MANILA VITAL CARE KITS IPAMAMAHAGI SA HIGIT 100K RESIDENTE

INANUNSYO ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang paglulunsad ng “Manila Vital Care Kits” para sa mahigit 100,000 residente ng lungsod bilang bahagi ng paghahanda sa mga sakuna at emergency. Ayon kay Domagoso, layunin ng programa na palakasin ang kahandaan at katatagan ng bawat sambahayan, paaralan, at lugar ng trabaho sa Maynila. “We will never know when calamity will strike, but what we can do is prepare. This kit may help save lives,” pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook Live nitong Lunes, Oktubre 13. Ang nasabing proyekto ay pagpapatuloy…

Read More

UNPROGRAMMED FUNDS KUKUWESTIYUNIN SA SC

KUKWESTYUNIN sa Korte Suprema ng isang miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Unprogrammed Appropriations (UA) na isinama pa rin sa 2026 national budget. Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, paglabag sa Saligang Batas ang pagsuko ng Kamara sa kanilang ‘power of the purse” sa Executive Department sa pananatili ng UA na kilala ring Unprogrammed Funds (UF) sa pambansang pondo sa susunod na taon. Sa botong 287 pabor, 12 ang kumontra at 2 ang hindi bumoto, pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 4058…

Read More

DOTr-SAICT pinabubuwag 3-ARAW NA PROTESTA SINIMULAN NG MANIBELA

NILARGA na kahapon ng transport group na MANIBELA ang kanilang tatlong araw na transport strike at kilos-protesta na tatagal hanggang Oktubre 15, 2025. Alas-sais pa lang ng umaga, nagsimula nang magtipon at mag-rally ang mga kasapi ng grupo bilang protesta laban sa umano’y panggigipit ng DOTr-SAICT (Special Action and Intelligence Committee for Transportation) sa mga tsuper. Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, kahit maayos at kumpletong dokumento ang mga jeepney ng kanilang mga miyembro, patuloy pa rin silang sinisita at pinapatawan ng mabibigat na multa ng ahensya. “Mga korap, tigilan…

Read More

ILLEGAL GREEN PLATES ISINUKO NG 2 MOTORISTA SA PNP-HPG

ISINUKO ng dalawang motorista sa Philippine National Police-Highway Patrol Group ang illegal green plates na kanilang ginagamit. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni HPG chief, PCol. Hansel Maranta, boluntaryong isinuko ang dalawang plaka na mula sa Nissan Terra at Nissan Navara. Nauna nang nag-viral sa social media ang larawan ng dalawang gasoline powered vehicles na may green plates na para lamang sa hybrid at electric vehicles. Samantala, napag-alaman naman ng HPG na mayroong mga green plate na ibinebenta sa halagang P15,000 hanggang P30,000.…

Read More

P106-M KINITA NG BOC SA MGA SUBASTA

MAHIGIT P106 milyon mula sa mga pampublikong subasta ang kinita ng Bureau of Customs (BOC) mula sa nakumpiska at inabandonang kalakal, na isinagawa mula Hulyo hanggang Setyembre sa iba’t ibang pantalan ng bansa. Kabilang sa mga isinubasta sa Port of Manila, Manila International Container Port, at Ninoy Aquino International Airport ang iba’t ibang consumer goods, mga sasakyan, produktong petrolyo, industrial materials, furniture, at iba pa. Batay sa Customs Modernization and Tariff Act, inatasan ang BOC na ipagbili sa publiko, isailalim sa negosasyon, o i-donate ang mga nakumpiska at inabandonang kalakal upang…

Read More

PAGSIKIL SA PDP MAPANGANIB – SPOX

NAGBABALA si deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio laban sa pagtatangka na sikilin ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na aniya’y “mapanganib” at maaaring magresulta sa karahasan. Ito ay makaraan niyang ideklara ang PDP bilang bagong kinikilalang oposisyon sa bansa. Ginawa ni Topacio ang pahayag sa “MACHRA Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Manila kamakailan. Ayon kay Topacio, ang anomang pagtatangka na pigilan ang isang lehitimong partidong oposisyon ay lubhang mapanganib para sa gobyerno. Binanggit ng abogado ang pagtatangkang iugnay…

Read More

BARKO NG BFAR, BINANGGA NG CHINA COAST GUARD

ISANG barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang intentional na binangga ng isang China Coast Guard ship habang ginagamitan ng water canon sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard kahapon. Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the West Philippine Sea, isang China Coast Guard vessel ang “deliberately rammed” ang stern portion ng BRP Datu Pagbuaya na naging sanhi ng minor structural damage at mapalad na walang nasaktan sa mga crew nito. Nabatid na ang BRP Datu Pagbuaya at dalawa pang Bureau of Fisheries and…

Read More

Para sa mga biktima ng lindol U.S. GOVERNMENT NAGPADALA NG 137 LIBONG FOOD PACKS

NASA 137,000 food packs at limang daang emergency shelter kits ang ipinadala ng United States para sa mga biktima ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental, ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson. Sa kanyang social media post sa X, inihayag ni Amb. Carlson na ang tulong ay bahagi ng “#EDCAinAction” sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement at isinasagawa kasama ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). “My heart goes out to all those affected by the Mindanao earthquake and recent natural disasters,” ayon sa US envoy. Bukod…

Read More

P214.4-M COCAINE NASABAT NG PHILIPPINE NAVY

DALAWANG sako ng hinihinalang cocaine na tinatayang may street value na aabot sa P214.4 million, ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Ladislao Diwa (PS-178). Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Navy, may 36 bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng BRP Ladislao Diwa (PS-178) na nasa ilalim ng operational control ng Western Naval Command (WNC). Sinasabing habang nagsasagawa ng maritime security patrol ay namataan nila ang dalawang sako na palutang-lutang, may 1.2 nautical miles southeast ng Piedras…

Read More