KINUWESTIYON ng kinatawan ng mga guro sa Kamara ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kakarampot na lang umano ang umento sa sahod ng mga government employees ay hindi pa ito ibinibigay. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ipinagmalaki ng Malacanang ang Executive Order (EO) 64 na nilagdaan ni Marcos noong Agosto 2, 2024 para sa dagdag sahod ng government employees. Gayunpaman, isang buwan na ang lumipas ay hindi pa natatanggap ng karamihan sa mga empleyado ng gobyerno, kasama na ang mga public school teachers ang umento…
Read MoreCategory: NASYUNAL
COA sinita inaamag na nutribun FEEDING PROGRAM NG DEPED SABLAY
SINITA ng Commission on Audit (COA) ang inaamag na nutribun, nabubulok na mga food item, hindi maayos na pagkakabalot ng mga pagkain at kwestyunableng manufacturing at expiration date ng mga pagkain sa ilalim ng school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) noong 2023, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Sa audit report ng COA para sa taong 2023, sinabi nito na 21 Schools Divisions Office sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nakaranas ng delay o hindi na-deliver sa oras ang pagkain at gatas sa ilalim…
Read MorePAGSUSPINDE NG KLASE, TRABAHO AGAHAN – PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na makapagbibigay ng ‘early advisories’ na may kinalaman sa suspensyon ng klase at trabaho dahil sa masamang panahon. Hangad ni Pangulong Marcos na kaagad malaman ng publiko kung kakanselahin ang trabaho at klase sa susunod na araw bago pa sila matulog sa gabi upang makagawa ang mga ito ng kinakailangang adjustments. ”We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow. Ang instruction ko sa kanila kung maaari…
Read MoreMETRO MANILA BINAHA NA NAMAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING lumubog sa baha ang maraming lugar sa kalakhang Maynila nitong Lunes dulot ng tuloy-tuloy na ulan na dala ng Bagyong Enteng at habagat. Sa kasagsagan ng buhos ng ulan at pagbayo ng hangin ay may ilang punongkahoy ay poste ng kuryente ang natumba. Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagdulot ng lalong pagbagal ng usad ng mga sasakyan ang mga natumbang puno ay poste. Nabatid na isang punong-kahoy ang natumba sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City bandang 7AM, sinundan ito ng isa pang…
Read MoreEX-PCSO GM GARMA NAMUMURONG MASELDA
SA ayaw at sa gusto ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police Lt. Col Royina Garma ay kailangang dumalo ito sa susunod na pagdinig ng quad committee ng Kamara kung hindi ay ipaaaresto ito. Ito ang warning ni Surigao del Norte Rep Robert Ace Barbers, lead chairman ng komite na nag-iimbestiga sa koneksyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), extrajudicial killings, illegal drugs sa bansa. “If Lieutenant Colonel Garma refuses to attend, we will have no choice but to issue a warrant for her arrest.…
Read MoreDIGONG DEDMA: QUADCOMM NG KAMARA PURO ‘MARITES’
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGMATIGAS ang kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi pa rin ito sisipot sa imbitasyon ng quad committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa mga kaso ng droga, human rights violations, at illegal POGO. Ito ay dahil wala umanong matibay na mga ebidensyang iprinisinta ang komite maliban sa mga hearsay o kwentong ‘marites’. Nauna rito, kinumpirma ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na nagpulong sila ni Duterte at pinag-usapan ang imbitasyon ng quadcomm. Ngunit sinabi aniya ni Duterte na pawang mga hearsay lang ang mga…
Read MoreANTI-EPAL SPECIAL PROVISION, BALAK ISAMA SA NATIONAL BUDGET LAW
PINAG-AARALAN ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang paglalagay ng special provision sa General Appropriations Act na magbabawal sa mga tinatawag na ‘Epalitiko’ o paglalagay ng pangalan ng pulitiko sa mga proyekto ng gobyerno. Sinabi ni Escudero na hindi nakapasa bilang batas ang isinulong nila noong Anti-Epal Bill kaya’t hanggang ngayon ay may mga proyekto na nilalagyan ng mga pangalan ng mga pulitiko. Mahabang proseso rin anya kung isusulong pa nila ang panibagong panukala kaya’t mas magiging makabuluhan at mabilis kung isasama na lamang ito bilang special provision sa GAA.…
Read MoreIBA PANG SANGKOT SA PHARMALLY AT LAPTOP SCANDALS, KASUHAN
WALANG dapat makalusot sa mga anomalya sa gobyerno. Ito ang binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva kasabay ng papuri sa Ombudsman sa paghahain ng kasong katiwalian laban sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang si dating Department of Budget Undersecretary Christopher Lao kaugnay sa maanomalyang paglilipat ng COVID-19 mula sa Department of Health patungong PS-DBM. Ipinaalala naman ni Villanueva na si Lao ay sangkot din sa procurement ong overpriced laptops para sa Department of Education (DepEd). Sinabi ni Villanueva na posibleng mas marami pang sangkot sa anomalya kaya’t dapat magpatuloy pa ang…
Read MoreBAGONG KONTRATA NG MERALCO SA SUPPLIERS PABOR SA CONSUMERS
MAGANDANG balita para sa mga customer ng MERALCO ang pagtatapos ng bidding na ginawa ng kumpanya para sa suplay ng kuryente na kakailanganin sa susunod na taon. Ito palang bidding na ito na tinatawag nilang Competitive Selection Process o CSP ay isang polisiya ng Department of Energy kaya lahat ng distribyutor ng kuryente kagaya ng MERALCO ay obligadong kumuha ng suplay sa pinakamurang halaga. Siyempre apektado tayo nito dahil tayo ang nagbabayad ng ating konsumo. Hindi naman natin maaasahan ang gobyerno na mag-subsidize nito kaya ‘yung mga ganitong aktibidad ng…
Read More