IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat magtapos sa pag-apruba at paglagda bilang batas ang pagbabantay ng publiko sa panukalang budget kundi dapat magpatuloy hanggang sa mismong pagpapatupad nito. Sinabi ni Lacson na bagama’t binantayan ng mga religious at civil society group ang mga pagtalakay sa bicameral conference committee sa pagbuo ng panukalang badyet, ang susunod na hamon ay tiyakin kung paano gagastusin ng ehekutibo ang pera ng taumbayan sa 2026. Idinagdag ng senador na bagama’t karamihan sa kanyang mga kasamahan sa Senado ay kapareho…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SANA ALL! P2-M BONUS NG BAWAT KONGRESISTA
NAKATANGGAP ng tig-dalawang milyong piso ang mga congressman bilang Christmas bonus kasabay ng pagratipika sa 2026 national budget kahapon. Isiniwalat ito ni Batangas Rep. Leandro Leviste kasabay ng pagkuwestyon niya sa P10.5 bilyong dagdag na pondo ng Kongreso para sa susunod na taon, kung saan mula sa dating P17.5 bilyon ay tumaas ito sa P27.7 bilyon, na aniya’y hindi dumaan sa public hearing. Dagdag pa ng mambabatas, buwan-buwan umanong tumatanggap ang bawat kongresista ng humigit-kumulang P1 milyon para sa operasyon ng kanilang tanggapan, bukod pa sa kanilang sahod na mahigit…
Read MoreDOLE: WALANG EXEMPTION SA LATE 13TH MONTH PAY
HINDI nagbigay ng exemption ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanyang nabigong makapagbigay ng 13th month pay sa itinakdang huling araw noong Bisperas ng Pasko. Muling nagpaalala ang DOLE sa deadline ng pagbibigay ng 13th month pay at wala nang tatanggapin pang anomang kahilingan para sa exemption o deferment kapag lumagpas sa nasabing petsa. Ayon sa ahensya, obligasyon din ng mga employer na magsumite ng report bilang patunay ng pagsunod, na dapat ipadala sa pamamagitan ng DOLE Establishment Report System (DERS). Babala pa ng DOLE, mahigpit na…
Read MoreEKONOMIYA, KORUPSYON NAGPALUBOG KAY PBBM
KABIGUANG tugunan ang pangunahing problema ng bayan ang nakikitang dahilan ng mga eksperto sa patuloy na pagsadsad ng trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa mga isyung tinukoy ng mga eksperto mula sa OCTA Research at iba pang political analysts ang tumataas na presyo ng bilihin, korapsyon, banggaan ng Marcos at Duterte camps, kawalan ng trabaho, at lumalalang kahirapan. Ayon sa kanila, nananatiling pinakamabigat na hamon ang ekonomiya. Ang patuloy na pagmahal ng bigas, gulay, kuryente, at gasolina ay direktang tumatama sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.…
Read MorePBBM siningil sa pangakong napako WALANG ‘BIG FISH’ NA NAGPASKONG HIMAS-REHAS
MISTULANG siningil ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa binitiwan nitong pahayag na may mga “malalaking personalidad” umanong magpapasko sa selda dahil sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Erice, hindi natupad ang pangako ng Pangulo dahil hanggang ngayon ay wala pa ring nakakulong na makapangyarihang politiko at tanging ang kontraktor na si Sarah Discaya ang naipakulong. “Does the President truly mean what he is saying?” tanong ng mambabatas. Bumuwelta rin si Erice ng panibagong tanong kasunod ng tuluyang pagguho ng Independent Commission for…
Read MoreCHRISTMAS BREAK: SESYON SA KAMARA BABALIK SA DEC 29 PARA SA BUDGET RATIFICATION
PORMAL nang sinuspinde kahapon ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Pasko. Gayunman, magbabalik-sesyon ang Kongreso sa Disyembre 29 upang ratipikahan ang 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon, bago tuluyang magbakasyon hanggang Enero 18, 2026. Sa kasalukuyan, nasa final stage of printing pa ang bicameral conference committee report sa pambansang pondo. Dahil dito, muling binago ang legislative calendar upang magbigay-daan sa posibleng pagdaraos ng sesyon ng dalawang kapulungan sa Disyembre 29 para sa ratipikasyon ng badyet.…
Read MoreRESO NG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA ACOP PINAGTIBAY SA KAMARA
BINIGYAN ng ilang minutong katahimikan at paggalang ang yumaong Antipolo 2nd District Congressman Romeo Acop sa sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon. Kasabay nito, pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) No. 601 na inakda nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, House Majority Leader Sandro Marcos, at House Minority Leader Marcelino Libanan upang ipahayag ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng namayapang mambabatas. “The passing of Honorable Romeo M. Acop is a great loss not only to his family, friends, colleagues, and the communities he served, but also to…
Read MoreMAY KALIDAD NA MGA PROYEKTO SA SUSUNOD NA TAON, TINIYAK NG DPWH
SINIGURO ni Public Works Secretary Vince Dizon na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magpapatupad ng mga proyektong imprastruktura na may “kalidad” sa susunod na taon. Sinabi ng kalihim, ang bawat proyekto ng ahensya — tulad ng mga tulay, kalsada, at ospital — ay magkakaroon ng tamang presyo nang hindi nakokompromiso ang kalidad at kaayusan nito. Binanggit ni Dizon ang ilang mga proyekto na gagawin nilang modelo sa susunod na taon, kabilang ang kamakailang pagtatapos ng Piggatan Detour Bridge sa Alcala, Cagayan, na natapos lamang sa loob…
Read MoreBAM, KIKO, RISA, GO AT MARCOLETA, ‘MOST FAVORABLE’ SENATORS SA Q4
TATLONG miyembro ng mayorya at dalawang mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng most favorable senator sa Pahayag 2025 End-of-Year (PEOY-2025) survey ng Publicus Asia. Nanguna sa listahan si Senador Bam Aquino na may 54 porsiyentong net favorable rating, habang nakakuha naman sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros ng 47 at 46 porsiyento, ayon sa pagkakasunod. Pasok sa top 5 sina Minority Senators Bong Go (42 porsyento) at Rodante Marcoleta (38 porsyento). Nilahukan ang survey ng 1,500 rehistradong botanteng Pilipino at isinagawa mula Disyembre 7…
Read More