KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari STATE OF THE NATION ADDRESS o SONA. Isang taunang talumpati ng bawat pangulo ng bansa sa pagsisimula ng sesyon ng lehislatura – Kongreso at Senado. Ano ang nilalaman ng talumpati? Walang paltos ito. Una siyempre ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakaraang isang taon sa maniwala man o hindi ang mamamayan. Kasabay nito ang paulit-ulit na mga pangako, plano, at iba pang etse-buretse na kadalasan naman ay ek-ekan lang na sinusuklian naman ng palakpakan ng mga sipsip ng kongresista at senador. Ilang…
Read MoreCategory: OPINYON
DUMARAMING PUSANG GALA, DAPAT GAWAN NG PARAAN NG LGUs!
RAPIDO NI TULFO NAGKAKAUBUSAN daw ng bakuna laban sa rabies ang mga lokal na health centers. Ilang kakilala na ang aking nakausap tungkol sa kawalan ng bakuna sa mga publikong ospital at napipilitang pumunta sa mga pribadong Animal Bite Center na umaabot sa ilang libong piso ang isang set ng bakuna, kabilang dito ang unang dose ng anti-rabies, anti-tetanus at ERIG (Equine Rabies Immunoglobulin). Karamihan umano sa mga pasyente ngayon ay mga nakagat o nakalmot ng pusa, na dati’y aso ang numero unang dahilan ng pagpapabakuna ng mga nakagat. Ang…
Read MoreSAGABAL SA KALSADA SA MAYNILA, PATULOY NA LILINISIN
PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA WOW, mainit na pagbati po sa mga opisyal ng Barangay 167 sa Tondo, Maynila na sila mismo ang nag-volunteer na ipagiba ang kanilang barangay hall, na tama naman, kasi obstruction o sagabal at nakaharang sa kalsada. Mismong mga opisyal ng barangay ang tumawag sa city hall para ipasabi kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na gusto nilang gibain ang nakatayong barangay hall, na 15 taon nang nakatayo sa kahabaan ng Cavite St., Juan Luna. Talagang sagabal, nakaaabala sa mabilis na kilos ng mga tao ang…
Read MoreNEA, KAISA SA HAMON NI PANGULONG MARCOS PARA SA MALAWAKANG ELEKTRIPIKASYON – ADMIN ALMEDA
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG MAITUTURING na isang makabuluhang hamon ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng enerhiya sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA). Isa sa mga pangunahing institusyong tumugon dito ay ang National Electrification Administration (NEA), sa pamumuno ni Administrator Antonio Mariano Almeda. Buong puso ang pagtanggap ng NEA sa panawagan ng Pangulo na pabilisin at palawakin ang pagbibigay ng maaasahan, abot-kaya, at sustainable na kuryente, lalo na sa mga liblib na lugar at mga pamayanang matagal nang walang serbisyo…
Read MoreLARAWAN NG CORRUPTION LUMALABAS KAPAG UMUULAN
DPA ni Bernard Taguinod KAPAG bumabagyo na may dalang malalakas na ulan, lalabas ang mga ebidensya ng corruption, hindi lamang sa malalaking infrastructure projects ng gobyerno kundi maging sa mga lansangan. Mula noong July 15 nang magparamdam ang bagyong Crising ay inulan ang buong Luzon at ilang parte ng Visayas na nagpalubog sa mga probinsya dahil sumunod sina Dante at Emong na lalong nagpahirap sa mga tao. May bagyo pa sa labas ng area of responsibility ng Pilipinas na may international name na Krosas na bagama’t hindi raw papasok ay…
Read MoreSAAN PATUNGO ANG PILIPINAS?
PUNA ni JOEL O. AMONGO IILAN lang sa mga tao ang marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, mas marami ang hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Sa mahigit na 30-taon ko na sa pamamahayag, ilan lang ang politikong nakilala kong marunong tumanaw ng utang na loob sa mga tao na nagluklok sa kanya sa pwestong kanyang kinalalagyan. Karamihan sa kanila, ‘pag nakaupo na ay puro pagkakaperahan ang nasa isip nila, gagawa ng mga proyekto, sasabihin nila na para sa kanilang nasasakupan ang kanilang ginagawa, pero ang totoo ay para sa…
Read MoreMOVE ON NA
At Your Service Ni Ka Francis PANAHON na para mag-focus ang mga elected official natin sa mga gawain nila na direktang may kinalaman sa sikmura ng mga ordinaryong Pilipino. Hindi uusad ang Pilipinas kung puro pamumulitika ang ginagawa ng ating mga elected official, naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema na “unconstitutional” ang impeachment laban kay Vice President Inday Sara Duterte. Sa pagkakaalam natin, ang dahilan ng paglalabas ng Korte Suprema ng ruling na labag sa Saligang Batas o “Unconstitutional” ang impeachment laban kay VP Sara, ay apat na impeachment…
Read MoreBEMBANG ROOM SA BI JAIL, 10K SHORT TIME?
BISTADOR ni RUDY SIM KUNG mayroong ice room na raket ang mga kupal na opisyales ng Bureau of Immigration na nangangasiwa sa ilegal na raket sa detention center nito para sa mga dayuhang nakakulong dito na pinarerentahan kada buwan mula 50K kada ulo at 100K para sa mga bigtime, ay tila magaling mag-isip kung paano huthutan ng pera ang mga dayuhan. Kung apektado ang mga ordinaryong empleyado sa kapalpakan ng pamumuno ni BI Commissioner Joel Viado, dahilan ng paglagapak ng koleksyon ng ahensiya kung kaya’t malaki ang nabawas sa suweldo…
Read More“MATATAG ANG PILIPINO”
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MARAMING Pilipino ang naapektuhan ng matinding sama ng panahon nitong nakaraang linggo. Tatlong bagyo — sina Crising, Dante at Emong ang magkakasunod na pumasok sa Philippine Area of Responsibility at nanalasa. Hindi nakaligtas ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Habagat kaya halos hindi rin tumigil ang pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming lugar. Umabot na sa 30 ang naiulat na namatay at mayroon pang mga sugatan at nawawala. Ayon sa pinakahuling datos noong Sabado, nasa 5.2 milyong indibidwal o 1.46 na milyong…
Read More