INAASAHAN ang panibagong bugso ng balasahan sa hanay ng senior officers ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ay upang punan ang nabakanteng pwesto ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia na nagretiro na noong Biyernes. Sa kasalukuyan, wala pang inihahayag na kapalit sa nabakanteng pwesto ni Sermonia bilang Number 2 man ng PNP, ang pinakabatang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’89. Ilan sa mga opisyal na inaasahan o posibleng humalili ang Number 3 man ng PNP…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Senado laban-bawi RESO SA ECONOMIC CHA-CHA TULOY NA
MISTULANG naglaban-bawi ang mga senador sa pagsusulong ng Resolution of Both Houses 6 para sa pagbabago sa economic provision ng Konstitusyon. Matatandaang noong isang linggo, iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayorya na ng mga senador ang malamig sa pagtalakay ng RBH 6 dahil sa patuloy na pangangalap ng pirma para sa Charter change. Subalit, nitong Lunes, sinabi ni Senador JV Ejercito na itutuloy nila ang pagtalakay sa resolusyon upang ipakita sa mga kongresista na tumutupad sila sa napagkasunduan. Sinabi ni Ejercito na matapos ang pulong nila kay…
Read MoreSIGNATURE BUYING PROBE NG SENADO IBOBOYKOT NG KAMARA
WALANG plano ang mga opisyales at miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na dumalo sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa signature-buying umano sa isinusulong na People’s Initiative (PI). Ito ang kinumpirma ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe matapos silang imbitahan ni Sen. Imee Marcos, chairperson ng Senate committee on electoral reform sa pagsisimula ng imbestigasyon ngayong araw, Martes. “While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow…
Read MoreMARCOS NO COMMENT SA PATUTSADANG ‘BANGAG’ NI DUTERTE
HINDI direktang tinugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay addict at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa ambush interview kay Pang. Marcos bago ito lumipad patungong Vietnam, tinawanan lamang ng Presidente ang alegasyon. “I won’t even dignify,” aniya. Kasabay nito, hiniling ni Marcos Jr. sa mga doktor ni Duterte na alagaan itong mabuti dahil sa masamang epekto ng Fentanyl dito. “I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly…
Read More‘HAKOT SYSTEM’ ESTILONG MACOY, BITBIT NI JUNIOR
BUMALIK sa alaala ng mga Pilipino ang estilo ng ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Ferdinand Sr., dahil sa paghahakot umano nito ng mga tao para dumalo sa Bagong Pilipinas rally sa Luneta kahapon. Ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, hindi katanggap-tanggap na iniistorbo ni Marcos Jr., ang mga manggagawa sa kanilang pahinga para dumalo sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas. Sinabi ng dating mambabatas na nakarating sa Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) na kanyang dating pinamumunuan ang mga…
Read MoreLIBONG LIDER NAKIISA SA HAKBANG NG MAISUG SA DAVAO
LUMARGA kahapon ang kauna-unahang ‘Hakbang ng Maisug (matapang)’ leaders sa Davao City nitong Linggo. Tinatayang mahigit isang libong lider ang nagtungo sa Grand Menseng Hotel kung saan idinaos ang forum upang talakayin ang iba’t ibang usapin kabilang ang kontrobersiyal na People’s Initiative (PI). Kabilang sa mga nagsalita si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez, na umapela sa publiko na huwag magpasilaw sa salapi. Hindi aniya dapat pumirma ang sinoman kahit pa may katapat na maliit o malaking salapi kapalit ng kanilang pagpabor sa PI. Aniya, napakahirap tumahimik at manahimik sapagka’t…
Read MoreKAMARA AT SENADO TULOY SA BAKBAKAN
MISTULANG lumalala ang bakbakan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa Charter change sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI) matapos akusahan ng isang kongresista ang mga senador na ayaw lumabas sa kanilang ‘comfort zone” at pakinggan ang mga tao. Bukod dito, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na hindi ang taumbayan ang pinoprotektahan ng mga senador kundi ang mga oligarch dahil sa patuloy na pagtutol ng mga ito na amyendahan ang 1987 Constitution. “Some Senators feign support for Cha-cha but exploit every opportunity to halt it. They…
Read MoreWORDS, WORDS, WORDS NG SENADO TINAPATAN NG WORK, WORK, WORK NG LOWER HOUSE
DAHIL sa “work, work, work” attitude ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, 100% naipasa ng Lower House ang LEDAC at SONA bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. habang mistulang naging Slower Chamber ang Senado na naging abala ang ilang lider sa “words, words, words” kaugnay sa isyu ng pag-amyenda sa Konstitusyon, ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. “Kami sa Lower House tapos na ang assignment. Wala kaming back subjects kaya wala ring constitutional crisis. Ewan ko ang Senado na mahilig ang ilang miyembro sa words,…
Read MoreGAWANG PINOY IBINASURA SA PUVMP
(BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroon mang nakinabang sa Public Utility Vehicle Modernization Program (MUVMP), ito ay ang mga dayuhang korporasyon na nag-supply ng modernong sasakyan kapalit ng mga traditional na pampasaherong jeep. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on transportation hinggil sa PUVMP na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng tatlong buwan upang magkaroon ng karagdagang panahon ang mga tsuper at operator na mag-consolidate. Ayon kay Kabataan party-list Rep.Raoul Manuel, 93% sa mga biniling modern PUV models ay hindi gawa ng Pilipino kundi inangkat sa iba’t ibang…
Read More