CONTENTMENT

HOPE ni GUILLER VALENCIA SABI ni St. Paul sa Philippians 4:11-12, “I have learned to be CONTENT in whatever circumstances I am. I know how to get along with humble means, and I also know how to live in prosperity.” Remember, prior to conversion to Christianity of St. Paul, isa siyang educated and affluent and haven’t written this verse about contentment. However, nang isulat niya ito ay nakaranas na siya ng persecution sa kapwa niya mga Romano na katulad niya noon ay taga-usig ng mga Christian. Aside from persecutions, naranasan…

Read More

ANG PAGBABALIK NI MAYOR ISKO MORENO SA MAYNILA

TARGET ni KA REX CAYANONG MULING sumampa sa entablado ng pulitika si Francisco “Isko” Moreno Domagoso matapos ang kanyang matagumpay na pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa katatapos lamang na Eleksyon 2025. Sa isang makasaysayang tagumpay, tinalo niya ang kanyang dating pangalawang alkalde at re-electionist na si Mayor Honey Lacuna, kasama ang siyam pang kandidatong nagtangkang mamuno sa kabisera ng bansa. Ang pagbabalik ni Moreno sa City Hall ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang malinaw na mensahe mula sa mga Manileño: handa silang bigyang muli…

Read More

ISANG MUNTING KISLAP NG PAG-ASA

GEN Z ni LEA BAJASAN HINDI ko akalain na ganito ulit ang mararamdaman ko pagkatapos ng 2022 election. Ang taong iyon ay nakabasag ng isang bagay sa akin. Naaalala kong pinanood ko ang mga resulta nang may mabigat na puso, na parang isang bagay na mahalaga ay kinuha. Sabi ko sa sarili ko, baka ito na. Baka hindi na magbabago ang bansang ito. Ngunit narito na tayo sa 2025, at habang ang mga resulta ng halalan ay malayo sa perpekto, nararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko naramdaman sa…

Read More

ELEKSYON SA MONTALBAN TINANGKANG I-NEWS BLACKOUT

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAKARANAS ng panggigipit ang isang media team mula sa grupong nagpakilalang mga pulis na pawang mga nakasibilyan na nanghuli sa kanila dakong madaling araw noong Mayo 12, 2025. Pabalik na sana ang team ng inyong lingkod sa aming tinutuluyang lugar para magpahinga at paghandaan ang full media coverage sa araw ng eleksyon sa nasabing bayan nang biglang may humarang sa aming harapan na dalawang police mobile, samantala tatlo pa ang nasa likuran namin bukod pa sa mga indibidwal na nakamotor. Maya-maya pa ang isang nakasibilyan,…

Read More

RESULTA NG ELEKSYON IKINAGULAT NG MARAMI

RAPIDO ni PATRICK TULFO MARAMI ang nagulat sa resulta ng ginaganap pa ring bilangan sa midterm elections noong Lunes. Dahil taliwas sa mga survey, ilang araw bago ang botohan, ay hindi tumugma ang mga ito sa lumalabas na resulta sa ngayon. Hindi na nakapagtataka kung nangunguna sa bilangan ngayon si Sen. Bong Go, dahil ‘yan ang mga lumabas sa mga huling survey. Pero ang pag-angat ni Sen. Bato Dela Rosa sa ikatlong posisyon at ang ika-anim na pwesto ni Cong. Rodante Marcoleta ang ikinagulat ng mga eksperto dahil nasa baba…

Read More

Maynila, muling dadakila: Yorme Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Muli nating padadakilain ang Maynila! Ito ang ipinangako ni Isko Moreno Domagoso kasunod ng hindi na mapipigil na muling pag-upo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila — na habang isinusulat ito ay tumatanggap ng pinakamalaking boto mula sa mga Batang Maynila, mga lola, lolo, single parents, PWDs at iba’t ibang sektor ng mahihirap na mamamayan. Sa huling bilang, tumanggap si Yorme Isko ng pinakamataas na botong 559,010, na tumitiyak ng kanyang panalo laban kay incumbent Mayor Dr. Honey Lacuna-Pangan na nakakuha lamang ng…

Read More

BAGONG YUGTO NG PAGLILINGKOD: TAGUMPAY NI CONG. BRYAN YAMSUAN SA PARAÑAQUE CITY

TARGET ni KA REX CAYANONG SA bawat halalan, ipinakikita ng sambayanan ang tunay na lakas ng demokrasya—ang kapangyarihang pumili ng mga pinunong sa tingin nila’y karapat-dapat mamuno at magsilbi. Kaya naman, sa lungsod ng Parañaque, malinaw na ipinahayag ng mamamayan ang kanilang tiwala, pag-asa, at paniniwala sa isang bagong pamumuno sa pamamagitan ng pagkapanalo ni Congressman Bryan Yamsuan sa katatapos lamang na halalan. Sa kabuuang 61,378 boto, tinalo ni Cong. Yamsuan si dating kongresista Gus Tambunting, na nagtamo ng 53,497 boto—isang malinaw na mandato mula sa taumbayan na naghahangad ng pagbabago…

Read More

SANA TAMA ANG DESISYON N’YO

MANINIKTIK ni GREGORO SAMAT HINDI pa tapos ang botohan habang tinitipa ko ito pero nananalangin ako na tama ang desisyon ng sambayanang Pilipino sa pagpili nila ng mga lider na mamumuno sa atin at sa bansa sa susunod na tatlong taon. Hanggang kasi sa huling mga oras bago nagtungo sa mga presinto ang mga botante, maraming kandidato sa local, mula sangguniang bayan (SB) hanggang congressman ang namimili ng boto ang kanilang coordinators. Sana hindi pera ang nagdesisyon kung sino ang mananalo at magiging lider natin kundi ang konsensya para sa…

Read More

TAMA BANG HUMINGI NG PAHINTULOT SA COP SA LUGAR ANG MAGKO-COVER NA MEDIA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO KAYA natin natanong ‘yan dahil sa nangyari sa amin bandang alas-2:21 ng madaling-araw kahapon, May 12, 2025. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Montalban, Rizal ay bigla kaming kinat at pinalibutan ng limang police mobile at mga motor na pawang mga nakasibilyan. Mga ilang minuto pa bago kami nilapitan ng isa sa mga tao na binanggit natin. Paglapit sa amin ng isang tao na nakasibilyan at naka-short sa driver side ng aming sasakyan ay binuksan ng aming driver ang bintana matapos katukin…

Read More