Kasapi ng Dawlah Islamiya SUSPEK SA PAGPATAY SA KATUTUBO ARESTADO SA MILITAR

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Naaresto ng militar ang isang kasapi ng Dawlah Islamiya–Hassan Group na sangkot sa pagpatay sa isang miyembro ng katutubo, sa ikinasang operasyon ng mga sundalo sa Sitio Pangayawan, Barangay Tukanalugong, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur nitong madaling araw ng Biyernes, Oktubre 10. Kinilala ang suspek na si alyas Tagal, aktibong miyembro ng grupo, nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng lokal na korte. Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tropa ng 90th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt.…

Read More

Kasunod ng magnitude 7.4 offshore earthquake AFP AT PNP AGAD NAG-DEPLOY NG MGA TAUHAN SA DAVAO REGION

MABILIS na nag-deploy ng kanilang mga tauhan ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para magsagawa ng emergency response at rapid damages assessment kasunod ng magnitude 7.4 earthquake na yumanig sa Manay, Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 10, 2025. Ayon kay AFP chief of staff, Gen. Romeo Brawner Jr., ang hukbong sandatahan ay agad nag-deploy ng disaster response teams sa Davao Region sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “President Marcos Jr. gave the order to help our countrymen who were affected by the earthquake…

Read More

Kasunod ng tsunami warning PCG INALERTO ILANG DISTRITO SA MINDANAO

NAKAALERTO na ang ilang distrito sa Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao at Eastern Visayas kasunod ng inilabas na tsunami warning. Ito ay makaraan ang nangyaring magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Manay, Davao Oriental. Puspusan na ang isinasagawang coastal at sea monitoring ang mga tauhan ng PCG at nagbigay ng mga paalala sa publiko. Isinaaktibo na rin ang lahat ng Deployable Response Groups. Itinigil na rin pansamantala ang lahat ng water activities sa Siargao bilang bahagi ng precautionary measures. (JOCELYN DOMENDEN) 206

Read More

20 KILO NG KUSH NATAGPUAN NG MGA MANGINGISDA SA KARAGATAN NG PALAWAN

PINANGANGAMBAHAN ng mga awtoridad na baka ginagawang entry point ng mga kasapi ng international drug syndicate ang probinsya ng Palawan matapos na muling makadiskubre ng kilo-kilong kush o imported high grade marijuana sa karagatang sakop ng lalawigan. Iniimbestigahan ngayon ang dalawang kaso ng recovery ng kush sa coastal water ng Palawan sa loob lamang ng isang linggo, kaya lumalakas ang hinala na ginagawang drug smuggling route ang kanilang karagatan. Nabatid na kamakailan lamang ay tinanggap ng Philippine Navy-Western Naval Command ang isinurender na kahina-hinalang package na nakuha umano ng mga…

Read More

6 KILO NG MARIJUANA NASABAT SA TULAK SA BULACAN

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos, Bulacan – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit anim na kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Guiguinto Municipal Police Station sa Brgy. Malis, sa bayan ng Guiguinto sa lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw, Oktubre 10, 2025. Ayon sa report na ipinadala ni PLt. Col. Leonardo Lim, hepe ng Guiguinto Police Station, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Botong”, 29, residente ng nasabing barangay. Batay sa panimulang imbestigasyon, bandang…

Read More

FOI BILL MAY TSANSA NA — ABANTE

UMAASA si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na matutupad na sa wakas ang matagal nang hinihintay na Freedom of Information (FOI) Bill, matapos itong maisama sa Common Legislative Agenda (CLA) ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Si Abante, na siyang House committee on human rights chairman at may-akda ng House Bill 3642 o People’s Freedom of Information Act of 2025, ay nagsabing mahalaga ang nasabing panukala sa kampanya laban sa katiwalian at korapsyon. Kapag naisabatas, magkakaroon na ng akses ang publiko sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth…

Read More

P1.7-TRILYONG LUGI SA PSE, FAKE NEWS- GO

FAKE NEWS! — iyan ang matapang na pahayag ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go laban sa kumakalat na ulat na umano’y P1.7 trilyong piso ang nawala sa market value ng mga kompanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE) dahil sa isyu ng korapsyon sa flood control projects. Ayon kay Go, pawang kasinungalingan ang nasabing impormasyon na unang lumabas sa social media, kung saan sinasabing umabot sa 12% ang bagsak ng PSE. “The attributed source confirmed na fake news ito at hindi galing…

Read More

REMULLA NANUMPA NA BILANG BAGONG OMBUDSMAN

OPISYAL nang nanumpa bilang bagong Ombudsman ng bansa si dating Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla kahapon sa harap ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen. Bagaman walang direktang marching orders mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi ni Remulla na malinaw ang hangarin ng pangulo — linisin ang gobyerno sa korapsyon at gawing mas maayos at tapat ang pamamahala sa bansa. Ayon sa bagong Ombudsman, uunahin niyang ayusin ang mga guidelines upang masiguro ang maayos na pag-usad ng mga kaso sa kanyang tanggapan. Nagbiro pa si Remulla…

Read More

Pasok sa eskwela at trabaho kinansela LA UNION NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8 LINDOL

NAGSUSPINDE ng pasok sa eskwela at trabaho ang ilang local government units (LGUs) sa La Union, Pangasinan, at Benguet nitong Huwebes, matapos maramdaman ang magnitude 4.8 na lindol na tumama sa bayan ng Pugo, La Union. Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol dakong alas-10:30 ng umaga, Oktubre 9, at may lalim na 10 kilometro. Ang epicenter ay tinukoy na 2 kilometro hilagang-silangan ng Pugo. Naramdaman ang Intensity V sa Baguio City, habang Intensity III naman sa Aringay, La Union; Bontoc,…

Read More