WALANG DAPAT IKABAHALA SA KASO NG MPOX – DOH

WALANG dahilan para mangamba ang Department of Health (DOH) at mangailangan na i-activate ang Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ito ang tiniyak ni DOH Secretary Ted Herbosa sa kabila ng pagkakaroon na ng 14 kaso ng Mpox sa bansa mula pa noong Agosto. Ang nasabing bilang aniya ay mababa pa at hindi pa dapat ikabahala. Pinawi rin nito ang pangamba ng publiko dahil maaari pang ma-control ang sakit at maputol ang pagkakahawa rito. Kahit aniya mayroong Clade 1B na uri ng Mpox at marami ang nakakarekober ay…

Read More

Style mo bulok! – netizens ABALOS TATAKBO SA SENADO KAYA PANAY EPAL

BISTADO ng mga netizen na ang planong pagtakbo sa Senado sa 2025 midterm elections ang dahilan kaya masigasig si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa pagsawsaw sa mga kontrobersyal na kaso tulad ng Alice Guo at Quiboloy surrender. Nakabilang sa mga trending topic sa social media ang group pic sa pagsundo ni Abalos at PNP Chief Rommel Marbil kay dismissed Bamban mayor Alice Guo sa Indonesia kamakailan. Hindi pa man humuhupa ang ngitngit ng publiko sa hindi kaaya-ayang asal anila ng mga opisyal ng pamahalaan, kabilang si Abalos…

Read More

POLITICAL ATTACKS NG KAMARA ‘DI UBRA KAY VP SARA

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD) BIGO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na maidiin sa kanilang political attacks si Vice President Sara Duterte. Ganito ang lumilitaw sa pahayag ni VP Sara na dahilan kung bakit hindi na niya idinepensa ang 2025 budget ng kanyang tanggapan na nagkakahalagang PHP2.037 billion. Matatandaang paulit-ulit ang sagot ng bise presidente na ‘I would like to forgo the opportunity to defend the budget in the question and answer format.’ I will leave it up to the House to decide on the budget submitted” sa Aug. 27 budget hearing…

Read More

Bestseller na sa Fully Booked KINGMAKER BOOK NI ATTY. VIC PATOK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INIHILERA ng Fully Booked ang librong ‘Kingmaker’ — nagsasalaysay sa paglalakbay ng abogadong si Vic Rodriguez — sa mga bestseller na estante sa lahat ng sangay nito dahil sa magandang ipinakita nito sa merkado. Isinama ang ‘Kingmaker’ sa kilalang listahan sa Fully Booked, katabi ng ‘Spare’ ni Prince Harry at ‘Be Useful: Seven Tools for Life’ ni Arnold Schwarzenegger, at iba pang tanyag na personalidad. Opisyal na inilabas ang ‘Kingmaker’ noong Hulyo 7 at pagkaraan ay ibinenta sa Fully Booked, Solidaridad, Popular Bookstore, at Baybayin. Ang…

Read More

Mayorya sa Kamara ‘di patas BUDGET NI MARCOS LUSOT AGAD

(BERNARD TAGUINOD) BIGO ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mahimay ang panukalang pondo ng Office of the President sa susunod na taon nang agad itong aprubahan. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mayorya at Makabayan bloc na sinabayan ng kilos protesta sa laban sa Batasan Pambansa. Matapos ang budget presentation ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa P10,506,201,000 budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2025, agad magmosyon si Abra Rep. Ching Bernos na i-terminate ang pagdinig na pinalagan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. “I object…

Read More

PROTEKTOR NI QUIBOLOY PINAHAHABOL

NGAYONG hawak na ng Philippine National Police (PNP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy matapos ang 16 araw na paghahanap sa kanya, panahon na para habulin din ang mga nagtago sa kanya. Ito ang hamon ng mga mambabatas sa Kamara matapos sumurender si Quiboloy nang bigyan ito ng 24-oras na ultimatum nang matunton ang gusali sa KOJC compound na pinagtataguan nito. “We call for an investigation into his number one protector and all those who have enabled his evasion from justice. The rule of law must…

Read More

NATIONAL CALAMITY PINADEDEKLARA KAUGNAY NG PAGKALAT NG AFRICAN SWINE FEVER

PINANGUNAHAN ni Senador Cynthia Villar ang pagdinig upang himukin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of national calamity dahil sa African Swine Fever (ASF) noong Lunes, Setyembre 9, 2024. Naalarma ang chairman ng Senate committee on agriculture and food sa lumalalang epekto ng ASF sa industriya ng baboy sa bansa at ikinalungkot ang pagkaantala sa pagtatayo ng first border cold storage facility sa Bulacan sa kabila ng paglalaan ng budget at ground breaking nito. Humarap si Dr. Samuel Zacate, Director General ng Food and Drugs Administration (FDA)…

Read More

TRABAHONG IBINIDA SA BBM ADMIN, BOLA LANG

PINAGLOLOKO at iniinsulto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanan lalo na ang mahihirap na hindi mabigyan ng totoong trabaho ng gobyerno. Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kahit isang oras lamang ang trabaho ng isang Pinoy kada araw ay bilang na ito bilang “employed”o may trabaho. “This is both deeply insulting and grossly misleading. Defining employment in such a narrow way ignores the reality of economic hardship faced by millions of Filipinos…

Read More

HIGIT P1-B ‘PORK’ PARA KAY BBM PINAHAHARANG

(BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa blank check na nagkakahalaga ng P158.6 bilyon na ibibigay umano kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa susunod na taon. Ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, habang tumatagal ay lumolobo ang unprogrammed fund na dapat tutulan ng sambayanang Pilipino upang hindi lumala ang tinatawag nilang “presidential corruption”. “Unprogrammed appropriations have become a new form of Presidential Pork Barrel,” ani Clarice Palce, secretary general ng Gabriela na kinakatawan ni Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sinabi…

Read More