PINAALALAHANAN ni PNP Acting chief, Police Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr., ang mga pulis na tiyakin na magiging maayos at may kredibilidad ang nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections. Sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame kahapon ng umaga, sinabi ni Nartatez na pinaghahandaan na nila ito, apat na linggo mula ngayon. Sa Oktubre 13 isasagawa ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections kung kaya’t dapat itong paghandaan. Pinaalalahan niya rin ang mga ito na maglingkod nang tapat at proteksyunan ang mamamayan. Samantala, sinabi ni Nartatez na…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
GABRIELA IPOPROKLAMA KAPALIT NG DUTERTE YOUTH
NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela Party-list 1st nominee Sarah Elago bilang 64th winning party-list representative. Ito ay bilang kapalit ng Duterte Youth Party-list na diniskwalipika ng Comelec. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay pagsunod sa constitutional requirement na ang party-list representatives ay dapat nakakuha ng 20 percent ng membership sa Mababang Kapulungan. Sinabi ni Garcia, kasunod ng kanilang pagsusuri, ang 63 party-list seats na ipinroklama sa 2025 elections ay kumakatawan lamang ng 19 percent ng House of Representatives. Habang ang 64-seat party-list allocation ay…
Read MoreTENSYON SA 10-ORAS NA SUNOG SA TONDO
MALAKING sunog ang sumiklab sa Happyland area ng Barangay 105, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi na umabot sa ikaanim na alarma kaya nangailangan ng deployment ng 16 firetrucks, ayon sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO). Ang nasabing insidente ay nakaapekto sa Helping Compound building na halos sampung oras bago nakontrol dakong alas-3 ng madaling araw nitong Lunes, ngunit walang iniulat na casualties. Naberipika ang sunog dakong alas-8:29 ng gabi at itinaas ang unang alarma dakong alas-8:30 ng gabi. Mabilis na lumaki ang sunog, na…
Read MoreMas malakihang pagkilos asahan SUNOD-SUNOD NA RALLY VS KORUPSYON KASADO
TINIYAK ng mga militanteng grupo na hindi titigil ang kanilang mga pagkilos hangga’t hindi napapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa pondo ng pamahalaan. Sinimulan noong Biyernes ang tinaguriang Black Friday protest kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang grupo hindi lamang mga militante, kasama ang mga estudyante. Nanindigan ang mga militanteng grupo na hindi sila titigil sa mga kilos protesta. Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co at dating ACT Party-list Rep. France Castro, tuloy-tuloy ang kanilang mga pagkilos hanggang may mga opisyal na managot sa katiwalian. “Hindi po titigil…
Read More20 PERSONNEL NG BULACAN 1ST DEO, KINASUHAN SA OMBUDSMAN
UMABOT sa 20 personnel ng Bulacan 1st District Engineering Office (DEO) at apat na private contractors ang sinampahan ng kasong korupsyon sa Office of the Ombudsman ni DPWH Secretary Vince Dizon noong Huwebes. Kabilang sa isinampang mga kaso ang paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Article 217 ng Revised Penal Code (Malversation of Public Funds), na may kaugnayan sa Articles 171 ng Revised Penal Code; Republic Act 9184; at iba pang katulad na batas. Kasama naman sa mga kinasuhan sa Office of the Ombudsman sina dating…
Read More2 SUGATAN, 51 BAHAY APEKTADO SA KAMBAL NA SUNOG SA TAGUIG
DALAWA ang nasugatan at 51 bahay ang naapektuhan nang sumiklab ang dalawang sunog sa Taguig City nitong Setyembre 11. Ayon sa Taguig City Fire Station, nagsimula ang unang sunog dakong ala-1:14 ng hapon sa isang palapag na bahay sa Block 1, Sitio Pusawan, Barangay Ususan, at kumalat sa kalapit na mga istruktura. Itinaas ang unang alarma dakong ala-1:29 ng hapon at ikatlong alarma alas-1:41. Nakontrol ang apoy alas-2:59 ng hapon at idineklarang fire out alas-5:09. Kinilala ang dalawang nasugatan na sina Jennifer Labisto, 28, na nahirapan huminga at kasalukuyang naka-confine…
Read More$250-M AYUDANG PANGKALUSUGAN PLANONG IBIGAY NG TRUMP ADMIN SA PILIPINAS
INIHAYAG ng U.S. government ang pagkakaloob ng panibagong foreign assistance sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P13.8 billion ($250 million) bilang ayudang pangkalusugan para mapalakas ang health systems, pagandahin ang disease detection and response capabilities, at palawakin ang maternal and child health services sa bansa. Sa impormasyong ibinahagi ng U.S. Embassy in Manila, balak ng Trump administration, sa pakikipag-ugnayan sa U.S. Congress, na maglaan ng $250 million para sa bagong health sectors assistance sa Pilipinas para matugunan ang malalang hamon sa pampublikong kalusugan. “Through this assistance, our governments will work together…
Read MoreEHEKUTIBO NAKATINDIG SA KATOTOHANAN, HINDI SA INGAY NG PULITIKA – GOITIA
Goitia mariing ipinagtanggol ang Executive Secretary at Gabinete. Mariing ipinagtanggol ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang Executive Secretary at Gabinete laban sa mga paratang ng katiwalian at kapabayaan. Aniya, ang mga nagbabatuhan ng sisi sa Malacañang ay kadalasan mismo ang may matagal nang kasalanan. Binigyang-diin niya ang integridad ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Chief Justice, at sinabi na ang paninirang ginawa laban sa kanya ay insulto sa tanggapan at sa mabuting pamamahala. Idinagdag ni Goitia na dapat linisin muna ng mga mambabatas ang kanilang sariling hanay bago…
Read MoreRidon vs Jinggoy umiinit LEGAL ACTION LABAN KAY ESTRADA PINAG-AARALAN NG KAMPO NG KONGRESISTA SA ISYU NG PRIVACY
PINAG-AARALAN umano ng kampo ni House Infrastructure Committee lead chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon kung may nilabag sa kanyang privacy si Sen. Jinggoy Estrada matapos ilabas ng senador ang kanyang yearbook photo at address ng kanyang lola. Ayon kay Ridon, inilabas umano ni Estrada ang yearbook picture upang palabasin na magkakilala sila ng dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez, na nag-aral din sa parehong paaralan. “I will ask kung mayroon ba siyang actual violation of my privacy dito dahil nilabas niya ang address ng lola ko,”…
Read More