP SA PARUSA
BINALAAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang malalaking social media platforms tulad ng Facebook na posibleng maharap sa aksyon ng pamahalaan kung hindi lilinisin ang kanilang platform mula sa fake news at disinformation. “Sa mga nagdaang taon, malinaw na nakita natin kung paano ginagamit ng masasamang loob ang social media, tulad ng Facebook, bilang sandata para maghasik ng kasinungalingan, mag-udyok ng galit, at baluktutin ang opinyon ng publiko,” ayon kay Gatchalian. Ginagawa anyang negosyo ang fake news at panlilinlang ang produkto. Ayon sa senador, ang paglaganap ng fake news, misinformation, at…
Read MorePRRD BILL NI IMEE, PROTEKSYON SA ‘FUTURE MASS MURDERERS’
KUNG mayroong makikinabang sa inihain ni Sen. Imee Marcos na “President Rodrigo Roa Duterte Act”, ito ay walang iba kundi ang mga future ‘mass murderer”. Reaksyon ito ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña kaugnay ng Senate Bill (SB) 557 na inakda at inihain ni Marcos kung saan ipagbabawal ang pag-aresto at pagsuko sa isang Pilipino sa ibang bansa na walang basbas ang local court. “PRRD Bill is a “Protection for Future Mass Murderer. A regressive and dangerous attempt to shield perpetrators of mass atrocities—most notably Duterte himself—from international accountability,” ayon…
Read MoreTRILLANES BINIRA SI LENI, PUMABOR KAY RISA
LUMILIKHA ng malaking bitak si dating Senador Antonio Trillanes sa mga kaalyado nang batikusin nito si Naga City Mayor at dating vice president Leni Robredo kaugnay ng pahayag nito hinggil sa pakikipag-alyansa para matiyak ang panalo sa halalan. Sa isang online interview, sinabi ni Trillanes na ang pahayag ni Robredo ay tumutukoy umano sa posibilidad ng pakikipag-alyansa sa pamilya Duterte at kanilang mga kaalyado sa Senado. “Binasa ko iyong statement ni former VP Leni at ngayon Mayor Leni na okay lang daw makipag-alyansa sila sa mga Duterte para daw pragmatic.…
Read MoreDOLOMITE BEACH HAHALUKAYIN SA KAMARA
“THE day of reckoning for the Manila Bay Dolomite Beach Project has arrived”. Idineklara ito ni Bicol Sara party-list Rep. Terry Ridon matapos ihain ang kanyang House Resolution (HR) No. 55 na nag-aatas sa House committee on public accounts at iba pang kaukulang komite na imbestigahan ang proyektong ito ng nakaraang administrasyon. Ginawa ni Ridon ang resolusyon matapos isisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes sa Dolomite Beach ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha sa Maynila. Ayon kay Artes, hinaharangan ng Dolomite Beach ang tatlong…
Read MoreOVP SPOKESPERSON SINUPALPAL SA KAMARA
SINUPALPAL ng isang administration congressman ang tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Ruth Castelo matapos nitong sabihin na makatitipid ng milyong piso ang gobyerno kapag inayunan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon na ibasura ang impeachment ng Bise Presidente. “Siguro kailangan niya ng cost benefit analysis. She can’t be throwing around statements like that. Aralin muna nila maigi. Maganda siguro aralin muna nila yun,” ani La Union Rep. Paolo Ortega V sa press conference kahapon. Kailangan aniyang maglabas ng matrix si Castelo kung magkano ang matitipid ng gobyerno…
Read MoreHIGIT P90-B GAMING REVENUES PINASISILIP KUNG PUMASOK SA PHILHEALTH
PINABUBUSISI ni Senador JV Ejercito sa Kongreso ang pagtugon ng gaming industry sa kanilang mandato na magkaloob ng pondo para sa kalusugan. Iginiit ni Ejercito na dapat i-convene ang oversight committee sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso upang matukoy kung nakapagbibigay ng pondo ang PAGCOR at PCSO sa PhilHealth. Sa impormasyon ng senador, higit sa P90 billion ng gaming revenues mula pa noong 2019 ang hindi malinaw kung naibigay sa PhilHealth. Ipinaalala ni Ejercito na alinsunod sa Universal Health Care Act bukod sa sin taxes ay mapupunta rin sa PhilHealth…
Read MoreSa pagtatanong sa mga mambabatas CARPIO SA SC: HINAY-HINAY LANG
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema sa pagkuwestyon at pagtatanong sa mga mambabatas lalo na’t sa ilalim ng Saligang Batas ay mayroong tinatawag na co-equal branch of government. Ayon kay Carpio, walang karapatan ang Korte Suprema na tanungin ang bawat mambabatas na lumagda sa resolusyon na nag-impeach kay Vice President Sara Duterte kung nabasa o alam ng mga ito ang nilalaman ng resolusyon bago pumirma. “The moment they sign you give full faith and credit that they read it. I…
Read MoreTAUMBAYAN UBOS NA PASENSYA SA TAGAL NG IMPEACHMENT TRIAL
NAUUBOS na ang pasensya ng mas nakararaming Pilipino sa pagkabalam ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte. Ganito binasa ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing 66 percent ng mga respondent ay naniniwalang dapat harapin ni Duterte ang ibinabatong alegasyon sa kanya partikular sa paggamit ng kanyang confidential funds. “I think it can come to that (nauubos na ang pasensya) conclusion from the result of the survey,” ani Diokno sa press conference kahapon sa Kamara dahil parami nang parami ang nagnanais…
Read More