4 HVTs ARESTADO, DRUG DEN WINASAK NG PDEA

ROXAS CITY – Apat na high-value targets (HVTs) ang naaresto sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Sabado ng hapon, Oktubre 25, 2025, sa Sitio Railway, Barangay Punta Tabuc sa lungsod. Sa nasabing anti-narcotics operation na pinangunahan ng PDEA Capiz Provincial Office, katuwang ang Police Regional Intelligence Unit 6 – Capiz, ay nalansag din ang isang drug den. Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P225,000, kasama ng ilang non-drug items gaya ng marked money, lighter,…

Read More

MINOR PHREATOMAGMATIC ERUPTION NAITALA SA TAAL

MULING nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng isang minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal dakong alas-8:00 nitong Linggo ng umaga. Ngunit ayon sa Phivolcs, nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang nasa mababang antas ng pag-aalburuto at wala pang senyales ng malawakang pagsabog. Pero nagdulot pa rin ito ng pagkatakot sa mga nakasaksing residente. Noong Sabado ng hapon, isa ring minor eruption ang naitala dakong alas-5:31 ng hapon. Ayon sa ulat ng ahensya, ang naturang pagputok ay lumikha ng plume…

Read More

BENGUET REP. ERIC YAP, ‘PERSON OF INTEREST’ SA PALPAK NA FLOOD CONTROL PROJECT – REMULLA

TINUKOY ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Benguet Rep. Eric Yap bilang “person of interest” sa fully paid pero palpak na flood control project sa La Union — proyekto umano ng kumpanyang dati niyang pag-aari. Dawit din ang kapatid niyang si ACT-CIS Rep. Edvic Yap at si Bulacan Rep. Salvador Pleyto, matapos umanong makatanggap ng pera sa pamamagitan ng bank transfers mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, mga kontraktor na sangkot sa ghost at substandard projects. Ayon kay Remulla, lumitaw ang mga pangalan nina Yap at Pleyto matapos maghain…

Read More

NANG-ENGGANYO SA MGA PINOY PAPUNTANG LAOS, ARESTADO

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking itinuro ng apat na biktima ng human trafficking bilang utak ng pagre-recruit sa kanila papuntang Laos para magtrabaho bilang mga online scammer. Kinilala ng NBI ang suspek na si Jarwin Satinitigan, na ngayon ay nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment sa ilalim ng Republic Act (RA) 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, at qualified trafficking in persons sa ilalim ng RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Ayon sa NBI, ginamit…

Read More

Mahigit 60 ghost projects nadiskubre ng militar DPWH HUMINGI NG TULONG SA AFP SA PAGTUNTON SA 16,000 FC PROJECTS

TAHIMIK na kumikilos ang Armed Forces of the Philippines para hanapin at tumulong na masuri ang mahigit 16,000 flood control projects ng Department of Public Works and Highways. Ayon kay AFP chief of Staff, General Romeo Brawner, personal na humingi ng tulong sa Hukbong Sandatahan si DPWH Secretary Vince Dizon para tumulong sa paghahanap at pagsusuri sa 16,000 flood control projects sa pamamagitan ng mga pangalan ng mga proyekto at coordinates nito. Nabatid na umaabot na sa 60 ghost flood control projects ang nadiskubre ng AFP mula sa 800 proyekto…

Read More

The Philippine Coffee Board holds its first Coffee Sustainability Congress, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Chair of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, serves as keynote speaker at the 1st Philippine Coffee Sustainability Congress held in Makati City. The event gathers leaders from the public and private sectors, growers, and advocates to discuss sustainability, traceability, and innovation toward securing the future of Philippine coffee. 139

Read More

COMELEC HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA ICI

HANDANG makipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa isyu ng mga kandidato na tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor ng flood control projects ng pamahalaan. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, handa nilang ibigay ang lahat ng hawak nilang ebidensya na makatutulong para mapanagot ang mga kontratista at kandidatong tumanggap ng campaign donations mula sa government contractors. Ayon kay Garcia, sakaling makapagbigay na ng kumpirmasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpapatunay na mga kontratista ng gobyerno ang tumulong…

Read More

Sa government projects DPWH, PCC AT AMLC LUMAGDA PARA SA TRANSPARENCY

PALALAKASIN pa ng ilang ahensya ang transparency, integridad at accountability sa mga proyekto ng gobyerno, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasunod ito ng pagpasok sa kasunduan ang DPWH, Philippine Competition Commission (PCC), at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa DPWH Central Main Office sa Port Area, Maynila sa pagitan nina DPWH Secretary Vivencio B. Dizon, Undersecretary Ricardo P. Bernabe III, PCC Chairperson Michael G. Aguinaldo, at AMLC Executive Director Atty. Matthew M. David. Ayon sa DPWH, ito ang kauna-unahang kasunduan…

Read More

Rep. Ordanes, nanawagan ng exemption sa buwis para sa mga senior citizen na nagtatrabaho

Nanawagan si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabigyan ng tax relief ang milyun-milyong senior citizen na Pilipino na patuloy pa ring bahagi ng workforce. Inihain ni Rep. Ordanes ang House Bill No. 2563 o ang “Income Tax Exemption for Senior Citizens Act” na naglalayong magbigay ng exemption sa income tax para sa mga Pilipinong edad 60 pataas na kumikita ng P800,000 pababa kada taon. Saklaw ng panukalang batas ang mga senior citizen na nagtatrabaho pa rin sa full-time, part-time, kontraktwal, o consultancy roles. Kasama rin sa exemption…

Read More