SENADO NAGMUKHANG SHOWBIZ TALK SHOW KAY JINGGOY

HINDI napigilan ng ilang netizens na punahin ang paraan ng pagtatanong at pagtutok ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa umano’y ‘lovelife’ ng dalawa nilang resource person sa pagdinig kahapon. May mga nagsabi na pang-showbiz lang talaga si Estrada at ginawa nitong showbiz talk show ang Senado sa mga patutsada nito kina dismissed mayor Alice Guo at Sual Mayor Liseldo Calugay. Sa pagdinig, kinumpirma ni Calugay ang naunang pahayag ni Guo na magkaibigan lamang silang dalawa at inamin na kapwa sila nagtulungan sa pangangampanya ng bawat isa. Sinita naman…

Read More

KONGRESO POWER TRIPPING SA MGA HEARING

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINUWELTAHAN ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang mga kongresista at inakusahang nagpa-power trip ang Kamara sa isinasagawang pagdinig sa ilang isyu. Sa 14 minutong video sa kanyang social media account nitong gabi ng Lunes, nagpakita sa publiko si Roque at nagmatigas na hindi susuko sa Kamara. Ito ay matapos siyang ituring na pugante ng mga mambabatas matapos siyang hindi matunton ng House Sergeant-at-Arms sa pakikipagtulungan ng PNP nang isilbi ang arrest order ng Kamara sa kanyang law firm office sa Makati city at dalawang…

Read More

PNP TINUTUGIS MGA NAGKANLONG KAY QUIBOLOY

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang para mapanagot ang mga tao o grupong nagkanlong at tumulong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito para makaiwas sa inilunsad na law enforcement operation. Sa ulat, inumpisahan na rin ng PNP ang masusing imbestigasyon para papanagutin ang mga taong nagkanlong sa self-appointed son of God. Sinasabing kaugnay ito sa nakatakdang pagsasampa ng kasong obstruction of justice ng PNP laban sa mga tumulong sa grupo ng KOJC leader. Una nang inihayag ni PNP…

Read More

QUALIFIED HUMAN TRAFFICKING VS ALICE GUO ISASAMPA SA PASIG

ANOMANG araw ngayong linggo, isasampa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC). Ito ay kasunod na rin ng pagpabor ng Supreme Court (SC) sa hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa mga kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC. Kabilang din sa mga kakasuhan ang kanyang mga business partner, na kinabibilangan ng umano’y POGO “big boss,”na si Huang Zhiyang. Nauna rito, lumiham si…

Read More

DEBATE SA HIGIT P6-T 2025 NAT’L BUDGET UMARANGKADA

SINIMULAN nang talakayin at pagdebatehan sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 10800 o 2025 general appropriations bill na nagkakahalaga ng mahigit anim na trilyong piso. Personal na binuksan ni House Speaker Martin Romualdez ang deliberasyon sa P6.352 trillion pambansang pondo kung saan pinatutsadahan nito ang mga aniya’y ipokrito na nag-aakusa sa Kamara ngunit umiiwas magpaliwanag sa hindi maayos na paggamit sa pondo ng bayan. “To these individuals, I say, let us be clear: this chamber will not tolerate hypocrisy, nor will it stand idle in…

Read More

SPONSORS NG MALUHONG BDAY BASH NI BBM ISAPUBLIKO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAIS ng mga netizen na isapubliko ng Malakanyang kung sino ang mga kaibigan umano ni Pangulong Bongbong Marcos na sumagot sa kanyang magarbong birthday. Giit ng netizens, paglabag sa itinatakda ng RA 6713, na nagbabawal sa pagtanggap ng regalo ng mga nasa gobyerno, ang birthday treat sa Pangulo. Matatandaang agad nilinaw ni PCO Secretary Cesar Chavez na walang ginastos ang pamahalaan sa okasyon kung saan nag-perform ang 80’s English pop rock band na Duran Duran. Ngunit duda ang mga netizen na walang anomang kapalit ang kagandahang…

Read More

MALUHONG B-DAY NI MARCOS IMORAL

KINASTIGO ng Makabayan bloc si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil habang kumakalam ang sikmura ng nakararami ay nagagawa nitong magdiwang ng maluhong kaarawan. Maging sa social media ay binatikos ang okasyon dahil maituturing anila itong imoral at hindi katanggap-tanggap. Ayon kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, hindi nila masikmura ang marangyang selebrasyon ng kaarawan ni Marcos. “This ostentatious display during President Marcos’ birthday, regardless of who footed the bill, is in extremely poor taste,” ani Castro. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil habang…

Read More

ROMUALDEZ TAMEME SA BIRADA NI VP SARA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHIMIK at wala pang reaksyon si Speaker Martin Romualdez sa mga patutsada ni Vice President Sara Duterte kamakailan na nag-aakusa sa kanila ni Rep. Zaldy Co na kumokontrol sa budget ng pamahalaan. Matatandaang sa isang panayam ay pinangalanan ni Duterte sina Romualdez at Co na nagmamanipula aniya sa pondo ng gobyerno at ito ay base sa kanyang karanasan. Mistula ring ibinuking ng bise presidente na may kickback ang ilang taga-Kamara sa mga proyekto sa gobyerno. Kwento ni Duterte, noong kalihim pa siya ng Department of Education…

Read More

REP. NOGRALES KAAGAPAY SA PAGTUPAD SA PANGARAP NG 500 CHED TDP SCHOLARS

(JOEL O. AMONGO) UMAABOT sa 500 estudyante ng University of Rizal System (URS) sa Brgy. San Jose, Montalban, Rizal ang tumanggap ng tig-P7,500 bawat isa sa ilalim ng Tulong-Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED) noong Miyerkoles, Setyembre 11, 2024. Ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay pinangunahan ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles, kasama sina Dr. Florante Mercado, Campus Director; Dr. Nancy Pascual, University President; Dr. Allan Conde, Vice President Academic Affairs at iba pang CHED officials. Sa pagsisikap at tulong ni Nograles ay muling umarangkada ang panibagong…

Read More