OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP HUMIHINGI ng agarang tulong ang isang 27-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na si Lovely Rose Gomez Arellado matapos umanong makaranas ng matinding pang-aabuso mula sa kanyang employer sa Doha, Qatar. Si Lovely Rose, na tubong Parañaque City, ay lumipad patungong Qatar noong Nobyembre 25, 2024 upang magtrabaho bilang kasambahay. Siya ay na-deploy sa ilalim ng Arandrea Manpower Service Co. sa Pilipinas at Doha Torch Manpower na kanyang Foreign Recruitment Agency (FRA) sa Qatar. Siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng employer na si…
Read MoreCategory: OPINYON
MGA MAKATAO AT MAKABAGONG PANUKALA NI CONG. BONG SUNTAY
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahong maraming Pilipino ang humaharap sa krisis sa edukasyon, kahirapan, at kakulangan sa tulong mula sa pamahalaan, isang sinag ng pag-asa ang limang makabuluhang panukalang batas na inihain ni Congressman Bong Suntay. Layunin ng mga panukalang ito na hindi lang maglatag ng mga solusyon, kundi tiyaking tunay na mararamdaman ng mamamayan ang malasakit ng gobyerno at ng pribadong sektor. Isa sa mga pangunahing panukala ni Rep. Suntay ay ang pagpapalawak ng suporta para sa mga batang may espesyal na pangangailangan. Hindi lamang autism ang tinutukoy…
Read MoreSUNTOK SA BUWAN ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAGANDA sanang subukan na buwagin ang political dynasties sa ating bansa dahil may mga pag-aaral na halos lahat ng mga probinsya at bayan na pinatatakbo ng iisa o iilang pamilya, ay lugmok sa kahirapan as in walang asenso. May kasabihan na kung gusto mong mabago ang buhay mo, umalis ka sa nakasanayan mo at sumubok ng iba dahil hangga’t hindi ka umaalis sa comfort zone mo, roon lang iikot ang mundo mo at walang pagbabago na mangyayari sa buhay mo. Kung talagang epektibo ang political dynasties…
Read MoreQUALIFIED THEFT VS COMPANY DRIVER ET AL, ISINAMPA SA KORTE
PUNA ni JOEL O. AMONGO NAHAHARAP sa kasong pagnanakaw sina Rolan Espiritu Domingo, nasa hustong gulang, driver; Paul Ian Domingo, nasa hustong gulang, pahinante/helper, pawang mga residente ng Salacot, San Miguel, Bulacan; walong John Does at isang Jane Doe matapos sampahan ng reklamo ng kinatawan ng kumpanyang Karga Express Intelligence System Inc. ng Qualified Theft sa National Prosecutor Service, Office of the City Prosecutor, Muntinlupa City kamakailan. Batay sa sinumpaang salaysay ni Marilou Baldoza Diolala, 27-anyos, dalaga, nakatira sa Caloocan City, Operation Account Manager ng Karga Express Intelligence System Inc.,…
Read MoreANTI-DYNASTY BILL SUNTOK SA BUWAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINIKAYAT ng isang mambabatas ang taumbayan na tumulong para i-pressure ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang mga panukala na tuluyang magbabawal sa mga magkakamag-anak na tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Ginawa ni Bukidnon Rep. Keith Flores ang pahayag matapos aminin na maliit ang tsansang maisabatas ang panukala maliban lamang kung sumali ang sambayanang Pilipino sa labang ito. “To be realistic about it, medyo slim,” pag-amin ni Flores na isa sa naghain ng panukala bukod sa grupo ng Makabayang bloc na sina…
Read MoreKAILANGANG PATULOY NA MAKIALAM
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO OPISYAL nang nagsimula ang termino ng mga bagong pinuno ng ating bayan matapos ang halalan nitong Mayo. Bago na namang pagkakataon ang ibinigay ng taumbayan para patunayan nila na kaya nilang tuparin ang mga ipinangako noong nangangampanya pa lamang sila. Handa na nga ba silang manilbihan nang may malasakit, integridad, at pananagutan? Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga binoboto natin sa paghubog ng hinaharap ng bansa. Sila ang tagabuo ng batas at polisiya, tagapagpatupad ng programa, at tagapag-ugnay sa pagitan ng gobyerno at mamamayan. Kung…
Read MoreRAKET NI ATTY. VIAGRA SA BI SA BAIL AT DEPORTATION NG POGO PATULOY?
BISTADOR ni RUDY SIM MULING nadawit ng pangalan ni Bureau of Immigration Deputy Commissioner Daniel Laogan kamakailan matapos inguso umano ng dalawang kawani ng BI sa NAIA Terminal 3 na sina Immigration officer Maria Zeah Inosanto at Immigration supervisor Karen Peñera, na hinuli ng mga kasamahan nito nang magpalusot ng dalawang dayuhan palabas ng bansa, na kasabwat umano si Laogan na agad naman nitong itinanggi at ikinagalit. Sina Peñera at Inosanto ay agad na sinibak sa Terminal 3 at itinapon sa Admin Division habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa kasong…
Read MoreELECTRIFICATION NG MARCOS ADMIN AT NEA SA MGA LIBLIB NA LUGAR SA BANSA
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang ikinasa ng National Electrification Administration (NEA) na pinamumunuan ni Administrator Antonio Mariano Almeda, sa pagtuon ng kanilang P3.6-bilyong pondo para sa rural electrification tungo sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA). Sa matagal nang pagkakait ng kuryente sa mga liblib na komunidad, ito ay tila liwanag na sumisilip sa dulo ng matagal na dilim. Pinakamalaking bahagi ng pondo, na aabot sa P2.5-bilyon o 68 porsyento, ay ilalaan sa Mindanao, isang rehiyong matagal nang nangangarap ng pantay na serbisyo mula sa pamahalaan. Dito…
Read MoreBORDER CONTROL AT ANTI-SMUGGLING CAMPAIGN, MAS PALALAKASIN NI COMM. ARIEL NEPOMUCENO!
TARGET ni KA REX CAYANONG NATUKLASAN na ang unang atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ay simple ngunit makapangyarihan: protektahan ang mga hangganan ng bansa at tiyakin ang tapat, malinaw, at epektibong pangongolekta ng kita ng gobyerno. Sa harap ng matinding pangangailangan para sa matatag na ekonomiya at pambansang seguridad, malinaw na ang papel ng BOC ay higit pa sa pagiging simpleng ahensya ng buwis kundi isa itong tagapagbantay ng kinabukasan ng bansa. Hindi na bago kay Nepomuceno ang serbisyo publiko. Bilang…
Read More