AABOT sa 50,000 katao sa iba’t ibang parte ng bansa ang inaasahang lalahok sa isang multi-sectoral prayer rally sa Linggo para i-protesta ang paggamit ng mga programa at pondo ng gobyerno upang hikayatin ang mga botante na pirmahan ang mga dokumento para sa pagbabago ng Saligang Batas bilang pagpapamalas ng pagsuporta rito. Sa kanyang privilege speech nitong linggo, nanawagan si Davao Third District Councilor Conrado C. Baluran sa buong bansa na sumali sa naturang prayer rally na tinawag na “One Nation, One Opposition” at pangungunahan ng mga pinuno at opisyal…
Read MoreCategory: NASYUNAL
RED-TAGGING HINDI BAHAGI NG PATAKARAN NG GOBYERNO – DOJ
NILINAW ng Department of Justice (DoJ) na hindi bahagi ng patakaran ng gobyerno ang red-tagging. Ito ang sinabi ni DoJ Undersecretary Raul Vasquez kasunod ng pangamba tungkol sa red-tagging, media killing at impunity sa ginanap na closed door meeting kasama ang mga opisyal ng ahensya nitong Miyerkoles. Tinugunan ni United Nations Special Rapporteur on Freedom of Expression at Opinion Irene Khan ang mga alalahanin tungkol sa mga nabanggit na isyu. Aniya, mas abot ng Justice department sa civil society organizations pagdating sa paghawak ng mga kaso ng mga biktima ng…
Read MoreQUIBOLOY HINAMON LUMANTAD SA SENADO
HINAMON ni Senador Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy na lumantad na lamang sa Senado at harapin ang imbestigasyon sa kanya. Ito ay kasunod ng inilabas na audio recording ni Quiboloy kung saan tinawag nitong bogus ang pagdinig ng Senado sa mga umano’y pang-aabusong ginawa niya sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Sinabi ni Hontiveros na pinaghahandaan nila ang susunod nilang pagdinig kaya’t kung handa anya si Quiboloy ay mas maiging magpakita na lamang ito sa Senado. Ipinaalala ng senadora na si Quiboloy ang sentro ng mga paratang…
Read More‘Big donor’ ni BBM dapat nang magbitiw PCSO MATUTUYUAN NG PONDO KAY ROBLES
NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maubusan ng pondo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapag hindi nag-resign si General Manager Mel Robles dahil nawawalan na ng tiwala ang mga tao sa lotto. “Now, people apparently distrust the whole system. Without them betting, how can PCSO raise funds for the poor Juan dela Cruz who needs medicine, food and government care? PCSO’s credibility is now tainted because of poor management,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers. Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil may mga…
Read MorePBBM: EPEKTIBONG TRANSPORT SYSTEM SOLUSYON SA TRAPIK
MAHALAGA ang isang epektibo at episyenteng public transport system para tugunan ang traffic congestion sa bansa. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para mapagaan ang pagdurusa ng mga mananakay kabilang na rito ang ayusin ang Pasig River Ferry stations. Ang mga maaapektuhang informal settlers dahil sa plano na ito ng gobyerno, ayon sa Pangulo ay kagyat na ire-relocate. “There is a plan already. Nakapag-identify na kami sa Pasig River. Nakapag-identify na kami ‘yung tinatawag na transition areas where magtatayo tayo ng temporary lodging…
Read MoreCONCON HINDI HUWAD NA PI – MANGGAGAWA
TINAWAG ng Kilusan ng mga Manggagawang Socialista na huwad ang People’s Initiative na pinapipirmahan ngayon para amyendahan ang Artikulo XVII Section 1 ng 1987 Constitution. Itinuturing din ng grupo na Trapo Initiative ang pagpapapirma at hindi ang tunay na diwang inisyatiba ng mamamayan. “Lantad sa mamamayan ang papel ng mga congressman sa signature campaign na ito. Mga tauhan nila ang umiikot sa komunidad para makakalap ng pirma, ang bayad para sa mga lider na makakapagpapirma ay galing sa mga Congressman, at may paayuda pang bigas para mabilis na mapapirma ang…
Read MoreNakalap na lagda sa PI higit 3% na WALA NANG ATRASAN SA CHA-CHA
MISTULANG hindi natinag ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pag-atras ng Senado sa Charter change (Cha-cha) bagkus ay kumpiyansa ang mga ito na maaamyendahan pa rin ang 1987 Constitution dahil lagpas na umano sa 12 percent ang nakalap na lagda para sa People’s Initiative (PI). Sa isang panayam, kinumpirma ni Albay Rep. Joey Salceda sobra-sobra na umano sa 3% ang lagdang nakalap sa bawat congressional district sa buong bansa kaya wala na umanong atrasan ang PI. “Point of no return na ‘yan (PI),” ani Salceda at kahit tanggalin…
Read MoreMarcos pinakikilos BANGGAAN NG KAMARA AT SENADO AGAPAN
MAWAWALA ang atensyon ng gobyerno sa mga pangunahing problema ng bansa kapag hindi namagitan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Senado at Kamara na nagkokomprotahan na sa usapin ng Charter change (Cha-cha). “The brouhaha on Charter change has pushed the Senate and the House of Representatives into a confrontation which is divisive and disruptive,” pahayag ni Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman. Nangangamba ang mambabatas na tuluyang sasabog ang banggaan ng dalawang kapulungan lalo na kapag itinuloy ang People’s Initiative (PI). Dapat aniyang pahupain ang mga…
Read MoreKontrata sa e-lotto hokus-pokus? MARCOS NGANGA KAY ROBLES
HARAP-HARAPANG binalewala ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang solohin nito ang desisyon na ituloy ang online lotto o e-lotto. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, matinding pagbalewala ang ginawa ni Robles kay Marcos nang ituloy nito ang kontrata sa Pacific Online Systems Corporation (POSC) na walang basbas ang Pangulo at hindi rin pabor ang Office of Government Corporate Counsel (OGCC). Sa ilalim ng PCSO at POSC contract, napagkasunduan na magkaroon ng isang taong test-run sa e-lotto…
Read More