TILA tinumbok ng banat ni Senador Kiko Pangilinan sina Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla ukol sa pagkaka-absuelto nila sa kontrobersyal na pork barrel fund scam. “Kung ‘yung sa Napoles cases nauwi sa halip na abswelto ay kulong, hindi na nangyari itong mas malaking kurakot. Plunder ang mga kaso noon, nakakulong na nga pero na-abswelto,” wika ni Pangilinan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay Pangilinan, ang pagkakaabsuwelto ng ilang mga sangkot sa pork barrel scam ay humantong sa panibagong…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
BOC–FIL-CHI CHAMBERS NAGKASUNDO VS KORUPSYON AT PARA SA FULL DIGITALIZATION
NAKIPAGPULONG si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa mga miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) para talakayin ang mga hinaing sa kalakalan at palakasin ang kooperasyon ng Aduana at pribadong sektor. Pinuri ni FFCCCII President Victor Lim si Nepomuceno at nagpasalamat sa pagkakataon na direktang makaharap ang pamunuan ng Customs. Giit ni Lim, mahalaga ang bukas na talakayan at sabayang pagkilos para sa mas maayos na kalakalan. Muling tiniyak ni Nepomuceno ang commitment ng BOC sa transparency at reporma. Aniya, prayoridad…
Read MorePlano ng mga nag-riot MALACAÑANG SUNUGIN!
ISINIWALAT ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ulat silang natanggap bago ang gulo sa anti-corruption protest nitong Linggo na plano umano ng ilang rioters na sunugin ang Malacañang. Lumabas ang rebelasyon matapos maaresto ang ilang nanggulong indibidwal sa Ayala Bridge at Mendiola habang nananawagan ang mga raliyista ng pananagutan sa mga maanomalyang flood-control projects. Ayon kay Remulla, mismong ilang menor de edad na na-interview ang nagsabing target daw nilang sunugin ang Palasyo. “We cannot take that at face value… kailangan pang dumaan sa proseso ng DSWD,” ani ng Kalihim.…
Read MorePBBM PWEDENG IMBESTIGAHAN SA DONASYON NG KONTRAKTOR
HANDA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan kaugnay ng umano’y milyong pisong donasyon mula sa mga kontratista noong 2022 presidential elections. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, walang dapat pigilan sa Commission on Elections (Comelec) para gawin ang trabaho nito. “The President is willing to be investigated. Let the Comelec do its job, investigate,” ani Castro. Base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), nakatanggap ng malalaking campaign contributions sina Marcos at Vice President Sara Duterte mula sa mga kontratistang ngayon…
Read MoreINFRACOM TINIKLOP SA ISYU NG KREDIBILIDAD
MISMONG si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang nagsabing wala nang kredibilidad ang Infra Committee na nag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects kaya ipinatiklop na niya ang imbestigasyon. “Hindi naman pinaniniwalaan ng karamihan ng ating kababayan kung ano ang nangyayari sa Infra Comm na ito,” ani Dy sa ambush interview kahapon. Ang komite, na binuo ng House committees on public accounts, good government and public accountability, at public works, ay nilikha para siyasatin ang flood control projects batay sa resolusyong inaprubahan ng Kamara. Dalawang hearing na ang isinagawa…
Read More95 pulis nasaktan, mahigit 200 inaresto IMBESTIGASYON SA KARAHASAN SA ANTI-CORRUPTION RALLY PATULOY
INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring karahasan sa isinagawang anti-corruption rally na ikinasugat ng 95 pulis partikular sa hanay ng Civil Disturbance Management. Ayon sa PNP, inaalam nila kung sino ang nagpasimuno sa kaguluhan at sino ang nasa likod ng paghahasik ng karahasan sa isinagawang “Trillion peso march sa EDSA” at “Baha sa Luneta” kontra korupsyon rally. Sinasabing humigit kumulang sa 95 miyembro ng pulisya ang nasaktan sa kasagsagan ng kaguluhan sa gitna ng anti-corruption protest…
Read MoreHALF-DAY WORK SA GOVERNMENT OFFICES NGAYONG LUNES, SEPT. 22 PARA SA FAMILY WEEK
IDINEKLARA ng Malakanyang ang half-day work sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Executive branch sa Lunes, Setyembre 22, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Family Week at ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day. Ayon sa Memorandum Circular (MC) 96 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido ang trabaho simula ala-1 ng hapon sa naturang petsa. Gayunman, tuloy pa rin ang operasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa basic services, kalusugan, at disaster response para masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko. Hinimok din ang iba…
Read MoreNANDO NAGING SUPER TYPHOON, PREVENTIVE EVACUATION IPINAG-UTOS
AGAD na ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na agad magsagawa ng preemptive evacuation sa mga lugar na tatamaan ni Super Typhoon Nando. “With Nando now stronger, LGUs must waste no time in moving families out of danger zones,” ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, na nagpapaalala ring ipatupad agad ang evacuation, liquor ban, no-sail policy, at paghahanda ng evacuation centers. Nabatid na bandang alas-8:00 kahapon ng umaga ay inihayag ng PAGASA, ang state weather ng bansa, na tuluyan nang naging…
Read More2 NPA NAPATAY, 3 HIGH POWERED FIREARMS NABAWI
DALAWANG nalalabi pang kasapi ng communist terrorist group ang napatay ng militar habang tatlong mataas na kalibre ng baril ang nabawi makaraan ang sagupaan sa Barangay Katipunan, Tapaz sa lalawigan ng Capiz, ayon sa ulat ng Philippine Army. Ayon sa ulat nitong nakalipas na linggo, nakasagupa ng pinagsanib na pwersa ng Army’s 82nd Infantry Battalion, 61st Infantry Battalion, at 12th Infantry Battalion ang grupo ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Katipunan, sa bayan ng Tapaz. Napag-alaman, naglunsad ng combat operation ang tropa ng pamahalaan matapos na makarating ang sumbong hinggil…
Read More