(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “The best distraction sa ‘polvoron’ issue is to attack the roadblocks.” Pahayag ito ni Atty. Trixie Angeles sa gitna ng puspusang paghahalughog ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City simula noong Sabado para masukol ang nagtatagong si Apollo Quiboloy. Naniniwala ang dating Press Secretary ng Marcos Jr. admin na nais lamang pagtakpan ang kontrobersyal na ‘polvoron’ issue laban sa Pangulo sa ginagawang panggigipit ngayon sa KOJC at kay Quiboloy. “Of course, kailangan nilang pagtakpan ‘yang polvoron issue na iyan kasi ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PHILHEALTH FUND TRANSFER PAGNANAKAW SA BAYAN
(CHRISTIAN DALE) TINAWAG ni Dr. Tony Leachon ng Philippine Medical Association na “immoral at pagnanakaw” ang paglilipat ng pondo. “Pagnanakaw po ‘yun. Kasi alinsunod ho sa batas, any pondo po ng PhilHealth, kung sumobra po kayo, gagamitin lang ninyo po sa dalawang bagay: ang una po ay palakihin po ang benepisyo ng bawat pasyente. Ninakawan ka na, niloko ka pa,” diing pahayag nito. Sa taunang pagtaas sa kontribusyon, binigyang-diin ni Leachon na hindi dapat idahilan ang universal health care access para pondohan ang mga tulay at gusali. “E kailan ka…
Read MorePAGGAMIT NG INTEL FUND NG ILANG AHENSYA KINUWESTYON
KINUMPIRMA ni Shiela Leal Guo nang humarap sa Senado ang kanilang pagtakas ng bansa kasama si dismissed Bamban Mayor Alice Guo at Wesley Guo patungo sa Malaysia sa pagpatuloy ng pagdinig na pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros, committee chairman kasama sina Senator Win Gatchalian at Minority Leader Aquilino Koko Pimentel. (DANNY BACOLOD) KINUWESTYON ni Senador Sherwin Gatchalian ang paggamit ng intelligence fund ng mga ahensya sa gitna ng misteryo ng pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senado sa pagtakas ni Guo, binigyang-diin ni…
Read MoreSa Pulso ng Pilipino survey MARCOS JR. NAUNGUSAN NI VP INDAY
MAS mataas ng dalawang porsyento sa pinakahuling isinagawang Pulso ng Pilipino survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) si Vice President Sara Duterte kung ikukumpara kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Si Duterte ay nakapagtala ng 44% sa Pulso ng Pilipino ng Issues and Advocacy Center (The Center), samantalang si Marcos ay nakakuha ng 42% sa survey. Batay sa pagkakasunud-sunod, si Duterte ay may 44% sa net PHL, 23% sa fully satisfied, 43% sa slight satisfied, 22% sa not satisfied at 12% sa don’t know. Nakakuha naman si PBBM…
Read MoreINTEL AT CONFI FUNDS PINABUBUKSAN SA PUBLIKO
PANAHON na buksan sa publiko kung papaano ginagamit ang bilyun-bilyong intelligence at confidential funds ng gobyerno. Iginiit ito ni House deputy minority leader France Castro dahil sa aniya’y magkakasunod na ‘intelligence blunder’ kahit kargado ang Marcos administration ng mahigit P12 billion intelligence at confidential funds ngayong taon. “Sa dami ng mga isyung sumulpot dahil sa patagong paggamit sa confidential at intelligence funds, marapat na mas gawin itong transparent at mapanagot ang mga opisyal na mali itong ginagamit,” ani Castro. Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso ni Apollo Quiboloy na hanggang ngayon…
Read MoreILLEGAL CONNECTION PINAGTATANGGAL
UPANG maiwasan na magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na maaaring makapaminsala at madamay dahil sa hindi maayos na mga linya ng kuryente at mga ikinabit na illegal connection ay minabuti ng pamahalaang lungsod ng Caloocan na tawagan ng pansin ang Meralco upang isaayos ang mga ito. Agad na nagsagawa ng Anti-Urban Blight (AUB) ang Meralco sa Katarungan St., Barangay 149 Bagong Barrio na naglalayong alisin ang mga sala-salabat at nakalaylay na kuryente at ang pagtanggal ng mga illegal connection. Ang AUB ay isang uri na gawain ng Meralco na ang…
Read MoreTaumbayan ang talunan MARCOS-DUTERTE WAR TULOY HANGGANG 2028
(BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroon mang talunan sa hidwaan ng mga Marcos at Duterte, iyon ay ang buong sambayanang Pilipino. Ganito inilarawan ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang sitwasyon ng mga Pilipino sa lumalang giyera sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at pamilya ni Vice President Sara Duterte. “Ang tandem na nangako ng pagkakaisa ay nag-aaway na sa harap ng taumbayan,” ani Manuel. Naniniwala ang mambabatas na wala nang pag-asang magkabalikan pa ang mga Marcos at Duterte matapos humingi ng kapatawaran ang Bise Presidente sa mga miyembro ng…
Read MoreDuterte supporter kasi? POLICE OPS SA KOJC COMPOUND ‘OVERKILL’
KINONDENA nina Senador Imee Marcos at Senador Christopher Bong Go ang sinasabing paggamit ng sobra-sobrang pwersa ng tauhan ng Philippine National Police sa pagsalakay sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City para isilbi ang warrants of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Sinabi ni Marcos na ang pagdeploy ng 2,000 pulis sa lugar ay hindi kinakailangan at walang sapat na batayan. Idinagdag ng senadora na hindi katanggap-tanggap ang idinulot na abala, takot at sinasabing pagkamatay ng isang indibidwal sa naturang operasyon. Hinimok din nito ang PNP na maging…
Read MoreHumingi ng tawad dahil ipinapanalo si Marcos FILIPINOS DESERVE BETTER – VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA puno ng panghihinayang at pagsisisi si Vice President Sara Duterte dahil naging kasangkapan siya para makabalik sa Malakanyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasabay nito humingi ng paumanhin ang bise presidente sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil hinikayat at pinakiusapan niya ang mga ito na iboto si Marcos noong tumatakbo ito bilang pangulo noong 2022 national elections. “Nais kong humingi ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong…
Read More