APO NI PANDAY SASABAK SA KONGRESO

NAGDESISYON ang mga lider ng ilang sektoral na organisasyon, pawang kaanib sa Political Officers League of the Philippines o POLPhil, na suportahan ang partido na nauugnay sa yumaong Fernando Poe Jr., binansagan na King of Philippine movies. Tinukoy ng POLPhil na suportahan ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na itinatag sa pangunguna ni Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe at apo ni FPJ. Matatandaan na puspusang nangampanya ang mag-ina para kay FPJ, kandidato sa pagkapangulo noong 2004 elections. Ipinahayag ng bawat pinuno ng kabataan, solo parents, magsasaka, kababaihan, community…

Read More

KAPAYAPAAN, PAGKAKAISA SUSI SA PAG-UNLAD NG SEKTOR NG PAGSASAKA

MAKAKAMIT lamang ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura kung magkakaisa ang mga lider ng mga magsasaka. Pahayag ito ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz. Kasabay nito, itinanggi ng dating kalihim na plano niyang maging kinatawan o nominado ng Magsasaka party-list tulad ng napabalita kamakailan. Ani Cruz, ang tanging hangarin niya sa kasalukuyan ay makatulong sa sektor ng mga magsasaka. Sa panayam kay Cruz na dati ring PCA Administrator, sinabi nito na kahit wala siya sa puwesto sa kasalukuyan, ang mahalaga sa kanya ay matulungan ang mga…

Read More

PATONG-PATONG NA KASO NAISAMPA NA LABAN KAY ALICE GUO

IPINALIWANAG ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano ang mga kasong isinampa laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo. Sinabi ng tagapagsalita na una nang sinampahan si Guo kasama ang 12 executives ng tatlong magkakaibang kompanya noong ika-20 ng Hunyo ng kasong Trafficking in Persons na kasalukuyang nasa preliminary investigation at isinumite na bilang resolusyon sa korte. Kasunod nito ay nagsumite naman ng motion to admit counter affidavit ang kampo ni Guo kaugnay ng paghahain nito ng nakaraan niyang affidavit habang wala siya sa Pilipinas. Nakasuhan…

Read More

GRANDSTANDING SA KAMARA NAKASUSUKA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINASTIGO ng netizens ang mga kongresista sa paraan ng kanilang paghawak sa isinasagawang imbestigasyon sa mga kontrobersyal na kaso ngayon tulad ng POGO. Maraming nagsabi na ginagamit na lamang ng mga kongresista sa kanilang grandstanding ang mga hearing. Lalo pa anila at malapit na naman ang susunod na eleksyon kaya maraming mambabatas ang sinasamantala ang pagkakataon para magpasikat. Partikular na ikinairita ng mga netizen ang tila pamamahiya ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Cassandra Li Ong nang kanya itong pagalitan sa attitude ng…

Read More

JOINT ACCOUNT NINA ROQUE, DELA SERNA INURIRAT SA KAMARA

NAINTRIGA ang mga mambabatas sa Kamara sa joint account nina Atty. Harry Roque at kanyang executive assistant noong nasa Palasyo pa ito dahil mag-asawa o magkarelasyon lamang ang gumagawa nito. Unang inusisa ni Laguna Rep. Dan Fernandez sa ikaapat na pagdinig ng quad committee ang bank statement ni Dela Serna na nakumpiska ng Presidential Anti-Organize Crime Commission (PAOCC) nang salakayin ng mga ito ang Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. Inamin ito ni Dela Serna at nang tanungin ni Fernandez kung ilan kanyang ang bank account ay sinabi nito na…

Read More

PHIL. AIR FORCE NAGLATAG DIN NG SEGURIDAD SA PAGDATING NI ALICE GUO

GUMAWA rin ng kanilang sariling paghahanda ang Philippine Air Force bukod sa inilatag na seguridad ng DILG at PNP, kaugnay sa pagpapabalik kay Alice Guo sa Pilipinas. Kasunod ito ng ulat na sakaling walang maging suliranin sina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police chief, Police General Rommel Francisco Marbil, sa pagkuha sa kustodiya at pagpapabalik kay Alice Guo, ay idaraan ito sa Villamor Air Base. Layunin nito na matiyak ang magiging maayos at ligtas na isasagawang extradition kay Guo pabalik ng Pilipinas. Una nang kinumpirma…

Read More

Itinakbo sa ospital CASSANDRA LI ONG NO SHOW SA SENADO

HINDI nakadalo sa pagdinig sa Senado kahapon ang executive ng Whirlwind Corporation na si Cassandra Li Ong dahil isinugod ito noong Miyerkoles ng gabi sa St. Luke’s Medical Center. Bumagsak umano ang blood pressure ni Ong habang ginigisa ng mga mambabatas sa Kamara sa papel nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga. Hindi naitago ng mga mambabatas ang pagkapikon kay Ong dahil sa pagsisinungaling umano nito sa ugnayan ng Whirlwind at Lucky South 99 gayung maraming ebidensiya na kapwa may papel ito sa nasabing kumpanya. Dahil dito,…

Read More

Full transparency ‘di lang dapat sa OVP budget MALAKANYANG, SENADO AT KONGRESO I-AUDIT DIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT para sa lahat ang full transparency sa pondo hindi lang sa tanggapan ng Pangalawang Pangulo. Ayon sa grupo ng mga manggagawa, kailangan busisiin din sa budget hearing ang pondo ng lahat ng sangay ng gobyerno kabilang ang Malakanyang at mismong dalawang kapulungan ng Kongreso. “Ang hiling natin sa mga budget hearing ay FULL TRANSPARENCY sa pondo. Hindi lang mula kay VP Sara (na nakikipagmatigasan sa mga mambabatas) kundi maging sa Malakanyang at mga alyado nito sa Senado’t Kongreso, na may sobra-sobrang ‘unprogrammed funds’,” ani Ka…

Read More

Makabayan bloc kay VP Sara: TAMA NA ASAL-PUSIT

“ENOUGH of the squid tactics.” Ito ang panawagan ng Makabayan bloc sa Kamara kay Vice President Sara Duterte matapos palabasin na may alyansa ang kanilang grupo kina House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., laban sa kanya. “It is imperative to set the record straight: no such alliance exists,” ayon sa nasabing grupo na kinabibilangan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, ACT party-list Rep. France Castro at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Itinuturing ng grupo na isang ‘squid tactics’ ito ni Duterte upang ilihis ang usapin sa…

Read More