Suporta ng taumbayan hiningi ng grupo ng kasundaluhan KATOTOHANAN SA HALALAN 2022

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

NANAWAGAN ang grupo ng mga sundalo sa mga Pilipino na magsama-sama at suportahan ang anila’y laban ng TNTrio upang lumabas ang katotohanan sa halalan noong 2022.

Sa nilagdaan nilang “Manifesto for Truth and Justice”, nanawagan ang grupo na magkaisa bilang iisang boses na naghahangad ng katotohanan at hustisya.

Ang manifesto ay nilagdaan ng mahigit isandaang retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines kabilang sina ret. MGen. Glenn Rabonza ng Philippine Army, ret. MGen. Reynaldo Reyes ng PAF, Capt. David Santiago ng PAF at mga miyembro ng UPROTC.

Anila, bilang freedom loving and concerned citizens, hindi dapat manatiling nakatingin lamang ang bawat isa habang nakokompromiso ang demokrasya.

Sinusuportahan anila nila ang TNTrio sa kanilang matapang na pagkilos para sa transparency and accountability sa halalan noong 2022.

Ang nakaraang mga pangyayari ay nagdulot anila ng pagdududa sa integridad ng electoral process, na banta sa soberanya ng bansa. Ngayon anila ay higit na kailangang magsama-sama para sa paghahanap ng katotohanan.

Anila, nananawagan sila na maipatupad ang People’s Mandamus na obligahin ang Commission on Elections na ilabas ang tunay na Transmission Logs at hindi ang Reception Logs.

May karapatan anila ang bawat Pilipino na malaman ang buong katotohanan hinggil sa May 2022 elections. Sa pamamagitan ng paglabas ng tunay na Authenticated Transmission Logs, makatitiyak anila sila na ang tunay na kagustuhan ng mamamayan ang namayani.

Nauunawaan anila nila ang kahalagahan ng transparency, honesty, and adherence sa Automated Election Law. Kung wala ang vital components na ito, nanganganib ang demokratikong proseso.

Ang paglabas anila ng True Transmission Logs ay hindi lamang bagay na kailangang tuparing legal na obligasyon, kundi simbolo ito ng pangako na mapanatili ang kahalagahan ng demokrasya.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa lahat ng freedom-loving Filipinos na lumahok sa kanilang marangal na hangarin – sa pamamagitan ng paglagda sa People’s Mandamus.

“By signing this People’s Mandamus, we affirm our unwavering support for TNTrio and their fight for truth. This is not just their battle; it is our battle. Together, we can make a difference and restore faith in our democratic processes,” pahayag pa ng grupo.

“Let our voices reverberate across the nation, echoing our unwavering commitment to transparency, accountability, and the right to know the truth. Let us show the world that the Filipino spirit cannot be silenced, that our democracy remains strong, and that justice will prevail.”

“Join us, fellow Filipinos, in this historic fight for truth and justice. Our unity will be our strength, and our resilience will see us through. Together, with TNTrio and all those who believe in a democratic Philippines, we will emerge victorious,” bahagi pa ng kanilang manifesto.

250

Related posts

Leave a Comment