TRABAHO PARA SA LAHAT NI MARCOS, INISMOL

MINALIIT ng isang mambabatas sa Kamara ang ipinagmalaking nadagdag na trabaho nitong nakaraang Disyembre sa administrasyong Marcos. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, low-paying ang mga trabahong naibigay kaya nagkaroon ng record-low na 3.1 unemployment rate noong December 2023 na naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA). “The jobs situation in the country is far from rosy as low-paying and low-quality jobs made up for the employment spike, aside from the still problematic survey parameters used by the national government,” ayon sa mambabatas. Mismong sa datos aniya ng PSA ay…

Read More

435 PAMILYANG NASUNUGAN, SINAKLOLOHAN

BINISITA ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga nasunugan sa Sta.Cruz, Manila kahapon. May 435 pamilya na umaabot sa 1544 individuals ang binigyan ng grupo ng senador ng pinansiyal na ayuda, vitamins, groceries, cellphone, sapatos at wheelchair na ginanap sa Barangay 311 covered court. Kamakalawa, sinusugan ni Go ang kapwa senador na si dating PNP chief Bato dela Rosa na nagsabing walang karapatan o dahilan ang pulisya na basta-basta na lamang umaaresto ng peryante na hindi lumalabag sa batas. “Lalo na itong mga pulis natin. Kaya hindi kami basta-bastang maniwala…

Read More

Marcos kinastigo sa rice inflation PINOY HINDI NA DAPAT MAGPABUDOL – FARMERS

KINASTIGO ng grupo ng mga magsasaka si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil imbes bumaba ang presyo ng bigas ay nakapagtala pa ito ng pinakamataas na inflation rate noong nakaraang buwan. Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Amihan, hindi katanggap-tanggap ang 22.6% inflation rate na naitala sa bigas noong Enero base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA). “Walang ibang dapat singilin rito kundi ang gobyernong Marcos dahil siya mismo ang tagapag-promote nito, tulad ng pagpapatupad niya ng Rice Liberalization Law,” pahayag ni Estavillo. Dahil sa RTL aniya ay nawala…

Read More

MARCOS INIUTOS PALAKASIN CYBERSECURITY SYSTEMS NG PNP

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R, Marcos Jr. na palakasin at paghusayin ang cybersecurity systems ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng karagdagang pagsasanay sa mga tauhan nito at mamuhunan sa teknolohiya na makatutulong na tugunan ang tumataas ang cybercrime at umuusbong na isyu ng cybersecurity. Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na habang mayroong “improvement” sa crime statistics ng bansa, nananatili pa rin na mayroong pangangailangan para sa PNP na ituon ang pansin sa pagtugon sa cybercrimes. “Although seemingly nakita natin na nag-improve ‘yung crime statistics—it went…

Read More

PAGDINIG SA PI TATAPUSIN NG SENADO

TINIYAK ni Senate committee on electoral reforms Chairperson Imee Marcos na tatapusin pa rin nila ang imbestigasyon sa kwestyonableng People’s Initiative. Ito ay sa kabila ng alegasyon ng ilang kongresista na bahagi ito ng pag-atake laban sa kanila at paglabag sa inter parliamentary courtesy. Sinabi ni Marcos na maging si Senate Minority Leader Koko Pimentel ay nagsabi sa kanya na dapat niyang tapusin ang pagsisiyasat bilang bahagi ng adbokasiya na malaman ang katotohanan sa sinasabing bayaran at suhulan sa pangangalap ng pirma. Ipinaliwanag ng senadora na hinihintay na lamang nila…

Read More

Batas pinapoporma sa Kongreso ELEKSYON 2025 MANGANGANIB SA ‘DEEPFAKES’

HINIMOK ng isang cyber security analyst ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng batas laban sa “deepfakes” bago sumapit ang 2025 election dahil maaaring gamitin ito sa mga kandidato. Sa joint hearing ng House committee on information and technology at public information ukol sa cyber attack sa mga digital domain ng pamahalaan, sinabi ni Art Sarmiento na hindi malayong magamit ang deepfakes sa 2025 election. Ang Deepfake ay isang pamamaraan ng paglikha at pag-publish ng maling impormasyon sa anyo ng mga video, audio at mga larawan. Naging kontrobersyal ito…

Read More

PUBLIKO PINAALALAHANAN SA LOVE SCAMS NGAYONG VDAY

MALAKI ang posibilidad na samantalahin ng mga love scammer ang Valentine’s Day para makapanloko ng malulungkot ang VDay. Kaya ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos Jr., sa press briefing sa Malakanyang ay mag-ingat ngayong VDay lalo na sa mga hindi kakilala. “At ito pa ang matindi, nasabi rin kanina iyong love scam – I don’t know if you’ve heard about the love scam ‘no. Iyong love scam, tinitingnan nila iyong profile kung sino iyong malungkot, nag-iisa, ano iyong music na hilig mo, ano…

Read More

‘ROD-tag binuhay; Tao nina Rodrigo at Rodriguez nanganganib ‘PURGE’ SA MALAKANYANG?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) USAP-USAPAN ang ‘purging’ sa Malakanyang matapos umanong ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang performance review sa lahat ng presidential appointee. Duda ng ilang Malacañang insider, target nito ang mga itinalaga nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at ex-Pres. Rodrigo Duterte. Paglilinaw naman ng Palasyo, hindi lamang mga itinalaga ng nakaraang administrasyong Duterte ang target sa review kundi maging ang mga itinalaga mismo ni Marcos sa puwesto. Kinumpirma ni Communications Sec. Cheloy Garafil ang memorandum at binigyang diin na sakop nito ang lahat ng presidential appointees…

Read More

MABAHONG AMOY NG ESTERO SA MAYNILA INIREKLAMO

INIREKLAMO ng isang barangay sa Maynila ang mabahong amoy na nagmumula sa Estero de San Antonio Abad na nakakaapekto na sa pamumuhay ng mahigit 300 residente. Sa panayam kay Chairman Mark Delfin ng Barangay 718, Zone 78, taong 2019 pa nang mangamoy ang estero ngunit hindi nila ito pinansin dahil puno pa ng basura. Gayunman, nang simulan ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglilinis sa estero, hindi pa rin naalis ang nakasusulasok na amoy hanggang sa hawakan naman ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang…

Read More