NAG-ISYU ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban sa nagpondo umano kay Senator Chiz Escudero sa kanyang kampanya noong 2022 elections. Partikular na pinagpapaliwanag sa show cause order si Lawrence Lubiano, ang presidente ng Centerways Constructions and Development Corporation, na umamin sa Kongreso na nag-donate ng P30 milyong campaign contribution para senador noong 2022 elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, dapat ipaliwanag ni Lubiano kung bakit hindi dapat siya sampahan ng election offense na paglabag sa Section 95, (c) ng Omnibus Election Code. Binigyan si Lubiano…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
DISCAYAS ‘DI PASADONG STATE WITNESSES – SOLON
HINDI magkukuwalipika ang mag-asawang Pacifico “Curlee” at Rowena Cezarah Discaya bilang state witnesses dahil hindi sila ang ‘least guilty’ sa anomalya sa flood control projects. Ito ang idineklara ng lead chairman ng Infra Committee na si House committee on public accounts at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon matapos ang unang pagharap ng lalaking Discaya sa pagdinig noong Lunes. “Di sila kwalipikado base sa ‘least guilty’ na pamantayan. Para sa akin, kasama sila sa most guilty sa corruption sa flood control projects,” pahayag ni Ridon. Sa halip aniya na isailalim…
Read MoreBINATA NABITAG SA 2 COUNTS NG RAPE
ARESTADO ang isang 35-anyos na binata na suspek sa 2 counts ng rape sa Santiago City, Isabela makarang matunton sa Barugo Street, Barangay 776, Sta. Ana, Manila noong Martes ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Jayvee”, jobless, residente ng Santiago City, Isabela. Base sa ulat ni Warrant Section/Follow Up Unit and Intelligence Section na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, commander ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit PRO 2, bandang alas-11:45 ng umaga nang maaresto…
Read MoreRAPE SUSPECT NALAMBAT SA CALOOCAN CITY
SWAK sa kulungan ang isang 36-anyos na lalaki na suspek sa panghahalay makaraang malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City. Si Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio mismo ang nag-utos na tugisin ang suspek na si alyas “Popoy” na nakatala bilang no. 3 sa ten top most wanted persons sa NPD, at no. 5 TTMWP naman sa Caloocan City Police. Base sa impormasyon natanggap ng mga tauhan ni Caloocan City Police acting chief, P/Col. Joey Goforth, naispatan sa isang barangay sa lungsod ang presensya ni…
Read MoreKONGRESISTA ITINURONG ‘UTAK’ SA PAGHINGI NG DONASYON NG DPWH ENGINEER
SA counter-affidavit na inihain ni Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Abelardo Calalo, iginiit nito na ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi suhol para kay Congressman Leandro Leviste kundi bahagi umano ng tinatawag na “donasyon” na ipinag-utos ni USWAG ILONGGO Party-list Rep. James “Jojo” Ang Jr. Ayon kay Calalo, natalakay umano sa kanilang Viber group chat ang utos ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito. Idinagdag pa niya na matapos ang usapan ay binura umano ni Ang ang…
Read MoreDATING DPWH OFFICIAL SA BULACAN ISINAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NG KAMARA
ISINAILALIM sa protective custody ng House Committee on Public Works and Highways (Infra Committee) ang isang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan dahil umano sa banta sa kanyang buhay. Sa mosyon ni Manila Rep. Joel Chua, co-chairman ng Infra Committee, inaprubahan ni lead chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang kahilingan ni Engr. JP Mendoza na isailalim siya sa proteksyon ng Kamara. Si Mendoza, na dating nakatalaga sa Bulacan First District Engineering Office, ay kabilang sa mga dinismiss ni DPWH Secretary Vince…
Read MoreSa hindi pinayagang double funding DISCAYA GUMANTI KAY MARCY
MALINAW na ganti ng kontrobersyal na contractors na sina Sarah at Curlee Discaya ang pagdawit kay Marikina 1st District Rep. Marcy Teodoro sa mga tumanggap ng pera mula sa kanilang mga proyekto. Ayon kay Teodoro, idinamay siya ng mga Discaya dahil sa kanyang pagbubulgar na double funding sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways sa 2026 National Expenditure Program. “Malinaw pa sa sikat ng araw na ito ay diversionary tactics ng mga sindikato para malihis sa tunay na issue ng corruption and anomalies sa flood control projects…
Read MoreKELOT TIMBOG SA BUY-BUST
INARESTO ng pulisya ang isang lalaking nasa drug watchlist ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa isang EMBO (enlisted men’s barrio) barangay sa Taguig City noong Setyembre 8. Nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Jay”, 41, sa inilunsad na entrapment operation ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police sa Barangay Cembo. Inuri ng Taguig City Police ang suspek bilang street-level individual. Nakuha sa kanya ang walong plastic sachet na naglalaman ng 15.7 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P106,760. Narekober din ng mga awtoridad ang marked money…
Read MoreIpatutupad ng BOC TRANSPARENCY SA PAGSIRA O PAGTATAPON NG MGA NAKUMPISKANG PRODUKTO
IPINAG-UTOS ni Bureau of Custom Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pagpapairal ng full coverage ng condemnation activities sa Aduana. “Base na rin ito sa mithiin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng mga pagbabago sa Aduana na naka-angkla sa transparency and accountability,” ani BOC Commissioner Nepomuceno. Utos ni Nepomuceno na dapat ay may full coverage, recording, at live streaming ang lahat ng condemnation activities ng Aduana, maging ang kabuuan ng gagawing destruction processes para mapatibay ang integridad ng kanilang bawat operasyon. Kinakailang umano rito ang presensiya ng kinatawan…
Read More