27K PAMILYA APEKTADO NG ‘BISING’, HABAGAT – NDRRMC

TINATAYANG mahigit 27,000 katao sa tatlong rehiyon ang apektado ng pinagsamang epekto ng southwest monsoon o “habagat” at Typhoon Bising (international name Danas). Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sa kanilang 8 a.m. report, araw ng Lunes, may 27,401 ang naitalang apektadong pamilya o 82,548 indibidwal mula sa 14 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 3 (Central Luzon) at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa oras ng ulat, sinabi ng NDRRMC na may dalawang pamilya lamang o 9 katao ang nanuluyan sa dalawang…

Read More

‘Wag puro panghuhuli – Isko TRAFFIC ENFORCERS DAPAT UMALALAY SA MGA MOTORISTA

BINALAAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang traffic enforcers na magtino na at huwag puro lamang panghuhuli ang ginagawa. Sa unang flag raising sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila, partikular na binalaan ni Domagoso ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). “Magtino na kayo, siguro naman narinig na ng director ninyo na si Dennis Viaje na ang traffic enforcement is a traffic assistance hindi violation lagi ang hinahanap natin,” babala ng alkalde sa traffic enforcers. Binigyang babala ni Domagoso ang ilang MTPB na…

Read More

PILOT TESTING SA ‘WALANG GUTOM PROGRAM’ SINIMULAN SA TONDO

MAKABIBILI na ng halagang P20 kada kilo ng bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinimulan ang pilot testing ng programa sa Morsac Basketball Court, Barangay 69 sa Tondo, Manila kung saan bawat benepisyaryo ay makabibili ng hanggang 30 kilo ng bigas mula sa accredited retailers at Kadiwa ng Pangulo. Katuwang ng DSWD ang DA sa pagsasagawa ng pilot-testing na hindi lamang ikinasa sa Tondo kundi maging sa Cebu City at CARAGA. Sinabi ni DSWD Sec Rex Gatchalian, 900 ang retailer…

Read More

Dawit sa missing sabungeros POLICE COLONEL, 14 PA INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police na may 15 police officers ang isinailalim sa restrictive custody dahil sa posibilidad na may kinalaman sila sa pagkawala ng tinaguriang missing sabungeros. Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, labinglimang tauhan ng PNP ang hawak na nila sa Camp crame. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni Gen. Torre; “We have placed several personnel under restrictive custody pending the investigation on the missing sabungeros. We have partnered with NAPOLCOM (National Police Commission) for the in-depth investigation of this case to ensure…

Read More

LETTERS OF AUTHORITY AT MISSION ORDERS SA ADUANA SINUSPINDE

SA kanyang unang direktiba bilang bagong Bureau of Customs (BOC) chief, ipinag-utos ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na suspendihin ang pagpapatupad ng lahat ng naunang naaprubahan ngunit hindi naisilbing Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs). Sa kanyang memorandum na inilabas nitong nakalipas na linggo, sinabi ni Nepomuceno na naaangkop ang direktiba sa lahat ng LOA at MO na inisyu bago ang Hulyo 2, 2025, “That have yet to be served and covers all units under the Intelligence and Enforcement Groups.” Sa pinakahuling memorandum ng BOC, nag-utos din sa…

Read More

CALAMITY FUND AGAD IPINASA PARA SA MANILA FIRE VICTIMS

AGAD inaprubahan ng Konseho ng Maynila ang pagpapalabas ng calamity fund para sa mga biktima ng sunod-sunod na sunog sa lungsod, sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Chi Atienza. Inilagay sa state of calamity ang Barangay 439 at 448 para sa agarang pagpapalabas ng calamity fund ng mga barangay, na ilalaan para sa direktang tulong pinansyal sa mga residenteng nawalan ng tirahan. “Under my leadership, together with the entire council, we passed these resolutions to provide immediate support to the fire-affected barangays,” ani Atienza. Noong Hulyo 2, personal na binisita…

Read More

TECHNOLOGY GAGAMITIN SA PAGPAPAIKLI NG EDSA REHAB

PLANO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumamit ng bagong construction method para paikliin ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), itinuturing na ‘busiest thoroughfare’ sa Kalakhang Maynila. Sa isang panayam, sinabi ni DPWH-National Capital Region Director Engr. Loreta Malaluan na sinaliksik na ng departamento, sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr), ang mga “available road materials, procedures, and technologies that can be adapted to facilitate the implementation of the EDSA Rehabilitation Program in the shortest possible time.” Ito’y…

Read More

MABABANG INFLATION, DAPAT MAGRESULTA SA MAS MABABANG INTEREST RATES

HINIMOK ni Senator Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na samantalahin ang patuloy na mababang antas ng inflation sa bansa upang ipatupad pa ang mga karagdagang pagbabawas sa interest rates. Ayon sa senador, ang benign o kontroladong inflation noong Hunyo — na nanatili sa ilalim ng target range ng BSP — ay nagpapakita ng oportunidad para maglabas ng monetary rate cuts na maaaring magpasigla sa konsumo at magtulak ng mas matatag na paglago ng ekonomiya. “Sa patuloy na mababang inflation, umaasa tayong gagamitin ito ng BSP bilang pagkakataon…

Read More

Laguna Governor Sol Aragones inutos na alisin ang mga poste na naka hambalang sa mga highways sa Laguna

Iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones kina Provincial Administrator Jerry pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon, na linisin at alisin ang mga poste ng kuryente na nakausli at nakaharang sa mga kalsada sa kahabaan ng Los Baños upang maibsan ang daloy ng trapiko. Agad na Iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones kina Provincial Administrator Jerry pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon, na linisin at alisin ang mga poste ng kuryente na nakausli at nakaharang sa mga kalsada sa kahabaan ng Los Baños upang maibsan ang daloy ng trapiko,…

Read More