NACC NAGPASAKLOLO NA SA META PH VS BABY SELLING

UMAPELA ang National Authority for Child Care sa Meta Philippines na tumulong na masawata ang paglaganap ng bentahan ng mga sanggol sa pamamagitan ng social media partikular sa kanilang “Facebook”. Ito ay makaraan na isang sanggol ang nasagip ng NACC at Philippine National Police matapos na i-post at ibenta sa pamamagitan ng Facebook. Ayon sa NACC, nito lamang nakalipas na anim na buwan ay may natukoy na 12 Facebook groups na aktibong nagpa-facilitate ng “online baby selling” at may mahigit 200,000 followers. “I appeal to Meta PH to help us…

Read More

DRAINAGE MASTER PLAN BAGO HUKAY SA MAYNILA – ISKO

NILINAW ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na walang roadwork o infrastructure project ang papayagan sa kabisera ng bansa maliban kung sumusunod sa drainage master plan ng lungsod. Inilabas ni Domagoso ang direktiba sa isang coordination meeting kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kung saan muling binisita ang matagal nang naantala na drainage blueprint ng lungsod. Ang drainage master plan—na unang sinimulan noong unang termino ni Domagoso noong 2021 at natapos bago siya bumalik sa City Hall—ay maipatutupad na sa…

Read More

PAGSISID SA TAAL LAKE SINIMULAN NA NG PCG

PINASIMULAN na ng Philippine Coast Guard ang pagsisid sa ilalim ng Taal Lake para hanapin ang missing sabungeros na sinasabing pinatay at inilibing sa nasabing lawa. Ayon sa PCG, inumpisahan na nila ang preliminary search and retrieval operation para sa nawawalang mga sabungero na pangunahing layunin ay ma-validate ang salaysay ni Julie Patidongan, alyas “Totoy”, ang tinaguriang whistleblower sa kaso ng nawawalang mga sabungero. Mangunguna sa nasabing underwater search and retrieval operation ang Philippine Coast Guard, Department of Justice, at Philippine National Police. Bukod sa coast guard station sa Talisay,…

Read More

PAGSABOG SA GUN FACTORY, INIIMBESTIGAHAN NG DOLE

IPINAG-UTOS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa loob ng gun manufacturing company sa Barangay Fortune, Marikina City noong Lunes na kumitil ng buhay ng dalawang manggagawa at ikinasugat ng iba pa. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, partikular na inatasan ang DOLE-NCR na mag-imbestiga upang makapagbigay ng tulong sa mga manggagawa at para makabuo ng rekomendasyon upang matugunan ang sitwasyon at maiwasan ang katulad na pangyayari na maaaring maglagay sa panganib sa kaligtasan ng mga manggagawa. Sinabi ni Laguesma, ipatutupad ang Work Stoppage…

Read More

May pinakamaraming nahuli na wanted persons QCPD NANGUNA SA NCRPO

INIHAYAG ng Quezon City Police District (QCPD) na bilang bahagi ng pagtataguyod sa kapayapaan at kaayusan, ipinagmalaki nito na naitala ng QC Police sa pamumuno ni PCol. Randy Glenn Silvio, ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto ng mga wanted person mula Mayo 10 hanggang Hulyo 4, 2025, at nalampasan ang apat na iba pang distrito ng pulisya sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon pa sa ulat sa panahong ito, matagumpay na nahuli ng QCPD ang kabuuang 597 wanted na indibidwal. Kasama sa mga pag-aresto ang 348 Other…

Read More

P34K SHABU NAKUMPISKA SA BATANG DRUG COURIER

ISANG 11-anyos na batang lalaki na hinihinalang drug courier, ang nadakip makaraang makumpiskahan ng P34,000 halaga ng umano’y shabu na inilaglag nito sa kalsada sa Lungsod ng Bacolod. Ayon kay Police Captain Dax Santillan ng Bacolod City Police Station 7, itinurn-over sa kanila ng mga opisyal ng barangay ang suspek na taga-Barangay Singcang Airport, subalit napadpad sa Abada Escay, Barangay Vista Alegre ng naturang lungsod. Kuwento ng barangay kagawad na si Elizde Bernardino, napansin nila ang batang lalaki na kahina-hinala ang ikinikilos dahilan para kanila itong lapitan. Sa puntong ito,…

Read More

INAUGURAL SESSION SA IKA-20 SANGGUNIAN NG BATANGAS, AGAD NAGKAINITAN

TUMAGAL nang mahigit limang oras ang mainitang sagutan sa unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Nagharap dito si Bise Gobernador Dodo Mandanas at ang mga kaalyadong board member ni Governor-elect Vilma Santos Recto. Bagama’t tinalo ni Mandanas si Lucky Manzano sa laban para sa pagka-bise gobernador, nakuha naman ng kampo ni Gobernador Vi ang nakararaming puwesto ng mga board member sa Sangguniang Panlalawigan. Ramdam agad ang tensyon mula pa lang sa simula ng sesyon, lalo na nang pag-usapan ang Internal Rules and Procedures (IRP). Ilang beses na tinanggihan ni…

Read More

P30-M UNREGISTERED VAPE PRODUCTS NASAMSAM SA LAGUNA

LAGUNA – Tinatayang P30 milyong halaga ng hindi rehistradong vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF) sa Biñan City, Laguna. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Kert Lester Simbajon, Javer Dirampatun, at Romeo Cada dahil sa paglabag sa Section 4(d) at 18 ng Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), at Section 8 ng R.A. No. 11900 in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).…

Read More

PUMALAG NA KARNAPER SUGATAN SA PARAK

SUGATAN ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos tangayin ang motorsiklo ng isang estudyante noong Lunes ng gabi sa Caloocan City. Ayon sa ulat ni Caloocan Police OIC chief, P/Col. Joey Goforth, tinangay ng dalawang lalaki ang isang Yamaha NMAX motorcycle ng 34-anyos na babaeng residente ng Malabon City, habang nakaparada sa A. Mabini St., Brgy. 13, Caloocan City. Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 3 na agad nagsagawa ng follow-up operation hanggang maispatan nila ang mga suspek sa Baltazar St.,…

Read More