MAY standby fund umano ang Department of Agriculture (DA) na umaabot ng isang bilyong piso para magamit sa naging epekto ng Bagyong Egay sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular na sa Northern Luzon. Iniulat ito ni DA Assistant Sec. Arnel de Mesa, sa pagdinig ng House committee on North Luzon growth quadrangle ukol sa isinasagawang tulong ng gobyerno sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Egay. Sinabi ni De Mesa, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 billion na Quick Response Fund o QRF, para…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Kapag pumalpak ang Maharlika – solon ‘ULO’ NG ECO ADVISERS NI BBM PAGULUNGIN
IPALIT ang ulo ng mga economic adviser ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kapag pumalpak ang Maharlika Investment Fund (MIF) upang magkaroon ng hustisya ang taumbayan lalo na’t pera nila ang isusugal ng mga ito. Ito ang bahagi ng kontra-State of the Nation Address (SONA) ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi pinayagang ideliber noong Martes sa sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Since the MIF is now a fait accompli with the solid support of the presidential economic advisers, we hope it would succeed. However, once the Maharlika Investment…
Read MoreKung seryoso babala ni BBM sa smugglers – Hontiveros MGA SANGKOT SA SUGAR IMPORTATION KASUHAN
(DANG SAMSON-GARCIA) HINAMON ni Senadora Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na totohanin ang kanyang babala laban sa smugglers at hoarders sa pamamagitan ng agad na pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. Sinabi ni Hontiveros na kung seryoso ang Pangulo sa kanyang pahayag, dapat simulan ito sa mga sangkot sa smuggling ng asukal. Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang mga opisyal ng Department of Agriculture at iba pang opisyal ng executive department na nagpahintulot ng anya’y smuggling ng tone-toneladang asukal. Ipinaalala ni Hontiveros ang tatlong kumpanyang nagpasok sa…
Read MoreISA SA 18 NAG-RESIGN NA POLICE OFFICIALS BAGMAN NG QCPD CHIEF?
UMUGONG ang katanungang ito matapos makasama sa 18 police officials na tinanggap ng Pangulong Marcos ang pagbibitiw, ang pangalan ni Police Col. Fernando Reyes Ortega na sinasabing ‘bagman’ ni Quezon City Police District (QCPD) chief Brig. Gen. Nicolas Torres III. Kung matatandaan, 953 police officials mula sa full pledge colonel hanggang police generals ang pinagsumite ng ‘courtesy resignation’ noong Enero ng kasalukuyang taon. Ito’y upang mawala na nang tuluyan ang tinatawag na ‘ninja cops’ sa buong hanay ng Philippine National Police, ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos. Isang araw matapos…
Read MoreDEPED, PINUNA SA HINDI PAGBIBIGAY HALAGA SA EARLY CHILDHOOD CARE DEVELOPMENT
PINUNA nina Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian at Senador Risa Hontiveros amg Department of Education sa hindi pagbibigay halaga sa Early Childhood Care Development sa kanilang binabalangkas na reporma para sa basic education. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Gatchalian na nagtataka siyang hindi kasama sa Matatag Program at maging sa sinundan nitong Basic Education Reform ng DepEd ang Early Childhood Care Development. Ito ay sa kabila ng pahayag ng DepEd na mahalaga ang day care education dahil ito ang pundasyon ng pag-aaral. Binigyang-diin ni Gatchalian na…
Read MoreSolon kay Marcos Jr. BOSES NG MASA PAKINGGAN
HINDI nararamdaman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga tao sa baba lalo na ang mga manggagawa na patuloy na naghihirap sa mataas na presyo ng mga bilihin kaya initsapuwera niya ito sa priority measures na iprinisinta sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. “We call on President Marcos Jr. to touch some grass,” mensahe ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas. Walang binanggit ang Pangulo sa usapin ng dagdag na sahod ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.…
Read More‘Influence peddling’ talamak sa BBM admin P160-M SUHOL PARA SA DPWH PROJECT BINISTO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PATOK sa netizens ang parody video ng isang vlogger sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes na tinawag niyang “State of Nothing Achieved Address”. Sa mahigit isang oras na video ni Maharlika na mapapanood sa Youtube, bagaman hinaluan ng katatawanan ay seryoso naman ang mga isyu at pagbubunyag na inilahad nito. Kanyang inisa-isa ang aniya’y mga kabulastugan ng administrasyon at mga kasabwat nito at ang pambubudol ng pamilyang Marcos, Araneta at Romualdez. Hindi nakaligtas sa matalas na dila ni Maharlika ang panganay ng mag-asawang…
Read MoreKRISIS SA EDUKASYON, DAPAT TUTUKAN BAGO PA MAHULI ANG LAHAT
NANGANGAMBA si Senador Alan Peter Cayetano na kung hindi tutugunan ang nararanasan ngayong krisis sa edukasyon ay lalo pa itong lalala sa mga susunod na panahon. Sinabi ni Cayetano na nagdagdag ng dalawang taon ang bansa para maging K-to-12, subalit marami sa urban areas ngayon ay half-day ang classes kaya’t malinaw na napag-iiwanan na ang lebel ng pagkatuto ng mga estudyante. Sa loob anya ng tatlong taon ng COVID 19 pandemic, napag-iwanan na ang mga estudyante dahil panay ang modular, mahina ang internet connection at nahirapan sa distance learning. Subalit…
Read More95.7 PERCENT EMPLOYMENT RATE NA BINANGGIT NI PBBM SA SONA, KWESTYONABLE SA SENATE MINORITY BLOC
KINUWESTYON ng Senate Minority group ang datos na iprinisinta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa employment rate sa bansa. Sa kanyang SONA nitong Lunes, ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot na sa 95.7 percent employment rate, bagay na ikinagulat ng minorya. Dahil dito, nananawagan si Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III sa Office of the President na reviewhin ang datos na naibigay kay Pangulong Marcos. Ipinaliwanag ni Pimentel na ang 95.7 percent na employment rate ay nangangahulugan na ng full employment o lahat ng Filipino ay…
Read More