DPA ni BERNARD TAGUINOD SA isang parliamentary debate sa House of Common sa Great Britain noong Pebrero 19-20, 1771, tinawag ni MP (member of parliament) Edmund Burke sa kauna-unahang pagkakataon, ang media bilang Fourth Estate sa parliament. Ang unang tatlong Estate na sinabi ni Burke ay ang Lords Spiritual, Lords Temporal at ang Common na sa makabagong panahon ay tinawag na Legislative, Executive at Judiciary, at ang media raw ay may mas mahalagang papel sa demokrasya kaysa tatlong ito. Mula noon tinawag na 4th Estate ang media na makapangyarihan daw…
Read MoreCategory: OPINYON
KORUPSYON, KORUPSYON AT KORUPSYON PA, TIGILAN NA!
PUNA ni JOEL O. AMONGO Na-PUNA ng sambayanang Pilipino na sa dinami-rami ng mga problemang kinahaharap ngayon ng Pilipinas, ay wala man lang bumabatikos sa mga elected official natin. Ang mas pinag-uukulan ng pansin ng ating mga inihalal ngayon ay ang pamumulitika na hindi makakain ng mga Pilipino. Imbes na asikasuhin nila ang hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, produktong petrolyo, serbisyo at iba pang bayarin, ay puro pansariling interes ang kanilang binibigyan ng pansin. Sa katunayan, sa isinagawang Kamuning Bakery Forum kamakalawa, Nobyembre 19, 2024, ay napag-usapan…
Read MoreKALIWA DAM: PANGANIB SA KINABUKASAN SA HARAP NG MAS MALALAKAS NA BAGYO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG proyektong Kaliwa Dam na naglalayong magbigay ng karagdagang tubig sa Metro Manila, ay nagdulot ng malaking debate. Ang Kaliwa Dam project ay ibinebenta bilang solusyon sa lumalalang krisis sa tubig sa Metro Manila. Ngunit ang hindi sinasabi ng gobyerno ay ang proyektong ito ay nagbabanta sa Sierra Madre, ang bulubundukin na nagsisilbing unang linya ng depensa natin laban sa ilan sa pinakamalalakas na bagyo sa mundo. Tulad ng nakita natin mula sa kamakailang mga bagyo, isa na riyan ang Super Typhoon Pepito noong…
Read MoreCALAMITY DUGAS
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari BATAY sa huling ulat, pito ang namatay sa hagupit ni Super Typhoon Pepito sa kanyang dinaanang ruta. Miyembro ng isang pamilya na natabunan ang bahay sa landslide na naganap sa bayan ng Ambaguio sa Nueva Vizcaya sa kasagsagan ng bagyo. Sana, huwag nang madagdagan ang bilang ng pamilyang luluha ngayong kapaskuhan dahil may natepok silang mahal sa buhay resulta ng magkakasunod na mga bagyo na bumayo sa bansa. Wala pang inilalabas na datos ang gobyerno kung ilang bilyong piso ang halaga ng napinsala ni…
Read MoreSENADORA CYNTHIA, MULING NAG-UGALING ‘BALAHURA’?
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HANGGANG ngayon, hindi pa maalis sa isip ng maraming parishioner ng Our Lady of Fatima Church sa Pamplona 2 sa Las Piñas City, ang kabastusan ng 74-anyos na si Sen. Cynthia A. Villar. Totoo yata ang kasabihan na ang ugaling pasaway at bastos na nakalakihan sa pagkabata, ito ay madadala hanggang kahit sa pagtanda. Akala nga ng marami matapos mag-trending ang kawalan ng magandang asal ng senadora, magbabago na ito pero hindi, lalo lang tumindi. Kasi ang ugaling “balahura” ay nangyari sa loob ng…
Read MorePANGULO NG LESSANDRA HOA, INIREKLAMO SA AMIN
RAPIDO NI PATRICK TULFO ISA na namang kaso laban sa mga opisyal ng isang Homeowners Association diyan sa San Jose Del Monte, Bulacan ang inilapit sa amin. Inirereklamo ng mga residente ng Lessandra Homes ang kasalukuyang pangulo ng kanilang asosasyon na si Diane Marie Nanao dahil overstaying na raw ito sa pwesto. Si Nanao raw ay naupo sa pwesto matapos na mamatay ang dating pangulo nila noong October 2023. Ayon pa sa mga complainant, umakyat lang daw sa pwesto si Nanao bilang bise-presidente ng kanilang HOA (Homeowners Association) matapos magbitiw…
Read MoreNAGKAKALIMUTAN SA PROBLEMA AH!
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG ingay ngayon sa Pilipinas dahil sa pagbabardagulan ng pamilyang Marcos at Duterte kasama ang kanilang supporters. Nagbabastusan, nagsisiraan, naghahamunan, na wala namang maitutulong sa bayan. Wala akong kinakampihan sa dalawang pamilyang ito dahil hindi ko naman sila ibinoto noong sila ay tumatakbo pero dahil isa lang ang boto ko ay hindi nanaig ang gusto ko. Ganyan talaga ang demokrasya. Pero apektado ako at ang mas nakararaming Filipino. Tandaan n’yo ha, 16 milyon lang ang bumoto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election, at…
Read MoreROSE LIN SA MGA NAG-AAKUSA SA ASAWA NIYA, MAGSAMPA NG KASO SA KORTE
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINAMON ni Rose Lin, Pinay na asawa ni Lin Wei Xiong, na magsampa na lang ng kaso sa korte laban sa kanyang asawa ang mga nag-aakusa na sangkot ito sa illegal drugs. Sa pagdinig sa Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa video statement ni dating PCol. Eduardo Acierto, sinabi nitong si Lin Wei Xiong, negosyante, ay siya ring si Allan Lim na pinaghihinalaang drug personality na malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Rose, ang report ni Acierto noong 2019 kina dating…
Read MoreSERBISYO PUBLIKO MUNA TAYO
At Your Service ni KA FRANCIS DUMAKO muna tayo ngayon sa public service, lalo sa mga awtoridad na ginagampanan nang maayos ang kanilang mga trabaho. Ika nga sa slogan, “Serve and Protect”, sa wikang tagalog, “Pagsisilbi at Pagprotekta” sa lahi ni Juan dela Cruz, sana all ganito ang iba pang mga pulis. Ilan lang naman ang tiwali sa PNP, mas nakararami pa rin ang matitino, tulad ng mga tauhan ni PCol. Cayaban, kaya naman hindi nag-aatubiling suportahan din sila ng mga negosyante sa Lungsod Valenzuela. Hindi lang nakatutok sa paglaban…
Read More