PAGTAMBAK NG SHABU SA PINAS SINADYA NG CHINA – AFP

HINDI INAALIS ng ilang mataas na mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na posibleng hindi lang negosyo ng international drug cartel ang motibo sa pagpupuslit ng tone-toneladang shabu sa Pilipinas kundi sinasadya ito ng China para wasakin ang isipan ng mga kabataang Pilipino. Sa ginanap na pulong balitaan ng AFP sa general headquarters ng Philippine Air Force nitong Martes, inihayag ni Navy Spokesman on West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi malayo na ginagawa ito ng China para sirain ang kaisipan ng ating mga kabataan. “It’s…

Read More

PH ITINAAS SA ALERT LEVEL 3 SITWASYON SA IRAN, ISRAEL

ITINAAS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Alert Level 3 sa Iran at Israel. Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang ligtas, napapanahon at maayos na pagbabalik sa bansa ng mga Pilipinong manggagawa na nais na mag-avail ng voluntary repatriation program. Sa kabilang dako, nakatakda namang tanggapin ni Secretary Hans Cacdac ng Migrant Workers (DMW), na kasalukuyang nasa Amman, Jordan, ang first batch ng 26 repatriates mula Israel at King Hussein Crossing. “In Israel, we…

Read More

DELIVERY RIDER TIMBOG SA P1.6-M MARIJUANA

ARESTADO ang isang delivery rider makaraang makumpiskahan ng P1.6 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics ng Pasig PNP noong Linggo ng madaling araw. Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy,” 27, na agad na inaresto matapos magbenta ng nasabing ilegal na droga sa isang undercover agent. Ayon kay Mangaldan, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Pasig PNP sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-2:45 ng madaling…

Read More

WANTED NA RAPE SUSPECT NALAMBAT SA MALABON

NADAKIP ng pulisya ang isang 45-anyos na lalaki na matagal nang wanted sa kasong panggagahasa sa Navotas City, nang matunton ito sa kanyang pinagtataguang lugar sa Lungsod ng Malabon. Napag-alaman, isang impormate ang nag-report kay Malabon City Police chief P/Col. Jay Baybayan na namataan sa lungsod ang puganteng si alyas “Nilo” kaya agad niyang iniutos sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang pagtugis sa suspek. Pinuntahan ng mga tauhan ng WSS ang tinutuluyang bahay ng suspek sa Sacrista St., Brgy. San Agustin at natiyempuhan dakong alas-11 ng…

Read More

DUTERTE YOUTH PL: PANATIKO NI DIGONG HINDI YOUTH REP

PANATIKO ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Duterte Youth party-list, ayon sa isa sa mga nominee ng Gabriela party-list na si Amihan secretary general Cathy Estavillo ukol sa kaso ng nasabing party-list group na kinansela na ng Commission on Elections (Comelec) ang registration. “Duterte Youth is a bogus party-list that not only lies about representing the youth sector but is also complicit in violence against it, through a history of relentless red-tagging, support for military presence and propaganda in schools, and its fanaticism for the fascist mass-murderer and criminal Duterte,”…

Read More

Pagkatapos ng joint US, Japan, PH coast guard exercise 2 JAPANESE DESTROYERS DUMAONG SA PILIPINAS

MATAPOS ng isinagawang joint coast guard exercises ng Japan, Estados Unidos at Pilipinas sa dagat na bahagi ng Kagoshima, Japan nitong nakalipas na linggo, dumaong naman sa Pilipinas ang dalawang Japanese destroyer ng Japan. Dumating sa Pilipinas ang dalawang malaking war ship ng Japanese Maritime Self-Defense Forces na layuning mas palakasin pa ang regional security sa pamamagitan ng pagsasagawa na continuous joint exercises kasama ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Indo-Pacific Region. Kasama sa mga layunin nito na higit na mapalalim ang tactical capacities ng JMSDF at maging ang pagbuo…

Read More

PNP-CIDG AT PNP ANTI-CYBERCRIME GROUP TUTULONG SA ONLINE LENDING APPS VICTIMS

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at maging ang PNP Anti-Cybercrime Group, na tumulong pagsisiyasat sa Online Lending Apps na inirereklamo ng naging mga biktima nito. Ito ay kasunod ng pagdulog ng nasa isang daang complainants ng ilang Online Lending Apps (OLAs). Hinala ng PAOCC, maaaring may koneksyon ang nagsusulputang online lending apps sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil ang mga nagmamaniobra nito ay pang-i-scam din ang ginagawa. Lubha umanong nakaaalarma ang paglabag nito sa karapatang pantao partikular sa data privacy act dahil…

Read More

MARAMING PERSONALIDAD SA LIKOD NG PAGPATAY SA MGA SABUNGERO – DOJ

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maraming personalidad ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero ng Laguna at Bulacan. Ayon sa kalihim, hindi bababa sa 10 na mga pangalan ang nabanggit sa kanya ni alyas Totoy at ilan sa mga ito ay kilalang personalidad. Si alyas Totoy ang isa sa mga akusado sa krimen at lumantad na whistleblower sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon pa sa kalihim, ang mahalaga sa ngayon desidido si alyas Totoy na ilabas ang kanyang mga nalalaman. Alam na rin…

Read More

OPISYAL NG BI SINIBAK SA PWESTO

INALIS na sa pwesto si Atty. Gilbert Repizo, ang chairman ng Board Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa rami ng mga reklamo sa pamumuno nito. Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Repizo sa isyu ng umano’y pamimilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3-bilyong e-gates project sa mga paliparan. Sa kabila ng kautusan, sinabi ni Repizo sa kanyang social media post na magpapatuloy siya sa pagre-report sa BSI. Sumulat din siya kay Justice Secretary Crispin Remulla kung saan in-invoke naman nito ang kaparehong Civil…

Read More