KAMARA TUTULONG SA GIYERA NI MARCOS VS SMUGGLING, HOARDING

TUTULUNGAN umano ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang giyera laban sa smuggling at hoarding sa bigas at iba pang produktong agrikultural. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Marcos kung saan nagdeklara ito ng giyera laban sa smugglers at hoarders na siyang dahilan ng pagtaas na presyo ng mga bilihin. “We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our…

Read More

SONA NI BBM DRAWING – TEVES 

MULING nagpakawala ng banat  si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr sa ikalawang naging  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naging taliwas ang mga sinabi ng pangulo sa bayan sa totoong kalagayan ng mas maraming Pilipino na naghihirap sa walang prenong pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Unang pinuna ni Teves ang pagkabigo ni Marcos Jr. sa pangako nitong magiging abot kaya ng Pinoy ang bigas ngunit ito ay mas lalo pang lumolobo kung kayat ang presyo ng bigas ay hindi…

Read More

21M kababaihan nilugmok sa kahirapan P20 BIGAS NI BBM BUDOL – SOLON

NAGING malinaw sa unang taon sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na budol ang ipinangako niyang gagawing P20 ang kada kilo ng bigas. Ayon sa Gabriela party-list, sa halip tuparin ni Marcos Jr., ang kanyang political promise na “Bangon Bayan Muli”, nilugmok pa nito ang mahigit 21 milyong kababaihan sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho, mataas na presyo ng bilihin at kawalan ng lupang magsasaka. Dismayado ang Gabriela na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa mababang kapulungan ng Kongreso kaya kasama ang mga ito sa nagsagawa ng…

Read More

SONA puro pantasya PINAS BOKYA KAY MARCOS

(BERNARD TAGUINOD) KUNG may nagbago man sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iyon ay ang logo ng streamers ng tradisyunal na pag-uulat sa bayan subalit sa kabuuan ay bigo sa kanya ang sambayanang Pilipino. Ganito inilarawan ni Partido ng Manggagawa (PM) national chairman Renato Magtubo ang ikalawang SONA ni Marcos kahapon dahil imbes gumanda ang buhay ng mga Pilipino sa unang taon ng kanyang pamumuno ay lumala pa ito. “Walang bago sa Pilipinas. Logo lang ang nagbago. All the social problems—poverty, inequality,…

Read More

BAGONG PILIPINAS IBINIDA NI MARCOS JR.

DUMATING na ang Bagong Pilipinas. Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod Quezon. Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the world-class Filipino workforce’s demonstration of love for their homeland.” “Every Filipino has unanimously risen to the…

Read More

KRIMEN AKTIBO SA AREA NG MPD STATION 1

TINAWAGAN ng pansin ng mga residente ng Tondo, Manila si Police Brigadier General Andre Perez Dizon hinggil sa mga krimen na nangyayari sa mga lugar na sakop ng Manila Police District – Station 1. Ayon sa mga nagrereklamo na tumangging magpabanggit ng pangalan, uso na naman ang nakawan, patayan at holdapan sa naturang lugar. Kamakailan, sunod-sunod umano ang krimen sa Tondo area kabilang ang tatlong insidente ng pamamaril sa permanent housing, Brgy. 128 at sa 105 sa Aroma Compound, Tondo. May nangyari ring pamamaril sa Mel Lopez Boulevard na kilala…

Read More

BAGYONG EGAY RAMDAM SA 8K BARANGAY

INILAGAY ng Department of National Defense (DND) sa ilalim ng Red Alert Status ang buong pwersa ng Office of Civil Defense (OCD) dahil sa epekto ng Bagyong Egay na palulubhain ng Habagat. Sa ulat ng OCD kahapon, nasa 8,000 barangay ang maaaring maapektuhan ng dalawang weather system na tatama sa bansa ngayong linggo. Ayon kay OCD spokesperson Edgar Posadas, nasa 6,748 barangay sa 10 rehiyon ang makararanas ng epekto ng typhoon Egay at Southwest Monsoon o Habagat kabilang ang Ilocos, Cordilleras, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Calabarzon, Bicol, Western Visayas,…

Read More

HUSTISYA IPINAGKAKAIT NI BBM SA PAMILYA NG WOD VICTIMS

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang humahadlang para maparusahan ang grupo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at makamit ng pamilya ng libu-libong biktima ng madugong war on drugs ang hustisya. Reaksyon ito ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares matapos isara nang tuluyan ni Marcos ang pintuan sa International Criminal Court (ICC) kasunod ng pagbasura ng nasabing korte sa kanilang apela kaugnay ng imbestigasyon sa drug war ni Duterte. “By refusing to cooperate with the ICC, the government is sending a message that it is not committed to upholding…

Read More

Approval wasak sa isyu na ‘weak leader’ at korupsyon MARCOS LAGAPAK SA 60%

(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK sa 60% ang approval rating ng administrasyong Marcos sa unang taon nito. Ito ang makikita sa ipinalabas na resulta ng Publicus Asia survey, sumasalamin sa 2% na pagbaba mula sa first quarter ng 2023. Ayon sa Manila-based political consultancy firm, makikita sa pigura na ang four-point na pagbaba mula sa 64% approval rating ay naitala sa last quarter ng 2022. Kapansin-pansin din ang pagbaba ng performance rating ni Marcos sa bawat quarter. Sa ikaapat na quarter noong 2022, nakapagtala ng 64% ang Pangulo. Sa unang quarter ng…

Read More