NABUKO ng quad committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang papel ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sa appointment ni retired Police Lt. Col. Royina Garma sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahit may mga mas kwalipikado sa kanya para pamunuan ang money making machine ng gobyerno. Sa ikalimang pagdinig ng nasabing komite sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), illegal drug trade at extra-judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs, inamin ni Garma na dumaan siya kay Go para sa kanyang appointment sa PCSO. “I submitted my application… to…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Higit P1-B kinaltas ng Kamara P733-M NA LANG BUDGET NG OVP
(BERNARD TAGUINOD) MULA sa mahigit dalawang bilyong pisong budget sa susunod na taon, mahigit pitong daan milyon na lamang ang magiging pondo ng Office of the Vice President (OVP) sa susunod na taon. Ito ang rekomendasyon umano ng Executive Committee (ExeCom) ng House committee on appropriations sa kanilang pulong kaugnay ng inaprubahang pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte. Base sa dokumentong ibinigay sa mga mamamahayag sa Kamara, P733,198,000 na lamang ang budget ng OVP sa 2025 na mas mababa ng P1,293,159,000 sa original na P2.026,357,000 na unang nakasaad…
Read MoreROQUE, NARSOLIS PINAARESTO NG KAMARA
DAHIL sa patuloy na pagbabalewala sa Quad Committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa koneksyon ng illegal drugs, Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at extra-judicial killings (EJK), tuluyang ipina-contempt at ipinaaaresto na si dating congressman at Presidential spokesperson Harry Roque. Sa mosyon ni Bukidnon Rep. Keith Flores, inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na i-contempt si Roque dahil sa halip na isumite ang lahat ng mga dokumentong may kaugnayan sa paglobo ng kanyang kayamanan ay naghain ito ng motion to quash sa ikalawang pagkakataon…
Read MoreSC kailangan magdesisyon agad P90-B PHILHEALTH FUND MAUUBOS SA 2025
(BERNARD TAGUINOD) UMAPELA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Korte Suprema na resolbahin na agad ang usapin sa halos P90 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil mauubos na ito kung sa Enero 2025 pa ito aaksyunan. Nauna rito, itinakda ng Korte Suprema sa Enero 14, 2025 ang unang oral argument sa petisyon na inihain ng iba’t ibang grupo para kwestiyunin ang legalidad ng aksyon ng gobyernong Marcos na ipalipat sa national treasury ang P89.9 billion na hindi ginamit ng PhilHealth sa mga nakaraang taon.…
Read MoreSpeaker Martin, Cong. Cotandem sa pagkontrol sa budgetKICKBACK SA GOV’TPROJECTS SA KAMARABINUKING NI VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA kumpirmasyon sa malaon nang bulong-bulungan na may kickback ang mga mambabatas sa mga government project, ang pasabog kamakalawa ni Vice President Sara Duterte na may ilang taga-Kamara ang lumapit sa kanya at nanghihingi ng parte. Sa isang taped interview na inilabas noong Lunes, mahaba ang salaysay ni Duterte na may kinalaman pa rin sa pagdinig ng Kamara sa 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP). Aniya, nagulat siya nang lumapit sa kanya ang ilang taga-House of Representative para manghingi ng parte, matapos mailaan…
Read More50 PERCENT NG MGA NAKAIMBAK NA LAPTOP SA BODEGA NG DEPED, NAILABAS NA
KINUMPIRMA ni Education Secretary Juan Edgardo Angara sa Senado na nailabas na sa bodega ang 50 porsyento na ng mahigit 1.5 milyong laptops na nakaimbak ng may apat na taon o mula pa noong 2020. Subalit, sa mga nadiskubre anyang malalaking classroom furnitures, 10 porsyento pa lamang ang kanilang nailalabas mula sa mga warehouse. Sa pagtalakay ng Senate SubCommittee on Finance D sa proposed 2025 budget ng DepEd, sinabi ni Angara na katuwang nilang naglabas ng mga laptops at iba pang kagamitan ang Philippine Air Force, ilang ahensya ng gobyerno…
Read MoreP14-M REWARD PARA KAY QUIBOLOY, ET AL IBIBIGAY SA INFORMANTS – PNP
SINABI ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na ang hindi matukoy na bilang ng mga impormante ang makatatanggap ng P14 milyong pabuya para sa pagbibigay ng impormasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at apat na iba pa. Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na tinalakay ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, PNP chief Police General Rommel Marbil, at Police Regional Office 11 director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang reward…
Read MoreImpeachment ng Kamara kay VP Sara POLITICAL SUICIDE ‘YAN — ALVAREZ
(BERNARD TAGUINOD) GANITO inilarawan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung matutuloy ang pagpapa-impeach ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Vice President Sara Duterte na ibinoto aniya ng mahigit tatlumpu’t dalawang milyong Pilipino. Ayon sa mambabatas, nakababahala ang magiging epekto ng pagpapa-impeach kay Duterte, hindi lamang sa political landscape sa Pilipinas kundi maging sa demokrasya sa bansa lalo na’t hindi aniya ito para sa interes ng sambayanan kundi para sa pulitika lamang. Ipinaliwanag ng dating House speaker at kaalyado ng mga Duterte na ang bise presidente ang itinuturing na…
Read MoreKOSTUDIYA NI QUIBOLOY TINANGGIHAN NG DND
SASALUNGATIN ng Department of National Defense (DND) ang anomang pagtatangka na ilipat sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nadakip na leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy. Sa pahayag ni DND Public Affairs Service Chief Director Arsenio R. Andolong, sinabi nito na ang pasilidad ng AFP ay nagpapatupad ng mahigpit na security protocol kaya’t hindi umano ang AFP ang tamang ahensiya para magkulong ng mga suspek sa kasong kriminal. Nabatid pa na kahapon ay isang mataas na opisyal ng DND ang nagtungo sa…
Read More