NAGSANIB-PWERSA ang hanay ng tinaguriang Pinklawan at militanteng mambabatas upang itulak ang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs at maging sa anti-insurgency campaign. Pinangungunahan nina Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima, Kabataan party-list Rep. Renee Co, Gabriela party-list Rep. Sarah Elago, Caloocan Rep. Edgar Erice, Albay Rep. Cielo Krisel Lagman, Kamanggagawa party-list Rep. Elijah San Fernando, ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr. ang paghahain ng House Bill 6686 o “Truth Commission on Extrajudicial Killing Act.” Kasabay nito,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PASSPORT NI ZALDY CO KANSELADO NA
KANSELADO na ang pasaporte ni dating Ako Bicol partylist representative Zaldy Co, ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang video message kaugnay ng imbestigasyon sa mga kwestiyonableng flood control projects. “Maibabalita ko po sa inyo na ang passport po ni Zaldy Co ay kanselado na,” anunsyo ng Pangulo, na iginiit na hindi pwedeng magtago sa abroad ang mga hinahabol ng pamahalaan. Inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at PNP na makipag-ugnayan sa mga embahada sa iba’t ibang bansa upang bantayan ang galaw ng mga sangkot.…
Read MoreTRAVEL AUTHORITY NI POLONG HINAHARANG
UMAPELA si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na huwag payagan ang hinihinging travel authority ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte para sa pagbiyahe sa 17 bansa habang naka-sesyon pa ang Kongreso. “Nananawagan tayo sa Speaker na huwag naman pahintulutan iyan kasi tingin ng publiko abuso ito eh, na pinapasuwelduhan ang mga elected representatives bilang public servant,” sinabi ni Tinio sa isang ambush interview kahapon. Sa liham ni Duterte kay Dy, nakasaad na bibiyahe siya mula December 15, 2025 hanggang February 20,…
Read MorePanukala i-certify muna PBBM HINAMON PATUNAYAN NA SERYOSO SA ANTI-DYNASTY
HINDI nakaramdam ng excitement ang ilang mambabatas sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iprayoridad ng Kongreso ang apat na panukalang batas, kabilang ang anti-political dynasty bill, hangga’t hindi niya ito sertipikahan bilang urgent. Sa magkakahiwalay na pahayag, hinamon nina Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña, Kabataan party-list Rep. Renee Co, at Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima si Marcos na patunayan ang kanyang sinseridad sa pamamagitan ng paglalagay ng sertipikasyon sa mga panukala. “The President should show his sincerity. Hindi sapat na ‘i-prioritize’ lang. He should…
Read MoreSigaw ng Manibela: PAYOLA SA LTO, LTFRB UGAT NG ‘PARALISADONG NCR’
KULTURA ng payola at talamak na kotong sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) umano ang dahilan kung bakit huminto ang biyahe ng libo-libong jeepney ngayong Martes, Disyembre 9, hanggang sa ika-11. Ayon sa transport group na Manibela, hindi modernization lang ang problema dahil “kayabangan” at katiwalian sa ahensya ang tunay na nagpapahirap sa mga tsuper. Sa social media posts ng grupo, mababasa ang: “Walang bumiyaheng Jeep, Paralisado ang NCR!” Giit nila, minamaliit ang jeepney driver, kahit ito ang bulsa-friendly na masasandalan ng ordinaryong…
Read MoreNaggalit-galitan sa imbestigasyon, mga ‘kasabwat’ pala BICAM SIGNATORIES SA P60-B PHILHEALTH FUNDS RAID PANAGUTIN
IGINIIT ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na panagutin ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee (Bicam) na lumagda sa 2024 national budget, dahil sila umano ang nagbukas ng daan para maalis ng Malacañang ang P60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Inilabas ng grupo ang pahayag kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang paglilipat ng naturang pondo, kaya nararapat umanong managot ang mga responsable sa nasabing probisyon. “Sino ang dapat managot sa illegal transfer ng P60B PhilHealth funds? The answer is clear:…
Read More‘KUDETA’ SA KAMARA HINDI MAMATAY
BAGAMA’T lumamig ang isyu ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tuloy pa rin ang regional bloc congressmen sa paglalabas ng manifesto ng pagsuporta kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III. Kahapon ay huling naglabas ng manifesto ang 39 Visayan bloc congressmen sa liderato ni Dy na naluklok sa pwesto noong September 17, 2025 bilang Speaker matapos mag-resign si dating Speaker Martin Romualdez sa gitna ng anomalya sa flood control projects kung saan nakaladkad ang kanyang pangalan. “With full responsibility to our constituents and fidelity to our oath,…
Read MoreCONGRESS: SC DECISION MAHALAGA SA NEXT MOVE SA VP IMPEACHMENT
KINALAMPAG ng isang House leader ang Korte Suprema upang agad resolbahin ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng Kamara kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na una nang idineklarang unconstitutional. Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon, mahalagang maglabas na ng pinal na desisyon ang Korte Suprema upang maliwanagan ang Kongreso at publiko sa susunod na mga hakbang kaugnay ng impeachment proceedings. “We urge the Supreme Court to decide on the matter with finality, in order for constitutional bodies such as the House and…
Read MoreTuwing ikatlong Miyerkoles ng Hunyo NATIONAL PULMONARY REHABILITATION DAY
ITINAKDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ikatlong Miyerkoles ng Hunyo ng bawat taon bilang “National Pulmonary Rehabilitation Day” upang mapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa pulmonary rehabilitation bilang paggamot para sa mga pasyenteng may chronic respiratory diseases (CRDs). Batay sa Proclamation No. 1104 na nilagdaan noong December 4, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang palakasin ang mga programa at impormasyon hinggil sa nasabing therapeutic intervention, partikular para sa mga sakit na kaugnay ng paninigarilyo at vaping. Ayon sa Department of Health (DOH), mahalagang “itaas ang public knowledge and appreciation…
Read More