MAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa inilunsad na operasyon ng Philippine National Police sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City upang ihain ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Itinakda ang pagdinig sa Biyernes na sisimulan sa pagsasagawa ng ocular inspection sa KOJC Compound ng alas-10 ng umaga bago sundan ng hearing ng alas-2 ng hapon sa Sangguniang Panlungsod ng Davao. Ang pagdinig ay pangungunahan ni Senador Ronald Bato dela Rosa na ibinatay sa kanyang privilege speech kaugnay sa operasyon ng PNP. Samantala,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Pakana ng Marcos-Romualdez-Makabayan GUTOM NA PINOY NILILIBANG SA MGA ISYU VS VP SARA
(CHRISTIAN DALE) PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte na walang maling paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022. Tugon ito ng bise presidente sa inihayag ni House Deputy Minority Leader France Castro, noong Biyernes na ang kabiguan ng una na sumunod sa rules para sa 2022’s P73 million confidential funds ay ‘ground for impeachment.’ “There was no misuse of any funds. There is, however, [an] unending political attack by the Makabayan-Romualdez-Marcos alliance to mask the real problem of the country right now,” ang sinabi…
Read MoreSENADO, KAMARA TAHIMIK SA PHILHEALTH FUND TRANSFER
IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila pananahimik ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth. Maging ang hindi anila pagkibo o pagpalag ng bussiness sector ay kapuna-puna. Matatandaang tinawag ni Dr. Tony Leachon ng Philippine Medical Association na “immoral at pagnanakaw” ang paglilipat ng pondo. “Pagnanakaw po ‘yun. Kasi alinsunod ho sa batas, any pondo po ng PhilHealth, kung sumobra po kayo, gagamitin lang ninyo po sa dalawang bagay: ang una po ay palakihin po ang benepisyo ng bawat pasyente. Ninakawan ka na, niloko ka…
Read MorePAGBABAKUNA KONTRA ASF SUPORTADO NG MGA MAGBABABOY
NAGPAHAYAG ng buong suporta ang hog raiser associations, cooperatives at veterinary practitioners sa programa ng Department of Agriculture (DA) na pagbabakuna laban sa African Swine Fever (ASF), sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI). Ayon kay Nicanor ‘Nikki’ Briones, pangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list, simula nang magka-outbreak ng ASF noong 2019, malaki ang epekto nito sa lokal na produksyon at suplay ng baboy, na nagresulta sa pagkalugi sa kabuhayan ng maraming magbababoy sa bansa. Nagpapasalamat ang mga magbababoy na sinimulan na ng DA ang…
Read MoreTaumbayan umaalma sa malawakang pagbaha PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECTS NAUWI SA KORUPSYON?
(BERNARD TAGUINOD) HINDI pwedeng hindi panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at maging si dating pangulong Rodrigo Duterte sa palpak na flood control projects na ginastusan ng mahigit isang trilyong piso mula noong 2019. Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares kasunod mapaminsalang baha na idinulot ng bagyong Enteng kung saan labis na naapektuhan ang Metro Manila, Antipolo Rizal at mga karatig lalawigan. “Filipinos demand accountability from the Marcos Jr. government as well as immediate predecessors for the failed flood control programs that have left…
Read MoreNagpapagamit kay Marcos PNP ‘DI NA SUMUSUNOD SA BATAS – MAYOR BASTE
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING pinatutsadahan ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang Philippine National Police (PNP) na patuloy sa kanilang paggalugad sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa nasabing lungsod. Ayon sa alkalde, sa simula pa lang ay hindi na sumunod sa batas ang kapulisan nang kubkubin nila ang compound ng KOJC sa paniwalang doon nagtatago ang pinaghahanap na si Apollo Quiboloy. Kahapon ay dumulog ang ilang tag-KOJC na humiling kay Duterte na pigilan ang drilling operation ng PNP sa compound. Gayunman, duda si Duterte na…
Read MoreGOV’T WORKERS PINAASA SA EO 64 NI MARCOS
KINUWESTIYON ng kinatawan ng mga guro sa Kamara ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kakarampot na lang umano ang umento sa sahod ng mga government employees ay hindi pa ito ibinibigay. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ipinagmalaki ng Malacanang ang Executive Order (EO) 64 na nilagdaan ni Marcos noong Agosto 2, 2024 para sa dagdag sahod ng government employees. Gayunpaman, isang buwan na ang lumipas ay hindi pa natatanggap ng karamihan sa mga empleyado ng gobyerno, kasama na ang mga public school teachers ang umento…
Read MoreCOA sinita inaamag na nutribun FEEDING PROGRAM NG DEPED SABLAY
SINITA ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun, nabubulok na mga food item, hindi maayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim…
Read MorePAGSUSPINDE NG KLASE, TRABAHO AGAHAN – PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na makapagbibigay ng ‘early advisories’ na may kinalaman sa suspensyon ng klase at trabaho dahil sa masamang panahon. Hangad ni Pangulong Marcos na kaagad malaman ng publiko kung kakanselahin ang trabaho at klase sa susunod na araw bago pa sila matulog sa gabi upang makagawa ang mga ito ng kinakailangang adjustments. ”We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow. Ang instruction ko sa kanila kung maaari…
Read More