IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagsasaayos sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa layuning palakasin ang pangangalap ng impormasyon ng ahensiya para matiyak ang national security sa gitna ng pabago-bagong mga banta. Nakasaad sa Executive Order No. 54 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may pangangailangan na i-reorganisa ang NICA para maka-adopt sa umuusbong at pabago-bagong banta pagdating sa national security. Ang NICA, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay nilikha sa pamamagitan ng EO No. 246 (s. 1987). Sa bagong EO, ipinag-utos nito ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ILANG UMANO’Y BIKTIMA NI QUIBOLOY HUMARAP SA SENADO
HUMARAP sa pagdinig ng Senate committee on women, children and family relations ang ilan pang sinasabing nabiktima ng pang-aabuso umano ni Pastor Quiboloy. Sa pagdinig ng komite sa pangunguna ni Senador Risa Hontiveros, emosyonal at detalyadong isinalaysay ni alyas Amanda ang naging karanasan noong siya ay maging miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Ayon kay alyas Amanda, nagsimula siyang maging miyembro ng KoJC noong siya ay 10 taong gulang pa lamang kung saan siya naatasang mamalimos at magbenta ng kung anu-ano. Makalipas ng ilang taon ay nahikayat si Amanda na…
Read MoreMGA KONGRESISTA BANGGAAN NA SA CHA-CHA
TATLONG grupo na ang nagbabanggaan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa Charter change (Cha-cha). Kahapon ay binakbakan ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos tawagin “politico initiative” ang People’s initiative. Itinuro rin umano ni Alvarez si House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng PI para amyendahan ang 1987 Constitution partikular na ang economic provisions. “Former Speaker Alvarez’s allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People’s Initiative’ without a…
Read MoreROMUALDEZ NILAGLAG NG KAPWA KONGRESISTA
MISTULANG nilaglag ng kanyang kasamahan sa Kamara si Speaker Martin Romualdez kaugnay sa pangangalap ng lagda para sa isinusulong na Charter change. Ito ay matapos kumpirmahin ni Senador Ronald Bato dela Rosa na itinuro ng isang kongresistang kanyang nakausap na utos ni Romualdez ang pangangalap ng mga lagda para sa People’s Initiative. Sinabi ni dela Rosa na humingi pa ng paumanhin sa kanya ang isang mambabatas na nakausap niya dahil sumusunod lamang umano sila sa atas. Tumanggi naman ang senador na tukuyin kung sino ang kongresista na kanyang nakausap. Kinumpirma…
Read MoreE-LOTTO CONTRACT NG PCSO IIMBESTIGAHAN NG KAMARA
LALONG sasakit ang ulo ni Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Melquiades Robles dahil mag-iimbestiga ang Kongreso sa e-lotto contract na pinasok nito sa Pacific Online Corporation. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nakarating sa kanyang kaalaman na ang kontratang pinasok ng PCSO sa pamamagitan ni Robles sa nasabing e-lotto operator ay hindi inaprubahan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) dahil hindi pabor sa gobyerno. Gayunpaman, itinuloy ni Robles ang kontrata na naging kontrobersyal matapos ihayag ng PCSO na ang nag-iisang nanalo sa P640…
Read MoreTiwala ng tao sa Lotto nabahiran ROBLES MAG-RESIGN KA NA!
“PUBLIC office is a public trust. When people have lost their trust in you, delicadeza at the very least should drive you to resign.” Ito ang mensahe ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa gitna ng alegasyon na mina-magic ng mga ito ang lotto at walang totoong nanalo sa malalaking premyo. Nagsimulang magduda ang mga tao sa lotto draw dahil tanging sa Pilipinas lamang umano nangyayari na maya’t maya ay may nananalo lalo na kapag malaki na ang…
Read MoreEX-TIAONG MAYOR KINASUHAN SA OMBUDSMAN
SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical standards for Public officials and employees si dating Mayor Ramon Preza ng Tiaong, Quezon. Tumanggi naman itong magbigay ng pahayag sa mga mamamahayag nang dumating sa tanggapan ng Ombudsman kahapon ng hapon para dumalo sa clarificatory hearing. Ang isinagawang preliminary investigation ay bunsod ng mga kasong isinampa ni incumbent Vice Mayor Roderick Umali laban kay Preza. Inakusahan ni Umali si Preza na diumano’y gumamit ng impluwensya…
Read MoreMay kakayahang magpondo – Kabataan CHA-CHA PAKANA NI MARCOS JR.
(BERNARD TAGUINOD) PINANGALANAN ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nasa likod ng Charter change (Cha-cha) na bagama’t economic provisions lang ang ipinalabas na aamyendahan ay posibleng galawin maging ang political provisions para sa term extension ng mga politiko. Ginawa ni Kabataan party-list executive vice president Louise Co ang pahayag matapos kumpirmahin ni Albay Rep. Joey Salceda ang isiniwalat ng mga ito na timeline sa Cha-cha sa pamamagitan ng People’s Initiative. “Mula sa pagkumpirma sa timeline, lumilitaw na marching order galing sa…
Read MoreDOH HUB IKAKALAT
IKAKALAT ng Department of Health (DoH) ang 28 primary care facility para may access ang publiko sa serbisyong-pangkalusugan sa buong bansa. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, tatawaging National Ambulatory and Urgent Care Facility ang health hub na ito na ikakalat sa mga estratehikong bahagi ng bansa upang maabot ang mga komunidad na kulang sa mga ospital. Ang ideya na ito ay para i-decongest ang mga regional na ospital kung saan may mahabang pila ng mga pasyente. Marami ang nagrereklamo na ang mga ospital na ito ay nag-aalok ng kumpletong…
Read More