CONG. NOGRALES ‘HULOG NG LANGIT’ SA MGA TAGA-BRGY. PURAY, RODRIGUEZ, RIZAL

ITINUTURING na ‘Hulog ng Langit’ para sa mga taga-Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal ang pag-kakahalal nila kay Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles dahil sa pagiging masipag at matulungin nito sa mga residente. Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Barangay Kagawad Veronica Collantes, sa kabila ng napakalayo, bulundukin at napakatarik nilang lugar ay walang kapaguran silang pinupuntahan ni Cong. Nograles upang alamin ang kalagayan ng mga ito. Ang Brgy. Puray ay may mahigit sa 5,000 populasyon at voting population na 2,539. Ani Brgy. Kagawad Collantes, ang mga pangangailangan ng kanilang mga…

Read More

SUPORTAHAN ANG MENTAL HEALTH INITIATIVE NG DepED

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES   HABANG nagkukumahog ang sektor ng edukasyon sa paghahanda para sa pagbubukas ng mga klase ngayong Oktubre, pabor dito ang inyong lingkod at sinusuportahan natin ang inisyatiba ng Department of Education na magdaos ng mental sessions para sa mga pinuno o opisyal nito. Inihayag kamakailan ni Education Secretary Leonor Briones na ang ahensya ay nagsagawa ng Kaginhawaan for Top Leaders of DepEd sessions na naglalayong tiyakin ang kalusugan ng kaisipan. Suportado natin ang naging inisyatiba ng DepEd ukol sa mental health. Ang malinaw na pag-iisip ay kinakailangan…

Read More

KAILANGAN NG TRABAHO NG MANGGAGAWANG FILIPINO

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES   BUNSOD ng mas maraming mga Filipino ang nawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic, tayo’y nananawagan sa Kamara na magsagawa ng pagsisiyasat ukol sa public and private employment services ng bansa. Ihinain natin ang House Resolution No.1126, kung saan nakasaad dito na ang mga serbisyong ito ay may mahalagang papel sa pagpigil ng pagbagsak ng labor market sa panahon ng krisis at sa pagtataguyod ng mabilis na pagbangon sa sandaling wala nang quarantine measures na ipinatutupad. Kailangan natin alamin…

Read More

DOBLEHIN ANG PENSYON NG SENIOR CITIZENS

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES   DAPAT bigyan ng buong suporta ang isang panukalang batas na layuning madagdagan ang buwanang pensiyon ng mga senior citizen mula sa P500 patungo sa P1,000. Ang ating mga senior citizens ay nangangailangan ng iba’t ibang tulong lalo na ngayong may pandemya. Malaking tulong kung madadagdagan natin ang buwanang pensiyon nila na sa kasalukuyan ay kakarampot lang. Nararapat lamang na itulak ang panukala ni Rep. Rufus Rodriguez, na may-akda ng House Bill No. 7266 na naglalayong baguhin o repasuhin ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 (R.A.…

Read More

PANDEMYA MUNA BAGO BITAY

FORWARD NOW Ni REP FIDEL NOGRALES HINIHIMOK natin ang ating mga kapwa mambabatas na tumutok muna kung paano makakatulong ang kongreso upang labanan ang pagkalat ng COVID-19, lalo na sa mga bilangguan sa buong bansa – sa halip na talakayin ang pagbuhay sa parusang bitay. Huwag sanang malito. Ang inyong lingkod, bilang Vice Chair ng House Committee on Justice, ay sumusuporta sa muling pagpapataw ng parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen. Gayunpaman, ang buong pwersa ng Kongreso ay dapat nakatuon sa napapanahong usapin o isyung panlipunan na kinakaharap…

Read More

SPECIAL TASK FORCE SA MGA ABOGADONG BIKTIMA NG KARAHASAN

IKINALULUNGKOT natin ang biglaang pagpanaw ng isang tagausig ng Maynila kamailan sa marahas na paraan – ang ika-50 biktima ng nakamamatay na pag-atake sa mga nagpapatupad ng batas mula noong 2016. Muli, nais kong manawagan sa mga kinauukulan na gumawa ng imbestigasyon at bigyang-pansin ang pangangailangan para sa paglikha ng special task force na binubuo ng Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), Commission on Human Rights (CHR) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang tugunan o matuldukan ang mga pagpatay sa mga abogado. Mariin nating kinukondena ang…

Read More

MAGSAGAWA NG PAGSISIYASAT SA CHILD ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

ANG inyong lingkod ay nagsampa ng isang resolusyon para magsagawa ng pagsisiyasat, in aid of legislation, kaugnay sa naiulat na pagtaas ng online sexual exploitation sa mga bata sa panahon ng Covid-19 enhanced community quarantine. Inihain natin kamakailan ang House Resolution No.999 sa gitna ng ulat ng Department of Justice Office of Cybercrime nasa 279,166 ang mga kaso ng online sexual exploitation sa mga bata na naitala mula noong Marso 1 hanggang Mayo 24. Ito ay katumbas ng 265.63% na pagtaas mula sa parehong panahon noong 2019, kung saan 76,561…

Read More

PAGSASANIB PWERSA NG NPC, UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, NAPAPANAHON

IKINAGALAK natin ang naging hakbang ng National Privacy Commission na makipagtulungan sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo upang makagawa ng isang data privacy code of conduct na naaayon sa pagpapatupad ng distance learning. Dahil sa paglilipat ng iba’t ibang mga operasyon sa online bunsod ng pandemya, ang kahalagahan ng data privacy ay hindi ma aaring bigyang-diin na sapat na, kaya natutuwa tayo na nakikipag-tulungan ang NPC sa mga paaralan para maging mainstream ang privacy consciousness. Ayon sa NPC, ang code of conduct ay magtatakda ng mga pamantayan at mga hakbang…

Read More

ITURO NG DepEd SA MGA MAGULANG ANG PAMAMARAAN SA PAGTUTURO

HINIHIKAYAT natin ang Department of Education (DepEd) na maghanap din ng mga paraan upang turuan ang mga magulang sa pamamaraan ng pagtuturo sapagkat ang sistema ng edukasyon ng bansa ay lumilipat na patungo sa distance learning dahil sa coronavirus pandemic. Ang mga magulang ay magiging de facto teachers sa ilalim ng distance learning method, i naasahan kong ikokonsidera rin ng DepEd na turuan ang mga magulang upang malaman nila ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng bagong sistema. Milyun-milyong mga sambahayan ang biglang naitulak sa bago at mas aktibong tungkulin,…

Read More