131 WPS FEATURES PAPANGALANAN NG PINOY

wps22

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng mga pangalang Pilipino sa 131 features ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng Executive Order No. 111 na inilabas noong Marso 26, inatasan ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na mag-update ng charts at mapa para maisama ang mga bagong pangalan. Obligado rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno at state institutions na gamitin ang mga ito sa opisyal na komunikasyon at dokumento. Saklaw rin ang edukasyon, kung saan inatasan ang Department of Education (DepEd),…

Read More

PAGBAGSAK NG BAHAGI NG KISAME SA NAIA T1, IKINABAHALA

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Raffy Tulfo sa pagbagsak ng bahagi ng kisame sa Arrival Extension Area ng NAIA Terminal 1, kung saan pito ang nasaktan. Sinabi ni Tulfo, chairperson ng Senate Committee on Public Services na sa mga ganitong pangyayari, mahalaga ang agarang aksyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga biktima, gayundin ang tulong na ipagkakaloob sa kanila. Kasabay nito, ipinaalala ng senador sa Department of Transportation gayundin sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maging proactive at tiyakin na sumusunod sa mga itinakdang safety standards ang…

Read More

IRAN TALKS PARA SA LIGTAS NA PAGDAAN NG PH-BOUND VESSELS TINITINGNAN NI PBBM

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng high-level engagement sa Iran upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barkong may dalang langis patungong Pilipinas sa Strait of Hormuz. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng kaukulang hakbang kaugnay nito. Sinabi rin ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro na plano niyang makipagpulong sa Iranian Ambassador to Manila na si Yousef Esmaeil Zadeh upang matalakay ang seguridad ng mga oil tanker na…

Read More

PAGCOR: GOV’T WORKERS PWEDE SA HOTEL, CASINO PERO BAWAL MAGSUGAL

NILINAW ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na limitado lamang sa pagsusugal ang ipinagbabawal sa mga opisyal at kawani ng gobyerno sa mga hotel at casino. Sa idinaos na memorandum of agreement (MOA) signing sa Data Sharing of Profiles kasama ang Department of Justice (DOJ), sinabi ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na hindi ipinagbabawal ang pagpasok ng mga government employee sa naturang mga establisimyento. Ayon kay Tengco, maaari silang kumain, mamasyal, o manood ng entertainment shows sa loob ng hotel at casino complexes. Gayunman, binigyang-diin niya na hindi dapat…

Read More

304K PIRMA PARA KAY DATING PANGULONG DUTERTE, INIHARAP SA SC

supreme court12

MULING dumulog sa Supreme Court ang mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte upang igiit ang agarang resolusyon sa mga petisyon kaugnay ng kanyang kaso. Pinangunahan ni Senator Robin Padilla ang paghahain nitong Lunes, Marso 30, kasama ang mga supporter na nakalikom umano ng 304,000 pirma sa kampanyang “Tay, Kami Naman.” Ayon kay Joey Cruz, kusang-loob ang mga lumagda at umaasang kikilos ang Korte Suprema upang maibalik si dating Pangulong Duterte sa bansa. Iginiit naman ni Senator Padilla na dapat dinggin at resolbahin ng hukuman ang mga inihain nilang petisyon.…

Read More

REKLAMO LABAN KAY ESCUDERO, PINAG-AARALAN NG SC

PINAG-AARALAN na ng Supreme Court ang reklamong inihain laban kay Senator Francis Chiz Escudero kaugnay ng umano’y paglabag sa P30-milyong campaign donation. Sa En Banc Resolution, kinatigan ng mga mahistrado ang petition for review na inihain ni John Barry Tayam. Hiniling ni Tayam na baligtarin ang naunang desisyon ng Commission on Elections Political Finance Affairs Department na nagsabing walang paglabag si Senador Escudero sa Omnibus Election Code. Nag-ugat ang reklamo sa alegasyon na tumanggap umano ng donasyon ang Senador mula sa isang contractor para sa flood control projects. Sa ngayon,…

Read More

ENERGY SECURITY PINALALAKAS SA GITNA NG GLOBAL OIL VOLATILITY – RECTO

Pinalalakas ng pamahalaan ang energy security ng bansa sa gitna ng pabagu-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Sa isang pahayag, sinabi ni Ralph Recto na nagbubunga na ang “synergy of public-private efforts” na ipinag-utos ni Pangulong Marcos. Aniya, tiniyak ng mga oil company ang sapat at matatag na suplay ng langis sa kabila ng global uncertainty. Kabilang sa mga hakbang ang pag-secure ng parehong traditional at alternative fuel sources, gayundin ang pagdating ng oil shipments mula sa Russia. Ayon kay Recto, nakapag-order ang isang kompanya ng 1.04 milyong bariles…

Read More

BALASAHAN SA GABINETE ITINANGGI NG MALAKANYANG

Sinabi ng Malakanyang na wala pang planong magpatupad ng reshuffle sa gabinete ni Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Claire Castro, nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanyang mga kalihim. “Hindi pa po naipapaabot sa atin kung mayroon sa ngayon,” ani Castro. Nauna rito, nanawagan ang grupong MANIBELA sa pagbibitiw sa puwesto ni Energy Secretary Sharon Garin, kaugnay ng umano’y panig nito sa malalaking kompanya ng langis sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Wala pang opisyal na pahayag si Garin hinggil sa naturang panawagan. Ayon…

Read More

MALACAÑANG INAARAL NA PANUKALANG FUEL PRICE FREEZE

oil

PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang panukalang price freeze sa petroleum products sa gitna ng pangamba sa epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangang balansehin ang panukala upang hindi maapektuhan ang anomang sektor. “Hindi po natin sinasabing hindi magpa-price freeze. Ang sinasabi po natin, ito ay aaralin,” ani Castro. Ang pahayag ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of national energy emergency sa halip na state of emergency, kaugnay ng nagpapatuloy na tensyon sa…

Read More