KUMUSTA NA KAYA ANG MGA NATURUKAN NG DENGVAXIA?

DPA Ni BERNARD TAGUINOD NAITANONG ko ito dahil bukod sa coronavirus diseases 2019 ay dumarami ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas ngayong panahon ng tag-ulan, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba’t ibang parte ng bansa. Sa report ng Department of Health (DOH), nakapagtala sila ng 45,416 dengue cases mula January 1 hanggang June 11, 2022 at patuloy itong dumarami kaya tuliro ang mga tao dahil may COVID-19 na, may dengue pa! Ang COVID-19 ay may bakuna na kahit papaano pero may available vaccine ba sa dengue na…

Read More

USEC NA SALABIT, TARGET BUMALIK

SAKSI NGAYON INSIDER Ni FERNAN ANGELES SADYA ba talagang may mga taong walang kabusugan o baka naman sumobra lang ang kapal ng mukha? Tulad na lang nitong isang political appointee ng nagretirong Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan siya nanungkulan bilang ­Undersecretary at executive director ng isang tanggapan ng naturang kagawaran. Itago natin siya sa pa­ngalang Badette Mag-ampon. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, kabi-kabila ang kanyang ganansya, bukod pa sa sahod niyang bonggang-bongga. Pero sa kabila pa ng kanyang namimintog na pitakang walang…

Read More

BAKIT NGAYON LANG?

HINDI na bago sa Department of Health (DOH) ang pagsagupa laban sa nakamamatay na ­karamdamang kalakip ng pagpasok ng tag-ulan – leptospirosis, malaria at maging ang dengue. Sa nakalipas na mga panahon, karaniwang ­naghahanda ang kagawaran bago pa man ­dumating ang takdang pagsapit ng tag-ulan. Pero dahil sa halalan, tila nakaligtaan ang nakaambang peligrong dala ng mga karamdamang sumusulpot pagkatapos ng tag-araw. Ayon kay Health Undersecretary ­Rosario ­Vergeire na tumatayong officer-in-charge, ­tinitingnan na nila ang posibilidad ng muling ­paglulunsad ng isang malawakang pagbabakuna kontra-dengue. Maliban sa Dengvaxia na una nang…

Read More

SCAMMER SINUPALPAL NG RAPIDO

RAPIDO NI PATRICK TULFO NABUKO namin ang ilang mga oportunista na gustong magsamantala sa reklamong hawak namin na may kinalaman sa mga hindi pa naihahatid na mga padala galing sa Dubai, UAE. Isa rito ay ang nagpakilalang empleyado raw Oceanwide Logistics (OL) na nakabase raw sa Dubai. Ayon sa mga pinadalang email sa amin ng complainants, may mga nagpadala raw sa kanila ng mensahe at nagsabing matutulungan nila ang mga ito na mailabas sa Bureau of Customs (BOC) ang natengga nilang mga kargamento sa naturang ahensiya. Pinapalabas ng mga ito…

Read More

PANUKALANG BATAS NI TEVES, WRONG TIMING

BISTADOR Ni RUDY SIM UMANI ng iba’t ibang reaksyon sa social media mula sa netizens ang panukalang batas sa 19th Congress ni Negros ­Oriental, 3rd district Representative Arnolfo Teves Jr. na mas nararapat umanong ipangalan ang ating paliparan kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Marami sa mga netizen ang pabor na palitan ang ­kasalukuyang pangalan ng pambansang paliparan ng bansa ngunit mayroon ding mga ­tumutol dito kabilang sina ­Senador Risa Hontiveros at ang anak ng ­talunang kandidato na si Atty. Leni Robredo…

Read More

CITY MAYOR JEANNIE SANDOVAL, KALIWA’T KANAN ANG TULONG SA MGA APEKTADO NG PAGBAHA SA MALABON

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG WALA na yatang mas sasaya pa sa panahon na hindi pinababayaan ng mga namumuno ang kanilang nasasakupan. Ganyan ang nararamdaman ng mga taga-Malabon City dahil sa walang kapagod-pagod na paghahatid-serbisyo sa kanila ni Mayor Jeannie Sandoval. Si Sandoval ang nanalo sa local elections noong Mayo. Ngunit nahaharap sa matinding pagsubok ang lungsod dahil sa malawakang pagbaha sa kanilang lugar nitong mga nakaraang linggo. Masaya namang ibinalita ni Sandoval na matagumpay nang nailagay ang kabuuang floodgate (upper and lower fixed part) ng North Muzon…

Read More

TRATONG ALIPIN ANG NARARANASAN NI EDNA SA AMO AT SA AHENSYA

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP DUMULOG ang 39-anyos na OFW na si Edna Ostilano, sa ating programa sa radio na UP, UP Pilipinas na napakikinggan sa DWDD 1134 KHz AM. Ayon kay Edna, maraming beses siyang nagkasakit at katunayan ay nagpabalik-balik na siya sa ospital. Kwento pa ni Edna, noong minsan na siya ay dumulog sa kanyang amo dahil sa kanyang masamang pakiramdam, imbes na dalhin agad sa ospital ay sinabihan pa siya ng kanyang amo na magbigay siya ng pera para pambayad sa doctor. Dahil hindi naman…

Read More

ASAHAN NA TATAMAAN TAYO NG INFLATION

MY POINT OF BREW Ni JERA SISON UMABOT na sa 9.1% ang inflation rate sa US. Ito na ang pinakamataas na porsyento ng inflation sa nasabing bansa sa loob ng 40 taon. Kaugnay nito, ang ating Monetary Board ay nagpasya na taasan ang interest rate ng 75 basis points sa 3.5% epektibo kahapon. *** Ayon kay bagong Bangko Sentral Governor Felipe M. Medalla, ginawa nila itong paghigpit ng monetary policy dahil sa nakikita nilang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating bansa na dulot ng pandaigdigang inflation. ***…

Read More

SUPER HEALTH CENTER

PAGKATAPOS ng bangungot na dulot ng lintek na pandemya, ­panahon na para palakasin ang local government units (LGUs) at isulong ang mekanismong magbibigay daan para magkaroon ng Super Health ­Centers ang mga liblib na lugar at mga lokalidad na mayroong pinakamataas na populasyon ng maralita. Sa nakalipas na dalawang taon, naranasan ng mga Pilipino ang pumila sa mga pagamutan. Nasaksihan din natin ang pagpanaw ng ilan nang hindi man lang nalapatan ng lunas ang kanilang karamdaman. Hindi rin ­maiwawaksi ang katotohanang hindi lahat ay may kakayahang bumayad sa mga ospital…

Read More